Kabanata 22

17.8K 588 681
                                    

Bago sumapit ang gabi ay nagtungo na kami sa bahay nila Yshara. Sumalubong agad sa amin si Tita Cerys na may ngiti sa kanyang mga labi. "Mabuti at nakadalaw ka ulit dito sa amin Dray, na-miss ka namin." Aniya. Nagmano ako kay tita at yumakap na rin, ganoon din kay Tito Kal na kakababa lang.

"Mom, dad...kami na po." Sabay-sabay kaming napatingin kay Yshara. I heard it right, right? She cleared her throat nang hindi kami nakapagsalita sa sinabi niya. Kahit kasi ako ay nagulat. "Si DeAndre po, boyfriend ko na po siya..." Kinuha niya ang kamay ko upang mahawakan ito ng mahigpit. "Boyfriend ko na po siya." Pag-uulit niya pa.

"Baby, I wasn't informed." Bulong ko kay Yshara. Ngumisi siya sa akin sabay kindat. "So kailan pa kita naging girlfriend? Hmm..." Marahan ko siyang niyakap mula sa kanyang likuran at dahan-dahang hinaplos ang kanyang siko.

"The night I said it. Sinagot na kita noon." My smile grew even wider. "I love you, DeAndre." Kung ang pagsabi niya sa akin na mahal niya ako ay lubusan talagang nagpasaya sa akin, ngayong nalaman kong sinagot niya na pala ako ay higit pang nagpasaya sa akin.

I know, I deserve this.

Bumundol ang kaba sa dibdib ko. Sana araw-araw ganito kasaya, pero hindi iyon pwedeng mangyari. May mga araw na magiging malungkot, ang mahalaga ay kung paano iyon malalampasan. I have learned in life that it's not always all ups there will be downs too, and it's okay to experience that because everyone can go through those too.

"Thank you so much. I couldn't find the right words. Sobrang sarap sa pakiramdam, kung alam mo lang Yshara." Ngumiti lamang siya sa akin. " You are my first love, my greatest too."

"Congratulations to the both of you," hinawakan ni tita Cerys ang kamay naming dalawa. "I always knew you'll both make a beautiful couple." Naluluha nitong sabi. "I just want our Yshara to be happy, at alam naming sa'yo niya 'yun mararamdaman." Niyakap siya ni tito Kal mula sa likod upang bahagya siyang aluin.

"I've always look forward to this day Dray, na ipapakilala ka sa amin ng prinsesa namin bilang boyfriend niya." Si Tito Kal.

We had dinner together.

Hinatid ako ni Yshara hanggang sa may gate nila. Pareho kaming nagkatitigan nang makarating na ako sa tapat ng kotse ko. Hindi alam ang sasabihin, pareho kaming napangiti sa isa't-isa. "I love you!" Sabay pa naming bigkas, natulala ako nang tumakbo siya palapit sa akin upang mayakap ako ng mahigpit. "Someone's gonna miss me so bad." I joked. She nodded.

"Super." She whispered. "Pwedeng huwag ka na lang umuwi." Umawang ang bibig ko, tinikom ko ito at ngumiti ng malapad. I caressed her back. I look at her face while she pouts.

"Paano ako uuwi niyan." Bahagya akong yumuko upang mahalikan siya sa labi. Saglit lang iyon. Nang hihiwalay na ako sa yakap ay tsaka naman tumingkayad si Yshara. She pressed her lips on mine longer than what I did. "Can I stay?" Tanong ko matapos ang yakap at halik. "Hindi ko pa kayang umuwi." Ngumiti siya ng malapad at marahang tumango.

I asked for her parents' consent first before going to her room. They allowed me to sleep with her. It's also a great feeling to know they really trust me with their daughter a lot. No worries with my clothes because I always bring extras with me. Nauna akong maligo kaya hinihintay ko na lamang matapos si Yshara.

She has her own bookshelves here. I check out some books, there were academic books and novels. Napangiti ako, she always look attractive when reading a book, well she's always that attractive.

Hindi ko namalayang tapos na pala siyang maligo, naramdaman ko na lamang ang yakap niya mula sa likuran ko. Maingat kong binalik ang librong hawak ko at tsaka siya hinarap. "You're extra clingy now." Biro ko sa kanya. Tumango-tango naman ito habang nakanguso at tila ba kumikinang ang mga mata. I pinched her cheek. Kumunot ang noo niya. "Sorry, it's hard to resist your cuteness." Mabilis kong hinalikan ang pisngi niya. "Tulog na tayo?"

Until You Say It [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon