KABANATA VI - GOLDEN RINGS

241 26 2
                                    

BRIELLE'S POINT OF VIEW

Kasalukuyang naka-upo kaming tatlo ni Tieo, Weiner, at ako sa may dining table dito sa kusina. Kasalukuyan din kaming humihigop ng kulay green na inumin na lasang cow's milk. 'Di parin umiimik si Weiner, at nakatitig naman kami ni Tieo sa isa't isa, pinag-didisisyunan kung sinong makikipag-usap kay Weiner.

"Oh, bilisan niyo pa lang kumain. May pupuntahan tayo ngayon," Sabi ni Tieo. Ngumiti naman ako at tumingin sa kapatid kong naka-seryoso parin ang mukha.

"Hala! Narinig mo iyon, Weiner? Nakaka-excite ano?" Pagpapansin ko kay Weiner. Tumango lang ito bilang sagot. Napahinga naman ako ng malalim dahil doon at tumayo, katapos no'n ay lumapit ako sakanya at tinapik ng kanyang balikat.

"Uy, galit ka parin ba hanggang ngayon samin?" Mainahong tanong ko. "No kuya, I already understood the situation. I'm just nervous and anxious about the possible current condition of papa right now. Also, I felt so bored as I can't use my phone here, ah!" Walang ganang sagot niya sabay higa ng pisngi niya sa mesa. Naalala ko namang baka hindi maintindihan ni Tieo ang mga pinagsasabi ni Weiner dahil sa inglesero ang kapatid ko.

"Pasensya ka na kung hindi mo maintindihan ang mga sinasabi niya ah, pero sabi niya ayos naman na raw siya satin," Sabi ko. Tumawa naman ni Tieo. "Huwag kang mag-alala, katulad lang rin sa mundo ng mga tao ang ginagamit naming salita rito. I got you." Sagot niya na nagpabigla sakin at kay Weiner.

"Oh my! Hindi ko na pala kailangang nag-adjust pa!" Masayang tugon ni Weiner. Bipolar nga naman, kanina Malungkot, ngayon naman halos tumalon sa tuwa.

"Saan pala tayo pupunta, Tieo?" Tanong ko. 'Di na ako gumamit ng honorific kay Tieo tutal mukhang 'di naman nagkakalayo ang edad namin.

"Gusto ko lang sanang ipakita ang Academy ng mundong ito, katapos no'n ay pupunta naman tayo sa secret hideout ko kung saan ako nag-ttraining, doon ko rin planong i-train kayo." Sagot ni Tieo. Napatango na lang ako dahil doon.

"How exciting! But, can I just take a bath for a moment? Ang lagkit na kase ng pakiramdam ko," Sabi ni Weiner. Napa-iling naman ako at napasapo sa aking noo.

"Wala tayong damit na pamalit, Weiner. Need pa nating bumili," Sabi ko. "Edi isuot na lang ulit ang damit kong 'to." Sabi ni Weiner na nagpa-ngiwi sakin.

"Yuck! How disgusting you can be!" Nandidiring sabi ko.

"Huwag na kayong mag-away, may damit at mangilan-ngilang importanteng gamit niyo ang dinala ni papa noong isang araw dito." Sabi ni Tieo. Kaya napatingin kaming magkapatid sakanya.

"Luh, kaya pala may mga damit akong napansing nawawala sa cabinet ko," Sabi ni Weiner. Napatango naman ako dahil doon.

"Ngayon ko nga rin napansing may nawawala ring ibang gamit at damit sa kwarto ko, nasaan naman ang mga 'yon ngayon?" Tanong ko naman naman. "Nasa aparador ng kwarto kung saan kayo natulog kagabi." Sagot naman ni Tieo.

"Wow! Maliligo na ako, saan pala ang banyo, Kuya Tieo?" Tanong ni Weiner. "May banyo sa may gilid ng kusina at may banyo rin sa may kwarto niyong dalawa." Sagot naman ni Tieo. Dagli namang umakyat ang kapatid ko.

"Teka lang," Pigil ni Tieo.

"Bakit?" Tanong naman ni Weiner. "May batas na sinusunod ang mga mamamayan dito sa Elfos Domain kung paano dapat manamit ang lalake at babe, kapag 'di mo sinunod iyon ay maaari kang magmulta ng isang milyong ginto." Sagot ni Tieo. Na-hook naman ako sa sinabi niyang iyon.

"At ano iyon, Tieo?" Tanong ko.

"Sa lalake, dapat nakahubad ang itaas na bahagi ng katawan nito, at laging pants naman ang nasa ilalim. Sa babae naman ay dapat ang dib-dib ang nakatakip, habang kita naman ang pusod, dapat naka-palda naman ito sa pang-ibaba. Kaya, ang mga damit niyong 'yan ay pwede niyo lang masuot dito sa loob ng bahay o tuwing may pormal na pagdiriwang lamang." Paliwanag naman ni Tieo.

THE OMEN OF THE FORBIDDEN RACE Where stories live. Discover now