Kabanata 17

16.4K 700 566
                                    

I am a bit dizzy while I slowly open my eyes. Agad nasilaw ang mga mata ko sa liwanag kaya't muli akong napapikit. Sinubukan kong igalaw ang mga kamay ko nang mapagtantong nakagapos pala ang mga ito. Idinilat kong mula ang mata ko, pati pala ang mga paa ko ay nakagapos.

"Pre gising na!" Agad nagsipalibutan sa akin ang tatlong pamilyar na lalaki, they were the same boys who bullied Yshara. Hindi pa rin pala nadala-dala ang mga ito. I didn't know this shit happens in reality. Parang nasa isang drama para lang ma-hostage ng mga duwag na ito. This is plain stupidity.

"Tangina! Ang yabang nito kanina, hinang-hina naman ngayon." Tinitigan ko lang silang tatlo na naka-posisyon pa talagang susuntukin ako. I mocked them even more.

Sinuntok ako noong pinakamaliit sa kanilang tatlo, nakatali na nga ako dumaplis pa ang suntok niya. Nainis ata kaya sumubok ulit na sumuntok. It hit me, but it didn't hurt much. Mas masakit pa ring ipagtabuyan ni Yshara.

I realized being hurt emotionally hurts more than being hit physically. Ang mga pasa, bugbog, magagamot agad, maghihilom din pero 'yung mga masasakit na salita na tila punyal at pwersahang pananaboy sa iyo ng taong mahal mo ay matagal na paghilom ang kailangan.

You will always be reminded of that pain it caused you. You will always question yourself why? And you'll learn to doubt yourself, where did it go wrong? Was it my fault or was it hers?

It was my first time falling in love, that's why it hurts big time, it hurts to the core...

"Oh bakit parang naiiyak ka? Wala ka nang kakampi rito." Nagtawanan silang tatlo at sabay-sabay na sumugod. Pinagsusuntok ako, nalalasahan ko na ang dugo pero tila wala na akong maramdaman, sobrang namanhid na ako.

Hinayaan ko silang suntukin, sipain ako. Paulit-ulit iyon, at hindi na ako nagtangkang umiwas pa o salagin ito. Nakagapos ako, it will be useless anyway.

Tumumba ang upuang inuupuan ko, doon ko naramdaman ang sakit nang tumama ang ulo ko sa semento. Napapikit na lamang ako dahil sa sakit nang pagkakabagsak ko. Ramdam ko rin ang dugong umaagos mula sa ulo ko.

Hindi nagtagal ay kinalas din nila ang parehong gapos sa kamay at paa ko. Hinayaan ako na ganoon, dahil hindi ko na rin naman kaya pang gumanti. Hinang-hina na ako, at tila may lumalatay na matinding sakit sa ulo ko.

"Give this lollipop to her, it's her favorite. It's her birthday..."

Napahawak ako sa aking ulo. I shouted out of pain. Paulit-ulit kong narinig ang boses na iyon na hindi naman pamilyar sa akin. I picture out a scene, but they are all unfamiliar to me, there was a kid, there was a woman smiling like crazy.

Damn it. I took the lollipop and gave it to her.

"What the fuck! Anong ginawa niyo kay Dray?!" Agad nawala ang sakit ng ulo ko, nagising ang diwa sa pamilyar na boses na iyon. It was Marina's voice. Agad niya akong dinulugan at nagkukumahog na sinuri ang mga pasa ko. "You hit him! Anong karapatan niyo!" Nag-angat ako ng tingin sa tatlong lalaking iyon.

"Hindi ka tumupad sa usapan Marina. Ang sabi mo, bully-hin namin ang Yshara na iyon. We did it. Pero tangina naman! Bakit hindi mo pa rin ako sinasagot pagkatapos noon? Galit na galit ka pa kasi nalaman ni Dray!" Kunot-noong nilingon ko si Marina, rumehistro ang takot sa kanyang mga mata nang magkaroon ako ng ideya sa nangyari.

"Did Yshara really cheated on exams?" Nanginginig ang mga kamay niyang sinusubukang abutin ang mga kamay ko, iniwas ko ito. Bumagsak ang mga luha sa kanyang mga mata. "I'm going to repeat my question, did Yshara---"

Lumuhod siya sa harapan ko pinagdaop ang mga palad, tila nagmamakaawa. I look at her with blank expression. "I'm sorry! I'm sorry! She didn't cheat on exams. Kami 'yung naglagay ng kodigo sa bag niya para mapagbintangan siya. I'm sorry! I'm sorry! But..." Muli niyang inabot ang mga kamay ko upang mahawakan na agad ko rin namang sinalag.

Until You Say It [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon