KABANATA XXVII: INSTRUCTOR

152 12 0
                                    

BRIELLE'S POINT OF VIEW

Hating gabi na at hindi parin ako makatulog. Kaya naisipan ko munang lumabas ng Guest's Building para magpahangin. Sa paglabas ko ay may nakita akong payapang lugar kaya pumunta ako rito sa isang long chair sa ilalim ng puno na parang lantang cherry blossom dahil sa kulay beige ito. Nakatitig lang ako sa kalangitan ngayon at tinitignan ang mga bitwin, ito kase talaga ang ginagawa ko kapag hindi ako makatulog kahit pa noon na nasa mundo pa kami ng mga mortal.

"Pwede bang tumabi?" Sabi ng pamilyar na boses sa likuran ko. Kaya napatingin ako sa likuran at nakita si Vin.

"Sure," Sagot ko. Tsaka ako umatras para magbigay ng espasyo.

"The moon is beautiful, isn't?" Tanong niya na nagpabigla sakin. Marahil ay hindi siya aware sa ibig sabihin ng katagang iyon.

"Y-Yes, t-the stars too," Nauutal na sagot ko.

"May balita ako na ang mga tatlong magiging activities daw sa Camp O'Willow isa sa mga iyon ay ang Healing Hex practical activity, paano ka niyan?" Tanong niya. Nabigla naman ako dahil doon kaya napa-buntong-hininga na lang ako.

"Hindi ko rin alam, hindi ko pa alam gamitin ang Fire Healing Hex," Sagot ko naman. Tumayo naman ito bigla at inoffer ang kanyang kamay.

"Tara, tuturuan kita ngayong gabi ng pinaka-simpleng alam kong Fire Healing Hex," Sabi niya. Binigyan ko naman siya ng maaliwalaa na ngiti at inabot ang kamay niya para tumayo.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko. Hinila miya naman ako at tumakbo.

"Basta, sunod ka lang," Sabi niya. Kaua naman nahpatangay na lang ako sa paghila niya at ilang saglit pa ay napunta kami sa main building ng palasyo kung saan located ang throne at rooms ng Royal Family. Maganda ang main building dahil sa purong ginto ang pintuan nito na may nakaukit na dalawang nakapalupot na ahas ang naka-engrave dito na sumisimbulo sa Elvin Race, at may nakabantay na dalawang guards ngayon dito.

"Paano tayo papasok nito?" Tanong ko sa prinsepe. Himigpitan niya ang hawak saking kamay binigyan ako ng malokong ngiti.

"Akong bahala, basta hanggang hindi ko simasabing hinga, huwag na huwag kang hihinga," Sagot naman nito. Nag-nod naman ako bilang sagot. Ilang saglit pa ay mabilis itong kumaripas sa may gintong pintuan, at pinagtakhan ko namang hindi siya napapansin ng mga guards. Ilang sgalit pa ng makalapit kami sa pinto ay tuloy-tuloy parin ito sa pagtakbo at nang nasa may pintuan kami at patuloy parin siya sa pag-takbo ay napapikit na lang ako dahil sa pa-untog na kami...

"Pwede ka ng dumilat at huminga," Sabi ni Vin. Kaya napadilat ako nang makita kong nasa loob na kami at nandito ngayon sa likod ng isang haligi ng building. Napahinga naman ako nh sobrang lalin dahil sa akala ko mauuntog na kami s agintong pinto.

"Dyusko, halos mamatay ako sa kaba kanina, akala ko naman eh uuntog na tayo sa pinto. Teka, paano tayo lumusot s alinto at hindi mapansin ng mga guards?" Tanong ko habang nakataas ang kilay at nakahawak pa sa baba.

"Simple lang, una gumamit ako ng Utility Hex: Total Invisible at Utility Hex: Infused - kung saan pwede kang tumagos sa alin mang konkretong bagay," Sagot naman niya. Napatango-tango naman ako dahil sa pagkamangha.

"Ang galing, paano mo napagsabay ang dalawang Utility Hex? Ang alam ko sobrang hirap pagsabayin ng dalawang Utility Hex," Sabi ko. Pumikit-pikit naman ito at mukhang kinikilig dahil sa sinabi ko.

"Ano ka ba, ako lang ito!" Pabirong sabi niya habang humahagikgik pa, "Pero kidding aside, matagal ko rin pinag-praktisan yun hanggang sa na-master ko. By the way, sumunod ka sakin, pupunta tayo ngayon sa training room ko tara." Dagdag pa noya at nauna nang lumakad. Sumunod naman ako at inilibot muna ng aking mga mata ang loob ng palasyo, ang loob pala ng Main Building ay parang sa mga sikat na palasyo, sa pagkakabilang ko ang may sampung palapag ito. Sa first floor, kung saan kami ngayon naglalakad ay kita ang Greenish Throne na may rebulto dalawang ahas na nakapalupot sa likuran nito bilang simbulo ng Elvis Race, nasa may playform ito na may tatlong baitang ng hagdan, at nakalatag din ang mahabang res carpet na nag-uumpisa sa may paanan ng throne hanggang sa  may mismong golden door. Simple lang naman ang dekorasyon nito dahil kulay green na tela may simbolo ng Elvis Race ang nakasabit sa bawat haligi ng building at may malaking Chandelier na nakasabit sa pinakataas na kung susumahin ay naabot nito ang pang-sampung floor hanggang sa may pang-apat na floor sa laki nito. Ngayon nga ay paakyat na kami sa stairs na may nakapalupot na kulay green na tela sa handrails at dalawang nakapalupot na ahas naman ang disenyo ng Balusters at Newel nito.

THE OMEN OF THE FORBIDDEN RACE Where stories live. Discover now