Chapter 5

221 10 5
                                    

JR's POV

"Kuya! Sabihin mo na!"

Etong kapatid ko, kanina pa. Nakakarindi na eh. -______-

"Jin naman! Nakakabingi na ha!"

"Sabihin mo na kasi kung ano yung nakita ko kanina!"

Nakita niya kasi yung ginawa ko kanina dun kay Ruth.

"Oo hinalikan ko siya pero wala lang yun!"

"Wala?! Ano yun, trip lang?! Kapag trip mo, basta ka na lang manghahalik? Eh kuya dika naman ganyan ah!"

"Aish! Nairita lang ako sa bibig nung babaeng yun! Sabihan ba daw akong bakla!"

Langya! Naalala ko na naman yun >.< Ako? Bakla?!

"Pffft.."

"Wag kang tumawa diyan. Hindi ako nakikipag-biruan Jin."

Takte. Mag-kaibigan nga sila .____. Seryoso ka, tapos tatawanan ka. Naka-asar na ha!

"Hahahaha! Sinabihan ka lang ng bakla, nanghalik ka na? Hahaha nagpa-apekto ka naman kuya?"

"Pinatunayan ko lang sa kanya. Kita mo, natulala. Tss."

"If I know kuya, kinilig ka nung hinalikan mo siya no? Gustong-gusto mo naman eh hahaha!"

Gusto ko? Kelan? Nadiri pa ako nung hinalikan ko yung babaeng bungangera na yun eh! Ang gaspang na ng labi, ang panget pa ng lasa!

"Tigilan mo ko."

"Ay kuya! Yiee! May first kiss ka na. Hahaha! Ano? Hinahanap-hanap mo ba? Hahaha."

O.O

Anak ng tupa naman talaga! Bakit diko naalala yun bago ko halikan yung panget na yun?!

Sa kanya pa ako nagkaroo ng first kiss?! Pwede bang mamatay nalang?! Nasusuka ako kapag naiisip ko yung katotohana na ang isang prinsipeng kagaya ko, nagka-first kiss sa isang palaka!

"Parang kiss lang? Tss. Saka anong nasarapan? Naka-halik ka na ba ng palaka?"

Kiss lang? Oh men! Kiss yun! Lips! Dibale ba kung cheeks lang eh. Pero lips yun, labi! Peste!

"Eew kuya ha! Palaka?! Duh!"

"Kita mo? Sa tingin mo hahanap-hanapin ko yung halik na yun sa palakang yun?"

"Kuya ang sama mo! Ang ganda kaya ni Ruth!"

"Siyempre, kaibigan mo eh."

"Ewan ko sayo JR! Ang corny mo. First kiss din ni Ruth yun, at yari ka sa tatay niya."

Tatay? Weak pala siya eh. Sumbong tatay. Bata.

"Wala akong pake."

"Owell~ ang alam ko kasi, Yakusa yung daddy niya. Kaya ikaw, anong plano mo?"

Yakusa? Langya. Diba matataas na tao yun? Malalakas at kilala? Potek.

"Oh? Bakit bigla kang namutla? Ha, JR Lamorin? Haha. Wait mo nalang ha? Bye!"

Natamaan na! Kinabahan ako sa tatay nung palakang yun. Yakusa? Langya. Baka ipapatay ako nun dahil lang sa kiss na yun?! Anong gagawin ko?!

Rainbow's POV

"Bes! Huhuhu! Anong gagawin ko?! Wala na akong first kiss! Nakuha na nung halimaw na yun! Nakakadiri!!"

Kanina pa yan si Ruth ngawa ng ngawa XD Naubusan na ako ng sasabihin sa kanya eh.

"Dun ka sa twitter mag-rant. Walang mangingi-alam sayo dun."

"Edi nabasa ng mga followers ko na wala na akong first kiss? Tapos tatanungin nila kung sino nakakuha. Paano pag nalaman nilang si halimaw pala? Pandidirian nila ako? Huhuhu ayoko! Wala na akong mukhang maihaharap sa buong sangkatauhan!"

Hahahaha! Iba din 'tong si Ruth eh XD Ang dami-daming sinasabi. Magtatanong kung anong dapat niyang gawin. Kapag sinagot mo, may idadahilan naman siya -______- Ubos na lahat ng nasa suggestion box ng utak ko.

Parang first kiss lang naman kasi, kung maka-reklamo naman akala mong nalugi pa.

Ang gwapo kaya nung JR hahaha! Friend niya kasi si Jin sa FB. Tiningnan namin yung picture nung JR kasi na-curious ako.

"Maka-daldal naman 'to! Ang gwapo naman nung JR ha? Sus. Choosy ka pa ha."

"Gwapo?! Samahan kita sa EO, patingin ka ng mata! Ang sama-sama kaya ng ugali niya!"

"Bakit, nakilala mo na ba siya ng lubusan?"

"Siya yung mayabang dun sa mall habang namimili ako ng gift kay Jing! Kapal ng mukha niya! Gwapo? Saang banda? Baka nga ultimo talampahan nun, kasing gaspang ng ugali niya eh!"

"Hahahaha! The more you hate, the more you love."

"Saan mo na naman nakuha yan? Ano na namang sasabihin mo? Na sa ganto nagsimula yang daga at pusa niyo?! Rain naman eh!"

"Okay~ fine hahaha! Ikaw na tong tinutulungan eh."

"Bakit? Nakatulong ka ba? Puro panunukso samin yang mga sinasabi mo huhu!"

At dahil wala na talaga akong masabi, naglaro nalang ako ng Zombie Tsunami.

Bahala siyang mag-salita mag-isa diyan HAHAHA! Kung ako siguro yun? Baka natuwa pa ako. Ang gwapo nung JR eh hahaha! Kaso loyal ako kay Tristan, so~ bawal lumandi XD

Diko ba nabanggit sa inyo na lumipat na kami ng bahay?

Mag-kasama kami ngayon ni Ruth. May bahay kasi akong sarili so dito nalang kami. Pumayag naman si mommy at daddy eh.

*Phone ringing*

International call?

Sino namang tatawag sakin?

"Papakinggan mo nalang forever yang ringtone mo? Try mo kayang sagutin no?"

"Ha? Eh kasi hindi ko naman kilala. International call ata?"

"Kaya nga sagutin mo eh. Para makilala mo. Shungabels lang Rainbow?"

Oo nga no? Haha.

Sasagutin ko na sana kaso bigla namang nawala.

"Oh ano? Babagal-bagal kasi haha."

"Sorry na. Saka hayaan mo na. Hindi ko naman siya kilala eh."

Binura ko nalang yung number. Baka kasi nagkamali lang yun okaya nanloloko lang. Marami na kasing ganun sa mundo. Tatawag, sasanihing kamag-anak mo, pero gusto lang naman na pa-load-an sila haha.

----------------------------------

A/N: Ang sama ba ni JR? Hahaha. Kung maka-palaka naman, akala mong gwapo XD Pero oo. Gwapo siya HAHAHA.

Yung naka-bunggo ni Ruth, gusto niyo na bang makita kung anong ichura niya? Haha.

Is It Too Late?Onde as histórias ganham vida. Descobre agora