KABANATA XVI - THE DUEL AND THE DOUBT

184 23 2
                                    

BRIELLE'S POINT OF VIEW

Naka-upo ako ngayon dito sa bleachers na malapit sa stage, katabi ko rin si Singleton, Tieo, at Yuri. Manood kase kami ng laban ni Weiner na nasa gitna na ngayon ng gymnasium na ito habang kaharap ang prinsesa ng mga vampire na nakangisi sakanya ngayon.

"Grabe, first day pa lang ng klase at gumawa na agad si Weiner ng gulo," Sabi ni Tieo.

"Hindi naman si Weiner ang may kasalanan, hinamon lang naman siya ng biglaan ng prinsesa na 'yan," Sagot ko naman.

"Haist, ang prinsesa ng mga vampire na 'yan ay inggitera talaga sa mga nilalang na mas mababa sakanya, pero mas matalino at malakas," Sabi naman ni Yuri.

"Tignan na lang natin kung kaya ba talaga ng prinsesa si Weiner." Sabi ko na may ngisi sa labi. Naramdaman ko namang may nakatingin sakin sa may bandang stage. Kaya naman tumingin ako sa may stage at kita kong nakatingin sakin yung kamukha ni Kio. Umiwas naman ito ng tingin. Huminga na lang ako ng malalim at tumingin sa taas at sinabing, "If you were still alive, I will take a risk to protect you."

...

PRINCE DEVON'S POINT OF VIEW

Nakatingin lang ako kay Weiner at iniisip parin ang nangyari kanina. Bakit biglang parang tumigil ang mundo ko at kumabog ng walang katapusan ang puso ko hanggang ngayon. Anong nangyayari sakin? Iyan ang mga tanong na bumabagabag sakin ngayon. Hinawakan ko namna ang labi ko at pumikit. Naalala ko ang halik niya sa tuwing hahawakan ko ang labi ko.

"Hoy! Kanina ka pa mukhang malalim ang iniisp ah, Devon." Sabi bigla ni Claire na nagpabalik sa wisyo ko. Kaya umayos ako ng upo at tumingin ng napakalamig sakanya.

"Wag mo akong pansinin," Malamig na sagot ko. Pinitik naman niya ang aking noo, kaya napahawak ako dito.

"Hmp! Kung hindi lang talaga kapatid baka pinakuluan na kita para mainitan naman ang malamig mong puso!" Inis na sabi nito. Umisnab na lang ako at tumutok kay Weiner ulit.

"Half-brother, Claire." Sabi ko naman na nagpatahimik sakanya. Yeah, Claire and I were half siblings, we have same mother, but different father. It's a tradition between Royalties of each race to have an offspring to a different race and have an Amalgam. And that tradition is what I want to end whenever I become the new King of Demonoid Race...

...

WEINER'S POINT OF VIEW

Nasa gitna ako ngayon ng gymnasium at kaharap ko ang nakangising prinsesa . Pareho naming hinihintay ang higher-up staff ng Academy na magsisilbing referee namin para maiwasan ang patayan...

"Do you really think you have a guts to win against me?" Mapang-alipustang tanong niya sakin. Ngumiti naman ako ng alanganin.

"I-I don't know, Princess Grazilda. But I will give my very best to win against you," Sabi ko. Tumawa naman ito at tinaasan ako ng kilay.

"Well then, I don't need to resist myself on killing you." Pagbabanta niya. Nginisian ko naman siya dahil sa inis.

"I need to resist myself on killing you, because of your title. How unfair, right? If you kill me, it's just nothing, but if I kill you, the world would be against me." Makahulugang sagot ko. Sinamaan naman niya ako ng tingin at nag-tiim bagang ito.

"Good afternoon, Weiner and Princess Grazilda." Sabi naman ng pamilyar na boses ni Ma'am. Eva na bigla na lang lumitaw sa gitna namin.

"Good afternoon, Mistress. Could we start now?" Tanong ng prinsesa sabay ngising tumingin sakin. Kailangan kong turuan ng leksyon ang prinsesang ito.

"Pwede bang hindi ako magpigil?" Tanong ko kay kuya gamit ang Mind Communication.

"Magpigil ka lang ng kaunti." Sagot naman ni kuya sakin.

"Okay, let this duel begin!" Sigaw ng Mistress sabay naglaho sa paningin namin. Pumorma naman ako na parang makikipagsuntukan, habang tinaas naman ng prinsesa ang kanyang kanang kamay, doon nga ay lumabas ang kanyang cross bow.

"Wait, wala akong dalang weapon!" Sigaw ko. Ngumiti naman ito ng nakakatakot.

"Much better para madali kitang mapatay!" Sigaw niya sabay sunod-sunod na pinatamaan ako ng bala ng cross bow, kaya naman tumalon-talon ako para maiwasan ang mga bala.

"Catch!" Dinig ko namang sigaw ni Prince Devon, kaya napatingin ako sa gawi niya at doon ko nakitang inihagis niya sakin ang isang pana at limang palaso. Agad naman akong tumalon para sana kunin ito, ngunit nadaplisan ako ng bala ng cross bow sa kaliwang braso ko na naging dahilan para ma-out  of balance ako.

"Why did you help him?!" Galit na sigaw ni Princess Grazilda.

Hindi naman siya pinansin ni Prince Devon at doon nga ay parang mas lalong uminit ang ulo niya, kaya nagpatama na naman siya ng maraming bala ng cross bow na papunta sakin kaya naman tumayo na ako para maiwasan ang mga ito. Parang 'di nawawalan ng bala ang kanyamg cross bow, grabe. Nakuha ko naman ng maayos ang pana at ang isang bala nito. Katapos ay hinaplos ko ang braso ko na may tama at pinagaling ito. Narinig ko namang nagbulong-bulungan ang mga manonood sa ginagawa ko, pero wala na ako pakialam, dahil sa nasa gitna pa ako ng laban.

"My turn!" Sigaw ko sabay pakawala ng palaso na dumaplis sa kanyang mukha. Hinawakan niya ang kanyang pisngi na nadaplisan ko at tinignan niya ang dugo niya. Katapos ay naglilisik ang mga matang tumingin ito sakin.

"You will pay for this!" Sigaw niya sabay niyang tinapon ang kanyang cross bow. Itinutok naman niya sakin ang kanyang dalawang kamay at  sabay sigaw, "Steal!"

Kaya naman napapikit at payuko ako dahil naglabas ito ng kulay itim na usok na bumulusok at bumalot sa buong katawan ko. Pero wala naman akong naramdamang sakit, kaya naman binukas ko ang aking mata at nakitang nakatulala lang ang prinsesa sakin.

"B-Bakit h-hindi ko makuha ang hex at a-appearance mo? Ah!" Sigaw niya. Kita ko namang siya ang nabalutan ng itim na usok at ilang saglit pa ay nahimatay ito. Bigla namang lumitaw sa harapan ko ang Mistress at ang mga Royalties at pinuntahan si Princess Grazilda. Ilang segundo pa ay tumayo ang Mistress at hinawakan ang kaliwa kong kamay at itinaas ito.

"Si Weiner ang panalo!" Sigaw ng Head Mistress.

Naghiyawan naman ang  mga students at staffs ng Academy na nanood. Kita ko namang tumakbo naman sila Kuya Brielle, Kuya Tieo, Yuri, at Singleton papunta sakin at nang makalapit sila ay yinakap nila ako.

"Congrats, Weiner!" Sabay-sabay nilang sigaw. Nginitian ko naman sila at ginantihan ng yakap. Katapos ay humiwalay din ako.

"Weiner, papaano mong napatumba ang prinsesa?" Tanong ni Singleton.

"Ewan, basta ang alam ko lang ay natumba na lang siya," Sagot ko.

"Iyon ay dahil hindi kayang nakawin ang hex at ang wangis mo ng hex ni Grazilda. At kung hindi niya ito manakaw, ma-ddrain o kakainin ng sarili niyang hex ang kanyang mana bilang consequences kaya nahimatay siya." Sabat naman samin ni Prince Devon. Kaya napatingin ako sa kanyang mga mata na sobrang lamig.

"Nakatingin ka na naman sakin," Sabi ng prinsipe. Kaya napa-iwas ako ng tingin dahil sa pagkapahiya.

"Pero paanong hindi niya nanakaw, kamahalan?" Tanong naman ni Kuya Tieo.

"Maaring mas makapangyarihan si Weiner sakanya o hindi talaga iyan ang anyo niya." Sagot ni Prince Devon na nagpakaba samin ni Kuya Brielle, Kuya Tieo, at Yuri. Bigla ko namang naramdaman ang pagkahilo at biglang nagdilim ang paningin ko.

"N-Nahihilo a—" Iyan ang huli kong nasabi bago ako napapikit at natumba...

"Weiner!" Dinig kong sigaw nila bago ako nawalan ng malay...

...

Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story❤️

You are all beautiful today, kyubies!

THE OMEN OF THE FORBIDDEN RACE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon