KABANATA VII - ORBS

252 22 0
                                    

BRIELLE'S POINT OF VIEW

Kasalukuyan parin kaming naglalakbay papunta sa sentro at sobra na ang curiosity ko kung ano ang itsura ng sentro ng lupain na ito.

"Matanong ko lang, ano pala ang tawag sa lugar na ito? At anong klaseng nilalang kayo, Kuya Tieo?" Tanong naman bigla ni Weiner na bumasag sa katahimikan. Napa-isip naman ako bigla dahil doon, wala nga kaming ka-ide-idea kung nasan kami at anong nilalang ang tulad ni papa at Tieo.

"Hindi pa ba na-ituro ni papa sainyo ang lugar at ibang races dito sa Sphere of Avalon?" Tanong ni Tieo.

"Ang itunuro lang samin ni papa ay ang iba't ibang uri ng Utility Hex at wala ng iba. Ngayon nga lang naming nalaman ang Sphere of Avalon, at ang mga nilalang na gaya niyo na kung kung matatandaan ko ay Elvis ang tawag sainyo 'di ba? Na-recall ko lang kase ang sabi ni papa na hanapin daw namin ang Elvis na nagngangalang Tieo." Mahabang sagot ko. Huminga naman ng malalim si Tieo.

"Ang dami ko pa lang dapat ituro sainyo at uumpisahan ko na ang ilan na pumapatungkol sa history ng Sphere of Avalon, malalaman niyo naman ang iba sa Academy kung papasa kayo sa entrance test." Sabi ni Tieo. Napalunok naman ako dahil doon.

"Umpisahan mo na, kuya." Sabi ni Weiner, tumango naman si Tieo.

"Ang Sphere of Avalon ay binuo ni Avalon gamit ang sarili niyang katawan, sabi sa alamat, noong unang panahon ay mapayapang magkasama pa ang walong lahi ng Sphere of Avalon at ang mga mortal, ngunit na-inggit ang mga mortal sa kapangyarihang taglay ng walong lahi, kaya bumuo ang mga ito ng plano para ubusin ang walong lahi. Dahil sa angking tuso at mapanlinglang ng mga tao ay muntik na silang magtagumpay, muntik na kase nilang mabura ang walong lahi." Mahabang kwento ni Tieo, tumigil naman ito saglit dahil sa tumalon sa isang malaking bato si Griho.

"Isn't, the eighth races have Hexes? Why they didn't use it against the mortals?" Interesting na tanong ni Weiner.

"Mahal na mahal kase ni Avalon ang mga mortal, dahil sa ang kanyang ina ay isang mortal at dahil nga doon ay hindi magawang utusan ni Avalon ang walong races na lumaban at patayin ang mga mortal," Sagot ni Tieo.

"Who's Avalon?" Tanong ko.

"Ito na nga itutuloy ko na ang kwento - ngunit ang namumuno noon sa walong lahi na si Avalon, ang nilalang na taglay ang lahat ng Hex ay piniling isakripisyo na lang ang sarili kaysa saktan ang mga tao. Pinaniniwalaang ang araw, ang buwan, at ang mga bituwin dito sa Sphere of Avalon ay ang kanyang mukha, habang ang katawan naman niya ang buong lupain ng Sphere of Avalon, ang buhok naman niya ang pinaniniwalaang tubig na dunadaloy sa buong Sphere of Avalon. Sinumpa ni rin ni Avalon ang mga tao na hinding-hindi sila makakapasok sa Sphere of Avalon, dahil sa magiging abo sila sa pagtapak sa mundong ito." Pagpapatuloy ni Tieo sa kwento.

"Gosh, Avalon is super down-to-earth guy. I, myself can't do what he did for this world." Sabi ni Weiner. Huminga naman ako ng malalim at tumingin sa napakagandang kalangitan.

"Ang nakakalungkot lang ay nawala bigla sa existence ang dalawa," Sabi bigla ni Tieo. Tinapik ko naman ang kanyang balikat dahil sa biglang kyuryosidad na bumalot saking katawan.

"Sino-sino ba ang walong lahi at anong nangyari sa dalawa, Tieo?" Tanong ko.

"Ang walong lahi ay ang mga Angeles, Elvis, Draco, Fae, Siren, Werewolves, Vampire, at Demoniods. Ngnunit anim na lang ngayon ang mga ito, dahil sa nagka-isa ang anim na natira para tanggalin sa existence ang dalawang lahi, at iyon ay ang mga Fae race at Draco race nang dahil sa isang propesiya na nailahad na kung di ako nagkakamali ay labing pitong taon na ang nakakalipas. At kayo na lang ang natitirang may Fae at Draco race blood na nabubuhay sa panahong ito. Iyon na lang ang mababahagi ko dahil sa ang mga sumusunod na pangayayari o mga kaganapan ay ang mga Professors at Head Mistress na lang ang makakasagot dahil sa sila lang ang may lisensya galing sa hari upang pag-usapan pa ang ibang bagay." Paliwanag ni Tieo. Natahimik naman ako dahil doon, ang brutal naman pala ng nangyari sa nakaraan, kaya kailangan naming mag-ingat.

THE OMEN OF THE FORBIDDEN RACE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon