Wakas

20.3K 674 912
                                    

"Close your eyes, mahal!" She instructed me. "Huwag kang madaya ah. Huwag kang sisilip!" Kinakabahan ako, pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko sa dibdib sa sobrang kaba. I half opened my eyes. Bahagya tuloy akong nahampas sa braso ni Yshara. "Ang daya mo, sumisilip ka!" Reklamo niya sa akin.

"Ako na nga ang titingin." Kinuha ko ang phone niya na agad niya rin namang hinigit mula sa pagkakahawak ko. She pouted. "Okay sige, ikaw na ang mag-check. Huwag ka nang magtampo." Hinalikan ko siya sa pisngi.

"Ikaw na lang." Iniwan niya sa akin ang phone niya at dire-diretso siyang nagtungo sa kanyang kwarto. Kamot-ulo kong siyang sinundan. She covered herself with a comforter.

"Baby, ito na oh. Ikaw na ang mag-check. Sorry na please." Inalis ko ang comforter na tumatakip sa mukha niya. Sinamaan niya ako ng tingin, agad ko naman siyang hinalikan sa noo. "Bangon ka na, I'll close my eyes now." Sabi ko sa kanya. She sighed before doing what I said. I close my eyes and cover them with my hand too. Kinuha niya sa akin ang cellphone niya.

"Mahal..." Silence took over. Hindi na siya nagsalita pa kaya naman nakaramdam na naman ako ng kaba. Kahit labag ay dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko. I saw Yshara being teary-eyed.

"I didn't pass right?" Bumagsak ang balikat ko. She pulled me closer so she can kiss me. "I'm sorry..." I said in between kisses, tsaka siya tumigil ng paghalik sa akin.

"No mahal, you just topped the board exam! Congratulations Engineer Haniel DeAndre Villangco!" May kung ano siyang kinuha sa gilid na hindi ko napansin kanina. It is a congratulatory cake for me.

"You tricked me?"

"Surprise!"

"I expected you'll pass so I baked a cake in advance." Proud na sabi niya sa akin. She let me have a taste of it. "You like it?"

"Masarap baby. Thank you so much! I didn't expect this."

"I know you'll pass and will top the boards. Ang daling hanapin ng pangalan mo, nasa pinakauna kasi." Aniya. I kissed her cheeks.

"Akala ko talaga nagtampo ka sa akin. Hindi ka naman madalas magtampo." Ngumisi lamang siya sa akin at masaya naming pinagsaluhan ang cake. Kinuha ko ang kamay niya, she's still wearing the ring. She's still my fiancée. "Ikaw naman ang next, Yshara Xeline Madriaga, CPA. Then after that, Yshara Xeline Madriaga-Villangco naman." Binaba ko ang cake sa kanyang table. I wipe the side of her lips with a tiny piece of the cake. Yumakap siya sa akin nang mahigpit.

I only dream of passing the board exam but not being the topnotcher. There are a lot of sacrifices to achieve what I have now, it was never easy. May mga araw na hindi ko na nakakausap si Yshara. May mga araw na siya na 'yung pumupunta sa akin dahil subsob na ako sa pag-re-review para sa board exam. Pero walang araw na naramdaman kong iiwan niya na ako dahil nagkukulang na ako sa kanya. Pinangako ko sa sarili ko na babawi ako sa kanya.

"Baby, sorry talaga!" She appeared in front of my condo unit, kinailangan kong kumuha ng unit malapit sa review center namin para hindi na hassle pa sa akin at mas ma-maximize ko ang oras ng pagre-review.

"Happy Monthsary Mahal!" Nilabas niya ang cake na dala niya bago siya pumasok sa unit ko. Nahihiya ako kung gaano kagulo ang buong unit. Nilibot niya ang kanyang tingin sa buong lugar. Oh shit! I even forgot our monthsary. Damn it, Dray! What have you done?!

"I'm really sorry, baby..." Yumakap ako nang mahigpit sa kanya. "Happy Monthsary." She caressed my back.

"Shh... it's okay! Kaya nga I'm here because I know you're busy and I want to celebrate it with you." She look up to me, marahan niyang inayos ang magulo kong buhok. Hindi pa nga ako naliligo ngayong araw kaya napalayo ako sa kanya nang matanto iyon. Subalit hinila niya ako at mas niyakap pa nang mahigpit. "This will do. Let me hug you more, I've missed you so much." She said as she rested her head on my chest. "Happy Monthsary my love."

Until You Say It [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon