KABANATA XXXIV: SAW HIM, FINALLY.

139 12 0
                                    

I appreciate your effort in reading and being the first to vote in this story; thank you! I dedicate this chapter to you! LeomerUgpal5

...

BRIELLE'S POINT OF VIEW

Halos pumutok ang ugat ko sa leeg dahil sa sigaw at galit na nararamdaman ko ngayon kay Weiner. Nakakapikon kase dahil hindi siya nag-isip ng mabuti bago niya isuko ang mga Næm fegurð flowers namin.

"Ayaw ko kasing masaktan kayo kuya, hindi ko kayang makita iyon. Isa pa..." Pigil hulang sabi ni Weiner. Nag-inhale at exhale naman ako para kumalma dahil ayaw ko namang imiyak ang kapatid ko dahil sakin.

"Sorry, Weiner. Nadala ako ng damdamin ko," Kalmadong sabi ko. Bigla namang bumagsak ang mga luha ni Weiner sabay yakap sakin

"A-Ayaw ko lang kasing masaktan ang sino man sainyo at ayaw din naman kitang mag-outburst. Nasasaktan ako kapag nakikita kong ganon ang state mo. Isa pa..." Nauutal na sabi ni Weiner habang pinupunas-punasan ang luha niya.

"Isa pa ano?" Tanong ko. Tinaas naman niya ang kamay niya at bigla mula sa labas ng kweba ay pumasok ang bubble ng tubig at may isang bulaklak sa loob nito. Nagulat naman kaming lahat nang makita iyon.

"Isa pa meron pa tayong isa, kaya hindi pa tayo eliminated!" Masayang sigaw ni Weiner. Napatayo naman ako at si Lor at niyakap siya, nakiyakap narin si Kiya Tieo.

"Tama lang talaga na naging captain ka namin, Weiner," Mangiyak-ngiyak na sabi ni Lor. Hinimas naman ni Weiner ang ulo niya habang nakatingin na nakangiti sakin.

"Sorry ulit kung napagtaasan kita ng boses, bunso," Sabi ko. Napangiwi naman ito at nag-eye roll.

"Hayup na yan, nakaka-cringe! May pangalan ako, tawagin mo ako sa pangalan ko. It's gorgeous, beautiful, and hot WEINER, KUYA, WEINER!" Inis na sabi niya na nagpatawa samin.

"Anyhow, any plan for revenge?" Tanong ko. Kaya kumawala kaming lahat sa pagyakap at gumuhit ang ngisi sa aming labi.

"The time when you called us using Mind Communication was the time where I made our revenge plan..." Sagot ni Weiner sabay tawa...

...

WEINER'S POINT OF VIEW

Tumatakbo na kami ngayon ni Kuya Brielle at Lor para hagilapin ang base nila Prescious, habang naiwan naman para magbantay si Kuya Tieo ng kaisa-isang bulaklak namin.

"By the way, paanong may isang bulaklak ka pa. Akala ko naibigay mo na ang lahat?" Tanong ni Lor habang tumatalon sa mga puno.

"After kong ma-eliminate yung isang group, tumakbo agad ako para hagilapin pa ang ibang groups at i-steal ang flowers nila. Swerte naman nakakita ako ng liwanag sa may taas ng isang malaking puno, which means may group na naglalagi roon. Kaya lumapit ako at nakita ang group nila Margo doon. Nanakawin ko na sana ang bulaklak nila nang biglang mag-notif sakin na napabagsak na pala ni Kuya Tieo ang isa pang group, at nang lalabanan ko na sana sila eh bigla namang tumawag si Kuya Brielle gamit ang Mind Communication. Umalis ako agad pero bago ako umalis, kinuha ko ang isang Næm fegurð flower nila, and it saved us," Mahabang paliwanag ko. Nag-nod lang si Lor.

"Paano naman kayo nahuli nila Prescious?" Tanong ko kay Lor.

"The guy with a pink hair, he seemed so skillful in terms of using Utility Hexes. Ginamitan niya kami ng advance utility hex na sleppy bomb," Sabi ni Lor. Kita ko naman ang inis sa mukha niya habang kinukwento iyon. Kaya gumuhit sa mukha ko ang ngisi dahil sa may naisip akong baguhin sa plano. Advance Utility Hex pala uh? Patikim ko nga ang talagang advance na Utility Hex. Bigla mamang tumigil si Lor na pinagtakhan namin

THE OMEN OF THE FORBIDDEN RACE Where stories live. Discover now