KABANATA XLIX: THE DESPAIR OF BRIELLE

118 10 3
                                    

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

Katapos mapunta sa Draconic form niya si Brielle ay binugahan niya agad ng apoy ang direksyon ni Devon para mapaalis ito. Nang umiwas si Devon ay pinulot niya naman ang kapatid niyang wala naghihingalo at dinala kung nasan sila Singleton. Katapos ay lumipad naman ito sa itaas. Binitbit naman siya agad ni Singleton.

"Mistress, ilalayo ko muna si Weiner dito at dadalhin ko muna ang katawan niya sa secret place ni Kuya Tieo," Sabi ni Singleton. Halatang pinipigilan ang luha habang nakatitig sa naghihingalong kaibigan. Katapos ay tumakbo na.

"Battalion, attack!" Sigaw naman ni King Ilumin. Kaya sumugod naman ang mga batalyon ng iba't ibang klaseng Race papasok ng Acdemy. Pinasabog na nga nila ang mga pader sa Academy para mas maaliwalas ang kanilang papasukan.

"Students, attack! And please, be careful!" Sigaw din ni Mistress Eva habang nakahiga pa si Priest Nuerbo Vista sa kanyang hita at ginagamot naman siya nila Prince Elvin at Lor. Sumugod naman na ang mga students at sinalubong ang mga batalyon. Binugahan naman ni Brielle ng apoy ang batalyon ni Ilumin, ngunit may kasama silang Fishmen, kaya nag-chant lang sila ng spell na kayang mag-summon ng shield. Bigla namang  may tumamang malakas na palo sa baba ng dragon na muntikang magpabagsak dito. Nang tignan ni Brielle sino ang may gawa ay nakita niya ang nakangising si Ilumin.

"Finally, I see this thing once again. Tayo ang maglaban!" Sigaw ni Ilumin habang tumatawa. Tumalon naman ito at itinaas ang kamay, lumitaw naman ang Death Axe niya. Inunat niya ang kanyang kamay para magkaroon ng bwelo. At saka siya mabilisang bumulusok sa Black Dragon ngayon. Iwinasiwas naman ni Brielle ang buntot niya at natamaan si Ilumin. Tumilapon ito sa malayo.

"Edgordium amesrtyumsiom!" Sigaw na kararating lang na si Haring Atlantis na napigilan ang pagtalsik ni Ilumin. Nasa likod niya rin naman ngayon ang kapwa niya Hari at Reyna na kararating lang din.

"Pasensya na at nahuli kami, nakakabigla namang makita muli ang isang buhay na Draco sa kanyang Draconic form," Sabi ni Haring Atlantis. Sinapal naman siya ni Ilumin.

"Saan kayo pumunta?! Inayahan niyong humarap ako ng mag-isa dito!" Galit na sigaw ni Ilumin. Nanginig naman silang lahat.

"Inayos muna namin ang dapat ayusin sa kaharihan namin," Sagot naman ni Queen Saint. Sinuntok naman ni Ilumin ang lupa.

"Ano pang tinatayo niyo, patayin na natin yan gaya ng pagpatay natin kay Riyu!" Sigaw ni Ilumin. Nag-nod naman silang lahat at itinaas ng iba ang kamay nila, lumitaw naman ang kanya-kanya nilang weapons at ang iba naman ay inihanda ang hexes nila. Golden bow and arrows kay King Grendon na kaya tumagos sa dalawangpung kalasag. Kinopya naman ni Queen Avery ang Hex ni King Atlantis kaya nagkaroon siya ng access sa King's Holy Scripture. Hinawakan naman ni Alpha Lovelace ang palakol ni Ilumin at ginaya ito dahil ito ang pinakamalakas na weapon sa kanilang lahat. Lumitaw naman ang isang maliit na shield ni Queen Saint.

"Sugod!" Siga mw ni Ilumin. Kaya tumakbo sila at sabay-sabay na tumalon at umatake kay Brielle. Binugahan naman sila ng apoy ng dragon na sinalo naman ni Queen Saint at na-block niya naman ito ng maayos.

"Page five-hundred-three, Avery!" Sigaw ni King Atlantis. Nag-nod naman si Queen Avery at hinanap ang pahinang sinabi ng Hari.

"Evrogrokulus, espetomus, agragusko, prident!" Sigaw nilang dalawa. Lumitaw naman ang napakalaking kulay yellow na magic circle sa taas ni Brielle at ilang saglit pa ay may golden net na nahulog sakanya na nagsanhi para hindi siya makagalaw.

"It's our turn, King Ilumin!" Sigaw naman ni Alpha Lovelace. Kaya bumwelo silang dalawa ni Ilumin at sabay pinatama nila ang dalawa nilang palakol sa may leeg ng dragon na nagsanhi ng pagkatumba ng dragon, ngunit hindi nila ito nasugatan.

THE OMEN OF THE FORBIDDEN RACE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon