Kabanata 9

17.9K 688 764
                                    

"Dray!" Nilingon ko si Shaila, nahihiya itong lumapit sa akin kaya ako na ang lumapit sa kanya. "Uh..." Inangat niya yung regalong bigay ko sa kanya, siya kasi 'yung nabunot ko sa exchange gift namin. "Thank you for this! Nakakahiya kasi ang mahal ata nito." Ngumiti siya sa akin.

"Hindi naman. Actually my mom chose that, hindi naman ako marunong mamili ng regalo para sa babae." Not unless it's Yshara, magtitiyaga talaga akong pumili para lamang sa kanya.

"Ganun ba? Kahit na. Thank you pa rin! At thank you sa mommy mo." Tumango ako.

"I'll tell my mom you said thank you for that." Ani ko upang matapos na ang usapan naming dalawa at baka kanina pa naghihintay sa akin si Yshara.

"Bro, una na ako." Tinapik ko ang balikat ni Jordan. "Ysha..." Nang magtatanong pa ata sana siya kung bakit. Ngumisi na naman ang loko.

Hinahagis tapos sinasalo ko ang susi ng aking McLaren habang naglalakad. Kukunin ko muna kasi sa kotse yung bulaklak at necklace na ibibigay ko sa kanya.

Agad akong nagtungo sa building nila Yshara nang makuha ito. Habang naglalakad patungo sa building nila Yshara ay may mga bumati sa akin, I greet them back with happy holidays. May ilang napatingin sa dala kong bulaklak, may napasinghap pa at napaawang ang bibig sa pagkamangha.

Natanaw ko si Yshara na nakatungo habang marahang tinataas-baba ang isang paa habang nakasandal sa pader ng kanilang building. "Hey..." Bati ko nang makalapit sa kanya. "Here..." Inabot ko sa kanya ang isang bouquet ng sunflowers. Her eyes grew wider.

"Thank you," teary-eyed as she look at me. Nginuso ko ang bouquet ng sunflowers. Sa ibabaw nito ay isang customized necklace, na may letter Y.

"Suot ko sa'yo," pansin ko ang pagkakatigil ng ilan upang panoorin kaming dalawa. "I want you to wear this all the time," bulong ko at marahang sinuot sa kanya ang necklace. Natigilan ako nang matapos kong ikabit ito ay ipinilupot niya ang isa niyang kamay na hindi nakahawak sa sunflowers sa aking baywang. Lumapad ang aking ngiti. I'm not expecting anything from her because I'm contented of having her appreciate anything that I can give and do for her.

"I like you so much..." Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin.

Naglalakad kami patungong McLaren ko nang biglang humarang sa daanan namin si Shaila, napakunot tuloy ako ng noo. I don't think I have other business with her. "I'm sorry for intruding, gusto ko sanang ibigay ito sa mommy mo, carbonara specialty 'yan ni Nanay." She handed me the rectangular plastic food container where the carbonara is.

"You don't have to." Umiling-iling ito. Ngumiti sa akin at ganoon din kay Yshara.

"Natuwa lang ako sa sinabi mo." Aniya. Napatingin tuloy ako kay Yshara na sa malayo na nakatingin. Napansin iyon ni Shaila. "Hala sorry, nagmamadali ba kayo? Pasensiya na, I'm Shaila by the way...Yshara right?" Shaila hesitantly extended her arm for Yshara. Hindi ito tinanggap ni Yshara at matipid na ngumiti lamang. Naramdaman ko ang pagka-tense niya kaya hinapit ko siya sa kanyang baywang palapit sa akin, upang mabigyan ko ng suporta.

"Thank you for this Shaila. We'll go ahead now." Bakas ang lungkot sa kanyang mga mata, hindi siguro inasahan ang pagbalewala ni Yshara sa kanyang pagpapakilala. Ganun lang talaga si Yshara sa ibang tao, I hope she won't get the wrong idea and understand her too. Tumango na lang ako bilang paghingi nang paumanhin.

Nang makalayo na kami at nasa tapat na kami ng aking McLaren ay inalis ni Yshara ang braso ko sa may baywang niya. Tahimik siyang naghintay na pagbuksan ko siya ng pinto. Nang patunugin ko ang McLaren ay kusa na siyang sumakay dito, hindi na niya ako hinintay pang pagbuksan siya. Nilagay ko muna sa backseat ang binigay ni Shaila bago ako umupo sa driver's seat.

Until You Say It [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon