Kabanata 20

20.8K 859 822
                                    

Nang matapos kaming kumain ay hinatid ko muna siya sa kanilang building bago pa man magsimula ang klase ko. "Thank you ulit," ani ko habang papalapit kami nang papalapit sa tapat ng kanilang building. Tumingala siya upang magtagpo ang mga mata naming dalawa. Dahan-dahan siyang ngumiti ng malapad sa akin. Napangiti rin ako. I did not really expect she will be this jolly and bright, ang sarap pagmasdan, ang sarap panoorin ulit.

"You're welcome, ipagluluto ulit kita ha?" Nag-aalangan niyang sabi sa akin, ang sarap ding pakinggan ng boses niya. "Kung okay lang, baka kasi may magalit na iba kung gagawin ko 'yun..." she bit her lower lip, nag-iwas ng tingin sa akin, bahagya akong natawa.

"Why? Were you jealous?" Yumuko ako at tsaka nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. Damn it. Mahal ko pa rin ang babaeng ito.

Gulat siyang tumingin sa akin dahil sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. "Yshara, were you jealous?" Pag-uulit ko, mas malinaw dahil mas malapit na ngayon ang bibig ko sa may tainga niya.

Natuod ako sa pagkakayuko nang marahan siyang tumango sa akin. Naluluha na ang mga mata niya. "Nagseselos ako...k-kaunti lang naman," bumagsak ang luha sa kanyang mata. "K-Kasi ako dapat sana 'yun eh. Ako dapat sana 'yung mas malapit sayo pero ngayon para k-kasing hanggang tanaw na lang ako sa m-malayo." Tinakpan niya ang kanyang bibig upang mapigilan ang paghikbi.

"Ysha..." I was so stunned I can't find the right words to say.

"Nakaka-miss lang, pero ako naman 'yung nagkamali noon. I'm just trying to cope up from the things I missed during the times I'm no longer with you," pinalis niya ang mga luha niya gamit ang likod ng palad niya. "Ang sakit kasi, p-pero parang m-mali na maramdaman ko iyon. I can still clearly remember how I pushed you away. K-kaya thank you. Thank you kasi k-kahit ganito ako, andiyan ka pa rin..." Tumitig siya sa akin, nakangiti habang bumabagsak ang mga luhang hinayaan na lamang niya. "Andiyan ka pa rin kahit hindi na tulad nang dati."

"Yshara, do you want us to start over again?" Natulala siya sa naging tanong ko, kinuha kong muli ang panyo ko mula sa bulsa ng pants ko. Inayos ko ang ilang hibla ng buhok niyang humaharang sa mukha niya. Napakaganda. Bumuntonghininga ako at ngumiti sa kanya.

"Walang magagalit, okay?" Marahan kong dinampi ang panyo sa gilid ng mg mata niya. Ikaw pa rin pala talaga. "Wala akong girlfriend. Wala pa akong nagiging girlfriend. Isa lang naman ang first love ko diba? At alam kong kilalang-kilala mo iyon." Umawang ang labi niya, na agad din niyang tinikom.

"So baby, please stop crying," instead, she cried even more. I panicked. May mali ba akong nasabi? Hinapit ko na lamang siya papalapit sa akin upang mayakap siya. She rested her head on my chest while I slowly caressed her back. Unti-unting humupa ang pag-iyak niya. Nag-angat siya ng tingin sa akin.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal nagtitigan, basta ang alam ko ay masaya ako. Sobrang saya na naman.

"Kayo na ulit ni Yshara?" Napakunot ako ng noo nang ngisi ni Jordan ang bumungad sa akin nang makarating ako sa tapat ng classroom namin nila Shaila. He even crossed his arms over his chest. Nanunukat na siya ng tingin ngayon.

"Base sa ngiti at walang gamot na karupukan mo, kayo na ulit diba?" Binangga ko ang balikat niya, wala pang tao sa classroom bukod kay Shaila na tahimik na nagbabasa ng notes niya. Nginuso ko si Shaila, nagkibit na lamang ng balikat si Jordan. "Sige bro, may klase na rin ako. Ang hirap suyuin ng isa riyan eh." Reklamo niya sabay kamot sa ulo. Lumayo ako kay Jordan nang biglang lumipad ang notebook ni Shaila, tumama sa ulo ni Jordan.

I have never seen Shaila this violent.

Tumayo si Shaila at kinuha ang notebook na hinagis niya. "Hey," masuyong hinawakan ni Jordan ang siko nito, natawa na lang ako habang naiiling, umupo na ako sa katabing upuan ni Shaila tsaka nangalumbaba habang pinapanood silang dalawa. "Wala nga kasi 'yun, matagal nang tapos 'yung sa aming dalawa. Nasaktan ako noon, at inakalang baka sa future ay kami pa rin para sa isa't-isa...pero alam ko sa sarili kong hindi na." Hinawakan niya ito sa kamay. "Shaila, sigurado na ako sa'yo. I'm sorry if I am being stubborn most of the times. Parang wala na talagang direksyon ang buhay ko. I will change myself this time not because you want me to but because I want to be a better man deserving for your love."

Until You Say It [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon