Kabanata 15

17.9K 727 420
                                    

Noong Sabado ay buong araw kaming nag-ensayo ni Yshara, ngayong linggo naman ay sasamahan ko siyang muli sa kanyang therapy with Dr. Kaye. I came here around 9 in the morning, at sabi ng isang kasambahay ay nagbibihis na raw si Yshara. Naabutan ko pa sila Tita Cerys at Tito Kal na paalis para sa isang out of the country business trip. Masarap sa pakiramdam na tanggap na ako ng mga magulang ni Yshara.

Habang iniisip 'yun ay biglang sumulpot sa harapan ko si Yshara. "You're smiling!" Mas lalo akong napangiti.

"Ang ganda mo," tumayo ako at iginiya siya sa palabas ng kanilang bahay, kinuha ko ang dala niyang bag upang mabitbit ito. "Ang bigat, what's inside?"

"Dr. Kaye told me to bring my favorite things." Tumango-tango ako tsaka siya pinagbuksan ng pinto, hindi ko agad ito sinara pagkaabot ko ng bag sa kanya. I stared at her. "You can't stare at me the whole day!" Aniya na halatang nagpipigil ng ngiti.

"You bet, I can definitely stare at you the whole day. Kaya kong tumitig lang sa'yo buong araw tapos kikiligin na ako nang sobra kapag ganoon." Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya, she pressed her lips. "Kaya ko Yshara." Inayos ko ang buhok niyang takas na bahagyang natatakpan ang gilid ng kanyang mata. Nilapit ko pa ang bibig ko sa may tainga niya saka bumulong, "I love you..." Umatras ako at tsaka sinara ang pinto.

Magiliw kaming sinalubong ni Dr. Kaye. Yumakap siya nang mahigpit kay Yshara. "You ready?" Tumango-tango si Yshara. "Wait for her na lang ulit Dray."

"I will Dra." Umupo ako sa upuan dito sa lobby at inabala ang sarili sa pagbabasa ng mga susunod na lesson. Isang linggo kasi kaming walang pasok dahil simula na ng foundation week bukas.

Nang mahigit tatlong oras na akong naghihintay ay tinigil ko na rin ang pagbabasa, I went on my facebook account, kahit hindi naman ako madalas magcheck nito. Nagtungo ako sa profile ni Yshara, na naka-see first din sa akin. Hindi rin naman siya pala-post kaya puro tagged photos ang makikita sa kanyang timeline.

Hindi rin ako pala-post pero naisipan kong i-post 'yung valentine picture namin, at yung isang stolen shot niya. Sa unang picture ay naka-akbay ako sa kanya habang sa kanya nakatingin, kuha ito nung batang babae na nagtranslate ng sign languages niya noon. She's smiling widely habang nakatitig ako sa kanya. Sa ikalawang picture naman ay ako ang kumuha nito, she's smiling genuinely with the kids.

No other girl that I'd be willing to spend all my Valentine's Day with, only You, only my Yshara Xeline Pedrino- I posted the pictures with this caption.

Hindi pa man nakakalampas ng isang minuto ay sunod-sunod na ang comment nila Jordan, napaka-active talaga sa facebook ng isang 'to. Natatawa na lang ako habang binabasa ang mga comment nilang puro kalokohan naman, si Greg lang ata ang nag-iwan ng medyo maloko na maayos na comment. Ang ibang comments ay hindi ko na binasa, mula sa ibang babaeng schoolmate iyon, those doesn't really matter to me. Gusto ko lang na ipagmalaki siya.

Nang mag-angat ako ng tingin, mula sa hindi kalayuan ay natanaw ko na sina Dra. Kaye at Yshara patungo sa akin. Tumayo ako upang masalubong sila, napansin ko ang pamumula ng ilong at mata ni Yshara, halatang galing sa pag-iyak, inaalalayan siya ni Dra.

Nang makalapit na ako sa kanila ay agad siyang yumakap sa akin. "She's improving." Masayang balita ni Dr. Kaye. "Although we need more sessions...and I'm glad kusa na siyang nag-re-reach out." Humigpit ang yakap nito sa akin, marahan kong pinadaan ang palad ko sa likuran niya.

"Thank you Dra. Sasamahan ko ulit siya sa susunod."

Tulala siya habang nagmamaneho ako, normal lang iyon tuwing matatapos ang isang therapy session niya. "Where do you wanna eat?" Tanong ko sa kanya habang tinatanaw ko ang labas para sa restaurant o fast food chain. "Yshara...baby...Aren't you hungry?"Mabagal siyang lumingon sa akin, blangko ang expression ng mukha. "It will take time to get back to your home, medyo traffic na ang ganitong oras. We need to eat first." Niliko ko ang kotse sa isang steakhouse.

Until You Say It [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon