PREFACE

665 32 10
                                    

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

"Ito na ang katapusan ng ating kinakatakutang sumpa!" Sigaw ni Haring Ilumin ng Demonoid race, pagkatapos niyang pugutin ang ulo ni Haring Riyu ng Draco race.

"Walang hiya ka, Ilumin!" Sigaw naman ni Princess Aida ng Fae race. Tumawa lamang si Haring Ilumin at dinilaan ang kanyang espeda na may dumaragos na dugo ni Haring Riyu.

"Matagal na akong walang hiya, Aida simula noong tinanggihan mo ang alok kong kasal sa'yo! Huwag kang mag-alala, ikaw naman ang isusunod ko, tutal patay narin ang lihim mong karelasyon." Sabi ni Haring Ilumin. Tumawa ang hari ng napakalakas sabay sabunot sa buhok ng nanghihina't sugatang prinsesa, at itinapat ng hari ang espada sa leeg ng prinsesa.

"Ano ang iyong huling habilin, Aida? Sabihin mo na habang hindi ko pa napuputol ang ulo mo!" Sigaw ng hari sabay tawa ng napakalakas. Umismid lang ang prinsesa. "W-Wala naman akong huling habilin, I-Ilumin. G-Gusto ko lang sabihin na, h-hindi a-ako nagkamaling t-tanggihan ka!" Sigaw ni Aida na nagpagalit sa hari. Kaya naman sinaksak muna ng hari si Aida sa likod na nagpangiwi sa prinsesa.

"Isigaw mo pa ang sakit na nararamdaman mo, Aida! Mas matindi pa riyan ang sakit na nararamdaman ko ngayon! Ito pa! Ito pa! Ito pa!" Paulit-ulit na sigaw ng Haring Ilumin habang sinasaksak sa likod ang prinsesa. Ngunit tumigil ito ng kaunti, tumawa, at sabay sabing, "Nakalimutan ko pa lang sabihin na hinahabol na ng mga Elvis ang iyong taga-sunod na may dala sa mga anak niyo ni Riyu!"

"H-Hayop ka, Ilumin! H-Hayop ka!" Sigaw ni Princess Aida habang humahagulgol.

"Iyan ang gusto kong makita sayo, Aida. Ipakita mo pa ang mukhang iyan! Ang pagmumukha ng desperado at takot na takot na ina!" Sigaw ng hari sabay halakhak...

Dumako naman tayo sa gawi ng mga Elvis army na pinamumunuan ngayon ni Quino - ang First Lieutenant ng Elvis Race at kasalukuyang hinahabol nila ngayon si Darsy - ang tapat na tagapagsilbi ni Princess Aida na dala-dala ang dalawang lalaking sanggol.

"Ibigay mo na sa'min ang dalawang sanggol, Darsy at ipapangako ko na maliligtas ang buhay mo!" Sigaw ni Quino. Tumawa lang ng napakalakas si Darsy.

"Mas gusto ko ng i-alay ang aking buhay, kesa i-alay ang buhay ng mga inosenteng sanggol na ito! I summon thee, guardian of Opal!" Sigaw ni Darsy. Bigla namang may kulay dark blue na magic circle na lumitaw sa langit at lumabas ang isang kulay dark blue na dragon na bumuga ng kulay blue na apoy papunta sa mga Elvis army.

"Magsitalon kayo!" Sigaw ni Quino sabay talon. Ngunit masyadong mabagal ang ibang mga sundalo kaya natamaan sila ng nagngangalit na apoy ng dragon, "Queno! Lahat ng mga hindi napuruhan ay maghati kayo sa dalawang grupo, isang magpapagaling sa mga napuruhan at isang lalaban sa dragon. Hahabulin ko naman si Darsy!" Sigaw na utos ni Quino sabay takbo para habulin si Darsy. Ngnunit hinarangan siya ng dragon at akmang bubugahan siya ng apoy. Kaya naman agad kumuha ng plaso si Quino at ipinatama ito sa mata ng dragon na nagpa-iba ng direksyon ng pagbuga nito. Tumakbo naman agad ang grupo na natalagang lumaban sa dragon.

"Kami na po ang bahala rito, Lieutenant!" Sigaw ni Captain Morgan. Tumango naman si Quino at tumakbo na ng napakabilis...

"Patay ka na ngayon," Bulong ni Quino nang matanaw niya ang tumatakbong si Darsy. Kumuha siya ng palaso at itinutok ito kay Darsy, nangpihitin na niya na ang pana na may palaso ay bumulusok ito kay Darsy na naging dahilan nang pagtumba ng babaeng tagapag-silbi. Agad namang pumunta sa kinalalagyan ni Darsy si Quino.

"Isuko mo na ang mga sanggol, Darsy. Alam mong alam kong hindi ka na makakapag-summon dahil nagamit mo na ang tatlong chance ng summoning," Sabi ni Quino. Kaya naman hinawakan ni Darsy na kasalukuyang sumusuka ng dugo ang paa ni Quino.

"Q-Quino, n-nakiki-usap ako. A-Ako na lang ang patayin niyo at huwag niyo ng idamay ang mga i-inosenteng sanggol." Paki-usap ni Darsy. Umiling lang si Quino at kinuha ang dalawang sanggol. Umiyak lang ng pahagulgol si Darsy habang umiiling na nakatingin kay Quino.

"Magpahinga ka na, Darsy..." Sabi ni Quino sabay kuha ng maliit na punyal sa kanyang bulsa at ginilitan sa leeg ang nanghihinang tagapag-lingkod. Katapos no'n ay tinignan naman ni Quino ang dalawang sanggol na kasalukuyang nakangiti ang isa sakanya habang humahagulgol naman sa pag-iyak ang isa. Dito nga ay para bang may kung ano siyang naramdaman na nagpalambot sa puso niya. Ngunit umiling ito at huminga ng malalim.

"Ang tungkulin na inatas sakin ang dapat kong sundin," Sabi niya sabay taas ng punyal...

...

Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story❤️

You are all beautiful today, kyubies!

(Queno - masamang salitang ginagamit ng mga Elvis kapag galit.)

THE OMEN OF THE FORBIDDEN RACE Where stories live. Discover now