EPILOGUE

284 12 18
                                    

BRIELLE'S POINT OF VIEW

Nang makita kong kinain ni Ilumin ang prinsesa ay agad naman akong bumalik sa Draco - Angel Dragon Form ko.

"Ilumin, sumusobra ka na!" Sigaw ko. Nag-roar lang si Ilumin at sumugod papunta sakin. Kaya binugahan ko siya ng apoy para hindi maka-lapit, ngunit napabagal ko lang ang pagtakbo niya, pero hindi ko siya napigilan. Iwinasiwas na niya ang napakalaki niyang palakol at pinatama sakin, buti na lang at biglang lumitaw ang napakalaking kalasag na gawa sa  tubig na sumalag sa ma-pwersang pagsibak ng palakol ni Ilumin.

"I will avenge my daughter!" Sigaw naman ni Queen Avery at ginaya ang Hex ni King Atlantis. Nang magkaroon na siya ng spell book ay binuklat niya ito sa pinakahuling pahina.

"Huwag, delikadong spells ang mga nandiyan!" Sigaw ni King Atlantis. Pero hindi siya pinakinggan ng Reyna.

"Brielle, Weiner, protektahan mo muna ako, mahaba-haba ito at kailangan ko ng focus!" Sigaw ni Queen Avery. Tinanguan naman namin siya si Weiner. Kaya lumipad ako at si Weiner. Kaya lumipad din si Ilumin.

"Weiner, bumaba kana at protektahan ang reyna. Ako na lang ang lalaban kay Ilumin," Sabi ko. Nag-thumbs up naman si Weiner at lumipad na pabalik sa mga hari at reyna.

"Tayo ang maghaharap ngayon, Ilumin!" Sigaw ko at saka nag-growl. Nag-growl din naman siya at sumugod na. Lumipad naman ako palayo at bumuga ng apoy para hindi siya tuluyang makalapit sakin.

"Xiendo, palabasin mo kami!" Sigaw ni Kula. Kaya naman bumuga ako ng napakalakas na apoy na naging dahilan para mapalayo ng maayos sakin si Ilumin at nagbalik sa original form ko. Tinaas ko naman ang kamay ko habang bumubulusok pababa.

"I summon thee, Guardian of Amethyst, Guardian of Ruby, Guardian of Catseye, Guardian of Alexandrite, and Guardian of Diamond!" Sigaw ko. Nagsilitawan naman ang mga magic circles na may mga kulay lavander, red, orange, dark violet, at white. Mula doon ay lumabas sila Kula, Amy, Grimalkin, Alexander, at si Houlong. Sumakay sila kay Houlong, and mabilisang lumipad si Houlong sakin para saluhin ako.

"Tutulungan ka namin, Xiendo!" Sigaw ni Kula. Bigla namang nagliwanag si Kula at ilang saglit pa ay naging kasing laki ko na siya. Tinutok niya ang wand niya sa kalangitan at pumikit.

"I am the personification of ice, froze, and cold. I am the Mistress of Winter, enemy of the Sun, I commnd the weather to bring the winter here! KULA'S WORLD!" Sigaw niya. Bigla namang may maliit na yelo ang lumabas sa wand niya at bumulusok ito sa kalangitan, ilang saglit pa ay nakita naming nabasag ito at bigla namang mas pinadilim ang kalangitan at ilang saglit pa ay umulan na ng snow. Pero imbis na lamigin ako ay nakaramdam ako ng kakaibang lakas.

"Kula already shows her full capability, Xiendo. Ang mga snow na yan ay nagpapalakas satin ngunit nagpapahina sa kalaban, kaya tara na!" Sigaw ni Amy. Tinanguan ko naman siya. Bigla naman itong nagliwanag at naging latigo na gawa sa amethyst. Nag-growl naman si Ilumin at kita namin ngayon pasugod na siya samin. Nagbago naman ng anyo si Grimalkin at naging isang Chimera — napakalaking Leon na may pakpak ng parang sa mga Demonoids at napakalaking ahas na buntot.

"Patawad sa nasabi ko kanina, Xiendo!" Sigaw niya at saka sumugod kay Ilumin. Kita ko namang patama sakanya ang palakol, ngunit nagulat ako ng biglang nag-teleport si Grimalkin sa likod ni Ilumin at kinagat ito and bumuga ng poison breath na nagpa-sigaw sa sakit kay Ilumin. Binugahan naman siya ng lava breath ni Houlong, habang ginamitan naman siya ng Ice Meteor ni Kula.

"Xiendo, use my third eye!" Sigaw ni Alexander. Tinanguan ko naman siya at pinikit na lahat ng mata niya, nagulat na lang ako ng may naramdaman akong gumalaw sa noo ko at nang kinapa ko ay isang mata ito.

THE OMEN OF THE FORBIDDEN RACE Where stories live. Discover now