KABANATA XXXI: COLLECTING THE FRUITS

150 15 0
                                    

WEINER'S POINT OF VIEW

Kasalukuyan akong umiiyak dahil sa nakikita kong sitwasyon ni kuya ngayon. Unti-unti na kasing kumakalat ang itim na likido, kung kanina ay nasa braso pa lang ngayon ay nasa leeg niya na ito. Pero, kahit na ganito na ang nangyayare sakanya ay nakahawak parin siya sa bata at nagpapakawala ng kulay asul na apoy.

"Kuya, please bumitaw ka na. Ako naman ang susubok," Umahagulgol na sabi ko. Tinignan niya naman ako ng seryoso at saka umiling.

"No, I might die today, and I don't want to die without even trying to help this child. Also, I don't want you to be involved here, as it might take your life too," Sabi ni kuya. Nakikita ko namang napapangiwi ito dahil siguro may sakit siyang nararamdaman sa pagkalat ng living poison.

"Kuya..." Nasabi ko na lang. Nabigla naman kaming lahat ng biglang sumigaw ng napakalakas ni kuya dahil sa sakit. Lalapit na sana ako nang tignan ulit ako ng masama ni kuya na nagpatigil sakin.

"This is the last phase," Sabi ni Dr. Morgan at sinuot ang kanyang shades.

"AHHHHH!" Nasasaktang sigaw ni kuya at bigla nalang sumabog ang kulay asul na apoy. Kaya napikit ako dahil paniguradong mahapdi ang dala ng nakakapasong apoy. Ngunit ilang segundo ay hindi ako nakaramdam ng hapdi, bagkus ay napagaan na ng pakiramdam ko ngayon. Kaya dumilat ako at nakitang balot ng asul na apoy ang buong lugar at unti-unti ring tumatahimik ang mga umiiyak at nagsisigawang pasyente kanina. Nang mapatingin ako sa gawi ni kuya ay nakita ko namang nakaluhod na ito sa harapan ng batang ginagamot niya. Kaya dagli ko siyang linapitan at nakitang wala na ang likidong itim na kumakalat sa katawan niya kanina.

"Are you okay?" Tanong ko. Nag-nod lang ito at napapikit na ng mata at bumagsak sakin at sabay non ang paglaho ng apoy sa paligid. Nag-panic naman ako at tumingin kay Dr. Morgan.

"Dr. Morgan, what is happening to my kuya and to the surroundings?" Tanong ko. Tinanggal naman nito ang shades niya at doon ko nakitang migto pala ang mga mata niya. Kaya nagpunas muna siya ng luhang pinipigalan niyang bumagsak bago sumagot.

"You're brother is probably just exhausted because he blasted too much hex, and he made possible the impossible mythical elemental healing hex, the Arizona Flare," Sabi ni Dr. Morgan. Ilang saglit nga ay tumayo ang batang pinagaling ni kuya at kinukusot-kusot pa ang mga mata nito.

"Ano ang nangyayare lola, nasan tayo?" Tanong ng bata sa kanyang lola. Niyakap lang naman siya ng lola niya at himimas-himas ang likod nito.

"Masaya akong gumaling kana apo," Sabi ng matanda habang humahagulgol sa tuwa. Nabigla naman kami nang biglang nagpalakpakan ang mga nilalang na kanina ay sumisigaw at umiiyak sa sakit at sabay-sabay naglabas ng green cards. Doon nga ay nagkatitigan kami ni Kuya Tieo at Lor.

"It's time to collect the fruits," Sabi ko at saka sila lumapit sa mga pasyente para kunin ang mga green cards...

...

BRIELLE'S POINT OF VIEW

"Xiendo, gising!" Sigaw ni Kula. Kaya naman dagli akong napamulat ng mata at napatayo.

"Ang ingay mo naman," Sabi ko kay Kula. Katapos non ay tinignan ko ang paligid at nakita na hindi ito ang dimension ni Kula dahil nasa may malawak na taniman ako ngayon ng lavander. Nang mapatingin ako sa taas ay kulay lavander din ang ulap.

"Kanina pa ako nagsasalita hindi mo man lang ako pinapansin!" Sigaw ni Kula na nagpabalik sa wisyo ko.

"Nasan tayo?" Tanong ko. Pinitik naman ni Kula ang noo ko na nagpangiwi sakin, "Ano bang problema mong maliit ka?" Iritang tanong ko sakanya. Pinikit naman nito ang mata niya at pinitik ako ulit sa noo.

THE OMEN OF THE FORBIDDEN RACE Where stories live. Discover now