Kabanata 8

19.8K 806 519
                                    

First day of December, mom started wrapping gifts for ViC and VCDC employees, tumulong din sa kanya ang mga kasambahay dito sa mansion. Tuwing pasko, nakaugalian na namin na rito sa mansion mag-celebrate kasama sina Lolo at Lola, both from my parent's side.

Gustuhin ko mang tumulong ay may klase pa ako hanggang ngayon at December 18 pa ang tapos ng klase namin, December 20 naman ang Christmas party namin. "Mom I'll go to school now. I'll bring my McLaren." Humalik ako sa pisngi ni mommy. Si daddy ay maagang nagtungo sa ViC ngayon, may maliit na problema raw na kailangan ang presensiya niya upang masolusyonan.

"Dray, keep safe on driving okay? Nadadalas na ang pagmamaneho mo ng kotse. Are you planning to fire Mauricio now?" Napailing na lamang ako sa biro ni mommy.

"No mom. You know I'm pursuing someone." Humagikhik ang ilan sa mga kasambahay namin, si mommy naman ay nagpipigil ng ngiti. Nagpaalam na rin ako kay Mauricio at baka nagtatampo na iyon sa akin.

"Pasensiya na Mauricio, nagpapapogi eh." Biro ko kay Mauricio at tinawanan lamang ako.

Before driving I texted Yshara na susunduin ko siya ngayon.

Ako:

Good morning! I'll text you kapag malapit na ako sa inyo. :)

Baby:

I'm already done kanina pa. Just waiting for you now.

Napangiti ako, ito ang unang pagkakataon na susunduin ko siya, nagkasakit kasi ako nung last time na dapat ay susunduin ko rin siya. I estimated the time on getting there so I won't be late, mabuti at wala pang traffic.

Nang lumiko ako sa exclusive subdivision nila ay sinipat ko ang daan, napapreno ako nang may humarang sa daan. Oh shit! "Damn it Jordan!" Angil ko at bumaba upang harapin siya.

"Wow! Ganun na lang 'yun palampas-lampas na lang sa bahay namin?" Tatawa-tawang sabi nito.

"Damn you bro! I almost hit you!" Nagkibit-balikat ito at humawak pa sa tiyan dahil sa matinding pagtawa.

"Pasabay!" Napangiwi ako sa sinabi niya.

"Bro, next time na lang. Susunduin ko ngayon si Yshara." This man is really messing me with right now.

"Christmas is coming and you're being selfish. Aww, sakit naman nun." Humawak siya sa kanyang dibdib at umarteng nasasaktan na sinabayan pa nang pagnguso.

Sinapak ko ang dibdib niya. "Damn it. Get in." Ilang beses pa akong napamura bago ako nagmaneho. Mabuti at sa backseat siya umupo. Sinilip ko siya sa salamin at ngumisi ito nang magtama ang tingin naming dalawa.

Ilang minuto lang ay nasa tapat na kami ng bahay nila Yshara. Bumaba ako upang makapag-doorbell sa kanila.

Ako:

Already here, baby ;)

Her hair is braided when she gets out. "Good morning!" She smiled at me as she make signs using her hands. "You wanna come in first? Mom told me to let you come in just in case you haven't eaten your breakfast yet."

Umiling ako. "I'm good. Nagbreakfast na rin kasi ako sa amin. Pasabi na lang kay tita, next time I'll drop by. Nakakahiya at wala akong dalang kahit ano para sa kanila ngayon." Ngumuso siya sandali bago tumango. "Ang cute mo..." Komento ko. "Let's go?"

Pinagbuksan ko siya ng pintuan. Natigilan siya sa pagsakay nang makita si Jordan sa backseat. "Good morning Yshara!" Malaki ang ngising ginawad ni Jordan sa kanya. Napansin ko ang pagkailang ni Yshara kay Jordan, kaya't hinawakan ko ito sa magkabilang braso niya. Tumango at bahagya siyang ngumiti kay Jordan.

Until You Say It [Completed]Where stories live. Discover now