KABANATA XLIV: THE TWINS VS. THE PRINCESSES

125 8 0
                                    

Thank you for voting and reading my story. If you read this chapter, I hope you'll enjoy it. This chapter is dedicated to you. FloraMaeCinto

...

BRIELLE'S POINT OF VIEW

"Are the two of you ready to die?" Tanong ni Princess Serenity na kaharap namin ngayon ni Weiner sa stage.

"Killing is forbidden, so I guess we're not ready yet," Sarkastikong Sagot ko. Napatawa naman si Weiner dahil don, ngunit nagpataas naman ng kilay ang mga prinsesa.

"Yes, that will be your last laugh!" Sigaw ni Princess Grazilda. Lumitaw naman na sa gitna si Vice Mistress. Stella na nagpatigil ng salitaan namin. Sinabi niya lang ulit ang mga rules.

"FIGHT!" Sigaw niya sabay nawala. Binuksan naman ng prinsesa ang kanyang spell book at kami naman ay sinumon na ang silver blood bow at sinugatan na ang hintuturo para makagawa ng blood arrows.

"Serenity, may I copy your hex?" Tanong ni Princess Grazilda. Tinaasan naman siya ng kikay ni Princess Serenity.

"Why am I going to let you do that?" Tanong nito.

"The last time I tried to copy the hex of that shit Weiner made my hex bounce back to me," Paliwanag niya. Nag-nod naman si Princess Serenity at ginaya naman ni Grazilda ang hex ni Serenity kaya nagkaroon siya ngayon ng spell book.

"Ano, mag-uusap na lang ba tayo dito?" Tanong ko. Nginisian naman nila kami.

"Korgorus amerdorus bigorukus daramus ick baek!" Sigaw ni Princess Serenity, nagliwanag ang spell book niya, at lumitaw ang kulay violet na magic circle. Doon nga ay lumabas ang isang daang ice missiles.

"Sieldo amerun barkus et bente gramo!" Sigaw naman ni Princess Grazilda, umilaw ang spell book niya, at lumitaw bigla ang nasa twenty na shields.

"F*ck, paano natin sila maatake? Grabe ang offense at defense nila," Bulong ni Weiner. Napa-exhale naman ako ng malalim dahil doon. Tinuro na nga kami ni Princess Serenity at doon ay umatake samin ang mga ice missiles. Sinubukan naming tirahin ang mga iyon gamit ang blood arrows, pero nakagagamit kami ng nasa ten blood arrows sa isang missile lang at kung magpapatuloy ito, baka maubusan kami ng dugo.

"Xiendo, gamitin mo ako," Dinig kong sabi ni Amy.

"Hindi kita maaring i-summon, malalaman nila ang katauhan namin," Sabi ko sakanya.

"Kuya iwas!" Sigaw ni Weiner. Tinulak niya naman ako ngunit siya naman ang natamaan ng isang ice missile at sumabog ito sakanya at nag-create ng makapal na fog.

"WEINER!" Alalang sigaw ko...

"I-summon mo na ako habang may fog," Sabi ni Amy na nagpabalik ng wisyo ko.

"I call thy, Guardian of Amethyst: Amy!" Sigaw ko. Lumitaw naman ang violet na magic circle at lumabas mula roon si Amy.

"I hear thee plea, Xiendo," Sabi niya.

"Morph!" Sigaw ko. Bigla naman siyang naging kulay violet na bola ng enerhiya at pumasok sa palaso ko. Ang silver kanina ay naging purong amethyst na ngayon. Hinanap ko namam agad si Weiner, ngunit biglang may kulay berdeng liwanag ang sumabog at nag-alis ng fog. Doon ko nga nakitang ginagamot na pala ni Weiner ang sarili niya.

THE OMEN OF THE FORBIDDEN RACE Where stories live. Discover now