Chapter 25

120 8 4
                                    

"Eonni?" Tawag ni Marle kay Meredith na nakahiga sa kama niya.

 

 

"Bakit?"

 

 

"Ahm~ ano kasi... Aalis ako." Mautal utal na paalam nito.

 

 

"Saan ka pupunta?" Meredith ask with a grin. Alam nito kung saan pupunta ang kapatid.

 

 

"Eeeeh! Eonni naman… Diyan lang. Kasama ko naman si M—oops!" Boom. At tama nga si Meredith. Makikipag-kita ito kay Martin.

 

 

Ito yung lalaking nagbalik ng precious phone ni Marle na nanakaw sa Divisoria. Nagtataka ba kayo kung siya ang kumuha? No. Hindi siya.

 

 

-FLASHBACK-

 

 

Nasa bilihan ng mga prutas ang isang lalaki. Gusto kasi nitong bumili ng fresh fruits for his sick mom. He wants to buy her fresh para gumaling ito kaagad kahit ang totoo, 1 month nalang because of stage 4 cancer. But he never minds it. Umaasa padin kasi siyang gagaling ang mommy niya.

 

 

Dapat nga ay pupunta na siya sa ospital kung saan naka-confine ang mommy niya dahil gabi na, pero ayaw niyang pumunta ito ng walang dala.

 

 

"Miss magkano ang—" Napatigil ito nang may marinig siyang sumisigaw.

 

 

"Magnanakaw!!! Ibalik mo ang cellphone ko! Bumili ka ng sayo!"

 

 

Dahil sa isa siyang mabait na bata, hinabol niya ang magnanakaw. Alam niya sa sarili niyang mahuhuli niya iyon dahil na rin sa mabilis siyang tumakbo. He is a sporty boy. Sinanay siya ng mga magulang niya sa ganito para daw lumakas ang resistensiya niya.

 

 

Takbo lang siya ng takbo hanggang sa mahagip na ng mga mata niya ang magnanakaw.

 

 

"Get ready you ugly man!" At kumaripas na ito ng takbo patungo sa lalaking iyon.

 

 

Halos nauna pa nga ito kesa sa magnanakaw eh. Kaya tumigil na siya sa pagtakbo at hinintay nalang sa finish line ang magnanakaw.

 

 

"Gotcha!" Saka niya ito pinilipit ang katawan at mga braso gamit ang natutunan niya sa Taekwondo. Sporty, eh~

 

 

"Ang weak mo pala. Magnanakaw ka pero mas mabilis pa akong tumakbo sayo." Sabi nito sa nakadapang lalaki.

Is It Too Late?Where stories live. Discover now