KABANATA XXIII: THE OTHER HEXES

150 16 0
                                    

THIRD PERSON'S  POINT OF VIEW

"Buti naman at napatay mo na ang ahas ng madalian, maganda ang naging bunga ng pagsasanay mo ng ilang taon," Sabi ng isang babaeng may pares ng puting pakpak na nakasuot ng black cloak at isang kwintas na may simbulo ng paru-paro — ang simbulo ng mga Fae.

"Syempre, sa ilang taong naghirap ako at pinagluksaan ang ating mga kaibigan, sa tingin mo hindi ko makakayang paraying ang sagabal para makita ng kambal si Darsy," Sabi naman ng lalaking may pares ng pakpak, pares ng sungay, at nakasiot din ng black cloak, ngunit isang ulo naman ng dragon ang pendant ng kanyang kwintas — simbulo ng Dracos.

"Sana maligtas nila si Darsy, malaki ang matutulong ni Darsy sa pagpapalakas ng kapangyarihan nila, nang sa gayon, kung handa na sila at handa na nilang kunin ulit ang karangalan ng kanilang lahi, maghanda tayo para matulungan natin sila, matulungan sila ng Akadimía Evlogías Tou Theoú," Sabi ng babae. Tinanguan naman siya ng lalaki at huminga ng malalim...

...

WEINER'S POINT OF VIEW

"Paano mo kami nakilala?" Tanong ko sa nanghihinang si Darsy.

"I-Itago niyo man ng spell ang inyong tunay na katauhan ay hindi nito maitatago sa mga mata ng isang mataandang Fae ang mga tunay niyong itsura," Sabi niya. Kita naman namin na biglang naging kulang bahaghari ang iris ng mata niyang kaninang kulay itim.

"P-Papaano mo nagawa iyon?" Tanong ni Kuya Brielle. Ninigyan naman kami ng matamis na ngiti ni Darsy.

"Huwag kayong mag-alala, ituturo ko rin sainyo iyan kapag nakatakas na tayo sa lugar na ito at nais ko rin sanang ikwento ang mga bagay na hindi niyo pa alam sa inyong mga magulang," Sagot naman niya. Nabigla naman ako ng biglang lumapit si kuya at sinusubukang tanggalin ang mga tanikala na nag-tatali kang Darsy.

"Anong ginagawa mo kuya? Hindi pa natin alam kung totoo ang mga sinabi niya, dapat huwag tayo agad maniwala!" Galit na sabi ko, pero patuloy parin ito sa pagsubok na putulin ang mga tanikala gamit ang purong lakas lang.

"Just following my instincts, there's something inside me that tells me to help Darsy and trust her," Paliwanag ni kuya. Kita ko namang biglang nag-melt ang tanikalang hinahawakan niya.

"Using your power is too risky, kuya. Baka bigla kang mag outburst at maputol yang bracelet," Sabi ko. Pero hindi ako pinansin ni kuya at nagpatuloy lang sa pagtunaw ng bagay. Mumhang seryoso talaga si kuya sa pag-alam ng mga pangyayari. Kaya naman habang tinutunaw niya ang mga tanikala ay ginamitan ko naman ng Water Healing Hex ko si Daray para makapag-recover ang katawan niya.

"Uhm, natulakasan niyo na pala ang isa sa mga kapangyarihang taglay niyo, Brielle at Weiner," Sabi ni Darsy. Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya.

"What do you mean, Darsy?" Tanong ko. Sakto namang natapos ang pagtunaw ni kuya sa mga tanikala ni Darsy.

"Mamaya na ang tanong, Weiner, nararamdaman kong may mga papuntang nilalang dito ngayon," Sabi ni kuya. Katapos ay binuhat niya si Darsy. "Tara, isama na muna natin si Darsy sa room, doon narin tayo mag-isip kung anong mga susunod nating hakbang." Dagdag pa ni kuya. Tinanguan ko naman siya at sabay kaming nag-teleport papunta sa dorm...

Nang makabalik na kami sa room namin ay inihiga na ni kuya si Darsy sa kama niya, doon naman ay patuloy ko siyang pinagaling.

"Darsy, what do you mean when you said, "isa sa mga kapangyarihan niyo." I am little bit confused," Sabi ko. Sinuklian lang ako nang ngiti ni Datsy at pilit na tumayo, kaya inalalayan siya ni kuya.

"Hindi lang water ang taglay mo, at hindi lang fire ang tagla mo, Brielle. Ang alam ko, ayon sa sinabi ng Grand Priest ng mga Fae ay nakita niyang nahati ang Hex ng iyong ama at ina sa dalawa nilang anak, which is kayo. Sa pagkakantanda ko ay bukod sa fire ay kaya ring gamitin ni Brielle ang Earth at Lightning Hex na namana niya sa inyong ama, at kaya niya rin gamitin ang Summoning Hex na namana niya naman sa inyong ina. Habang ikaw naman Weiner, bukod sa Water ay kaya mo rin gamitin ang Wind at Lightning Hex na naman mo sa inyong ama, at ang pinaka-delikadong Hex, ang Necromancy Hex na namana mo naman sa inyong ina," Paliwanag ni Darsy. Wala naman kami masabi ni kuya at talaga namang literal kaming nakanga-nga ngayon sa mga nalaman namin.

"What the hell, we were overpowered!" Nasigaw ko na lang.

"Darsy, kung nagtataglay kami ng ganyang mga Hex, it means we have a great responsibility to use it properly, are you willing to teach us how to handle and master it?"  Seryosong tanong ni kuya kay Darsy. Nag-beam naman si Darsy at nag-nod, katapos ay bigla na lang siyang bumagsak.

"What happened to her, Weiner?" Nagpapanic na taning ni kuya. Kaya naman tinap ko ang balikat niya at umiling.

"Nothing bad happened to her, it is just a side effect of my Hex. Also, her body really went through so much fatigue and suffering, so she needed to have a very long rest. ," Sagot ko naman. Mukhang nakahinga naman ng mabuti si kuya dahil sa sunabi ko.

"Weiner, bale tabi niyan tayo sa kama mo for the mean time hangga't hindi pa nagigising si Darsy," Sabi niya. Naparolyo naman ako ng mata dahil don.

"Okay fine, basta iwasan mong mag-gagalaw o humilik ng malakas kapag gabi ah?" Seryosong tanong ko, binigyan niya naman ako ng malawak na ngiti. Kaya naman naglinis na kami ng katawan at humiga na...

...

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

Sa pinakamalalim na parte ng Avalon kung saan makikita ang Endless Void ay kasalukuyang nagngingit-ngit sa galit si King Ilumin dahil sa nabalitaan niyang nakatakas si Darsy sa Cursed Prison.

"Mga walang kwenta! Itinalaga kong sa academy i-kulong si Darsy para walang makatuklas na naroon pa siya at buhay pa, pero anong ginagawa niyo, simpleng bagay lang nabigo pa kayo!" Sigaw niya sa mga Tres Diablos niya — ang tatlong magkakapatid na Demonoids na itinalaga ni Haring Ilumin para palihim na bantayan ang kilalagyan ni Darsy.

"Binantayan po naming mabuti ang labas ng kweba," Sagot ni Yuta — ang lider at pinakamatandang miyembro ng grupo.

"Sa labas lang? Papaano sa loob?" Tanong ni Haring Ilumin na naging dahilan para maging tahimik lahat sila. Dahil nga doon ay tumawa ng malakas si Haring Ilumin. "Mga walang silbe! Wala man lang naka-isip na may Utility Hex na Teleportation na maaaring gamitin para itakas si Darsy?!" Galit na sigaw ng Hari.

"I-Inaaako po ang pagkakamaling ito, hinihiling ko po na saakin niyo ipataw ang kaparusahan kung paparusahan niyo kami," Sabi ni Brave — ang ikalawang pinakamatanda sa grupo. Umiling-iling naman ang hari at lumapit kay Drei — ang pinaka bata sa grupo.

"Hindi ko kayo papatawan ng parusa..." Sabi ng hari na may isang mapaglarong ngiti sa kanyang labi. Nagtinginan naman ang magkakapatid at bakas sa mga mukha nila ang galak. "Ngunit sa isang kondisyon." Pagtuloy naman ng hari.

"Ano po iyon, mahal na hari? Gagawin po namin ang lahat," Tanong naman ni Yuta. Bigla namang hinawakan ng hari sa balikat si Drei.

"Lahat?" Tanong ulit ng hari, napalunok naman so Drei dahil bigla siyang nakaramdam ng kaba.

"Opo," Inosenteng tanong ni Yuta.

"Pwes, hihiramin ko muna itong kapatid niyo para paglaruan," Sabi ng hari sabay yakap sa leeg ni Drei.

"M-Mahal na hari—" Hindi na natuloy pa ni Yuta at ni Brave ang sasabihin sana nilang pang-kontra sa desisyon ng hari nang pitikin ni Haring Ilumin ang kanyang daliri at bigla na lang silang nag-teleport sa labas ng palasyo, bakas ang takot at hinagpis sa mukha ng dalawa, at nabuo ang galit - galit hindi sa hari kung hindi sa mga nagpatakas kay Darsy.

"Kung hindi lang nakatakas ang Fae na iyon, hindi sana magiging ganito ang takbo ng buhay natin. Kasalanan ito ng mga nagpatakas kay Darsy, sinus umpa ko, kung magkaharap kami ay papahirapan ko muna sila hanggang sila na mismo ang maki-usap para sa kanilang kamatayan!" Sigaw ni Yuta habang pinipigilang umiyak...

...

So ayan na nga, may mga bagong karakter na naman, hope magustuhan niyo sila! Enjoy reading!

Don't forget to vote, comment, and share my story (These three things matter for the growth of my story and of myself personally.)

THE OMEN OF THE FORBIDDEN RACE Where stories live. Discover now