Kabanata 19

20.2K 896 815
                                    

Napasandal ako sa kotse at dito napabuntong-hininga nang makailang-beses. I tried to recall everything that happened earlier, sobrang bilis ng mga pangyayari ngayong araw.

I thought everything will end the moment we had our closure. She has her reasons, I have mine too. Subalit bakit tila may nakabara pa rin sa dibdib ko? Was I feeling guilty for what I did? Or was it because I still have the same feelings for her and I'm only trying to divert my attention to the idea that I only care for her but I really don't love her anymore.

Nag-vibrate ang phone ko, sa screen lumabas ang pangalan ni Yshara at kanyang text message.

Yshara:

Take care! Ipagluluto ulit kita sa susunod, kapag pumunta ka rito.

Napatitig lamang ako sa screen ng ilang minuto, paulit-ulit kong binasa ang kanyang mensahe. Hindi ko alam kung ano bang dapat i-reply ko run. Nagmaneho na ako ng kotse hanggang sa magdesisyon na, thank you, na lamang ang ire-reply ko sa kanya.

Medyo traffic kaya naman ilang beses akong nagpasulyap-sulyap sa phone ko, wala na akong natanggap pang reply matapos ang reply kong iyon sa kanya. Napailing na lamang ako sa sarili ko nang mapagtantong I'm starting to expect something again.

Hindi na dapat kasi tapos na.

Kinabukasan naabutan ko si Shaila na mag-isa sa library, walang Jordan na nagrereklamo sa kanyang tabi. Napakunot ako ng noo. Umupo ako sa tapat niya, nag-angat siya ng tingin sa akin sandali at muling binalik ang pokus sa binabasa niyang lecture namin sa PHYS 2. Ganoon din ang ginawa ko, nilabas ko rin ang notes ko for that subject. Tumikhim ako. "Si Jordan?" Pasimpleng tanong ko, sa notes pa rin ang mga mata ko.

"Hindi ko alam," matabang nitong sagot sa akin. Nag-away na naman siguro kaya ganito ang mood ni Shaila ngayon. Hindi na ako umimik pa at nag-focus na lang ulit sa lecture.

"Uh...Dray I missed this part. Paano nga ulit nakuha 'to?" Pinakita sa akin ni Shaila ang isang item na na-miss niya sa lecture, medyo mabilis kasing magdiscuss 'yung professor namin. Tumayo ako para sana tumabi sa kanya, subalit may nauna nang umupo sa tabi niya.

"You go back to your seat. I can teach her on this part." Nagtatakang napalingon din si Shaila kay Cybelle, hindi naman sila magkakilalang dalawa. "Eyes on notes girl," ani Cybelle. Sumunod naman agad si Shaila sa kanya. Napailing na lang ako at bumalik sa upuan ko. She's an upper batch, she can explain it better than I do.

Napapaangat ako ng tingin sa kanilang dalawa. I must admit that she's explaining it well, even better than our professor. "Baka matunaw ako niyan," aniya habang natatawa, saglit na hinuli ang mga mata ko bago muling nag-explain kay Shaila.

Ibang klase talaga.

"Kapag may hindi kayo maintindihan, sabihan niyo lang ako." Manghang-manghang tumango sa kanya si Shaila. Nang magtama ang tingin naming dalawa ay ngumiti siya sa akin. For no reason, I wasn't irritated this time. I find it natural for her to smile like that. I find her genuine too. "Cybelle, with God's grace, third year na." May pagturo pa ito sa itaas. Nakipag-kamay sa kanya si Shaila. Napasimangot pa ito nang tawagin siya nitong ate.

"Ate Cybelle..." I mocked her. Umangil siya sa akin.

"Tsk. Pasalamat ka, crush kita. Kuya Haniel." Natatawa nitong sabi. Natahimik naman ako. Hindi ko kasi alam kung seryoso ba siya o nagbibiro lamang. "First love mo," ngumuso siya at sumenyas na tingnan ang nasa likuran ko. Dahan-dahan akong lumingon sa tinutukoy niya.

Si Yshara. Kumaway siya sa akin habang may hawak na libro ang kanyang kaliwang kamay. Mas lumapad ang ngiti niya habang palapit sa akin. Ngumiti rin ako. Nawala ang ngiti ko nang lampasan niya ako. Umupo siya sa bakanteng table, mag-isang naghi-highlight ng libro niya. " Una na ako," nabali ang titig ko kay Yshara nang tumayo si Cybelle. Ngumisi ito sa akin.

Until You Say It [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon