KABANATA XXIX: NOSTALGIA (R18+)

145 12 4
                                    

TRIGGER WARNING ⚠️

Read at your own risk. This chapter contains abuse, massive swearing, and the "R" word that can trigger the anxiety, depression, or trauma of anyone who has experienced them. Please prioritize your mental health.

...

BRIELLE'S POINT OF VIEW

(Before they went to the meeting place...)

I felt stressed and distorted since the bad and hurtful memories came back. I regret the choices I made in the past. Anyhow, Kita kong kumatok na ang mga kasama ko sa iba't ibang pinto ng bahay. Kaya kumatok na rin ako sa pintong nasa harap ko ngayon. Pinagbuksan naman ako ng isang batang Elvis at kita kong mugto ang mga mata nito.

"Hello, ako si Kuya Brielle mag-aaral sa Akadimía evlogías tou theoú. Ikaw, anong pangalan mo at merin bang may sakit dito?" Tanong ko sa bata sabay pat ng kanyang ulo.

"Ako po si Roi, may sakit po ang mama ko ngayon, tulungan niyo po siya," Sabi niya. Kaya naman binuksan niya ng malapad ang pinto bilang pag-anyaya saking pumasok. Kapasok ko ay nakita ko naman ang babaeng nakakumot at may bimpo sa ulo nito. Bigla naman itong napatingin sa gawi ko at nagdikit ang mga kilay nito.

"Sino na namana ng pinapasok mong bata ka?! Wala ka na talagang magawa kung hindu perwisyuhin ako. Sana talaga linaglag na kita nung nasa sinapupunan pa kita!" Galit na sigaw ng babae na nahpagulat sakin. Kita ko namang parang wala na ito kay Roi at ngiti na lang ang sinukli sa ina.

"Isa po siyang mag-aaral sa Akadimía evlogías tou theoú, narito po sila para tumulong. Humingi po kase ako ng cards sa mga namimigay kahapon kaya may libreng pagamit po sila," Paliwanag ni Roi. Sininghalan lang siya ng kanyang ina na nagpa-inis sakin.

"Kaya pala hindi ka nakapagluto kahapon dahil diyan. Pero, may silbe karin pala paminsan-minsan at naisip mo yan. Hoy ikaw, halika rito pagalingin mo ako," Sabi ng babae. Nag-inhale at exhale na lang ako para i-kalma ang sarili ko. Dagli na akong lumapit sakanya at sinundan na ang blood flow niya gaya ng naging lesson namin noon. Nabigla naman ako dahil hindi lagnat ang cause ng pagkakasakit niya kung hindi lason.

"Lason," Nasabi ko na lang. Tumingin naman ako kay Roi at kita kong naging magalaw ang mata nito, "Ma'am may lason po sa katawan niyo." Sabi ko. Bigla namang napanulat ang mata nito at dinuro ang anak.

"Hayop ka! Gusto mo akong patayin sa pamamagitan ng lason! Hayop ka!" Sabi ng babae at pupuntahan sana ang nanginginig na si Roi para sakatan ng awatin ko siya.

"Ma'am! Ma'am! Ma'am! Huwag muna po tayong magbintang, huwag po nating takutin ang bata," Pag-awat ko. Pero hindi parin humuhipa ang galit at gusto parin sugurin ang anak.

"Hindi! Bago ako nagkasakit ang huli kong kinain ay ang luto niya! Kaya pala hindi ka makatingin ng maayos sakin nung kinakain ko ang luto mo ah! Hayop! Pasalamat ka nga at iniluwal pa kita kahit ikaw ang naging dahilan para magunaw ang mga pangarap ko!" Sigaw niya. Kita ko namang humagulgol na si Roi kaya biglang kumulo ang dugo ko at naitulak ko siya nmat bumagsak namana ito. Linapitan ko naman si Roi at niyakap.

"Huwag mong sigawan ng ganyan ang bata! Kung hindi mo siya gusto, willing akong amounin siya. Hindi deserve ni Roi ang ganitong trato at buhay!" Galit na sigaw ko. Bigla namang nag-break down ang babae at sumisigaw na sa pag-iyak.

"Iyang batang yan, sinira niya lahat ng pangarap ko. Ni-R*pe ako ng tatlong lalake at siya ang naging bunga! Ang batang iyan!" Sigaw ng babae na nagpabigla sakin at nagpahagulgol pa kay Roi kaya naman ibinaon nito nag kanyang mukha saakin dibdib.

"Hindi kasalanan at choice ni Roi na mabuo siya. Iyan ang tandaan mo, if ganito lang rin ang trato mo sa bata sa noon pa lang ay ipinalaglag mo na siya, dahil sa nakikita ko ngayon ay parang pinapatay mo na siya ng paulit-ulit sa pag-trato at pananalita mo sakanya," Seryosong sabi ko na nagpatahan sa babae.

THE OMEN OF THE FORBIDDEN RACE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon