KABANATA L: BETRAYAL AND EXECUTION

119 12 3
                                    

PRINCE DEVON'S POINT OF VIEW

"Estemporustus evegarus wnterosus!" Sigaw ni Haring Atlantis para gamitin ang Paralyzing spell si Brielle. May lumitaw naman na kulay puting magic circle sa uluhan ni Brielle, nang dahil doon ay hindi na niya ngayon magalaw ang katawan niya.

"You said you will never hurt my brother, yet you're the one who killed him? You truly are a hypocrite!" Galit na sigaw ni Brielle. Wala naman na akong sinabi dahil totoo naman lahat ng sinabi niya sakin. Lumapit naman ang aking ama at sinuntok si Brielle sa sikmura na nagpawala ng malay niya. Binitbit niya na nga si Brielle at tumawa ng napakalakas.

"Ngayon, mamatay na rin ang huling pag-asang matupad ang tunay na propesiya!" Sigaw ni ama. Tumingin naman ito ng seryoso sakin.

"Maraming salamat sa tulong mo, kung hindi dahil sayo hindi ako magtatagumpay," Nakangising sabi niya. Nanginig naman ako sa sobrang galit, pero dapat kong pigilan dahil kung papatayin ko siya ay mamatay din ang kapatid ko.

"Kung hindi dahil kay Bea, hinding-hindi kita tutulungan," Sagot ko naman. Tinawanan niya lang ako at tinapik-tapik ang aking balikat.

"Wala na akong pakialam sa sasabihin mo, aalis na kami para ipakita sa lahat paano bitayin ang isang forbidden race. Gusto mo bang sumabay o gusto mo pang maiwan dito para makapiling mo pa si Weiner?" Sarkastikong tanong niya habang humahagakgak. Hindi naman na ako sumagot, kaya naglakad na siya papunta sa mga kasa niyang hari at reyna. Katapos ay nag-teleport na sila pabalik ng Endless Void. Nang makaalis na sila ay agad naman akong tumakbo kung saan nilibing ni Brielle si Weiner at lumuhod.

"Patawad, Wei. Hindi ko lang talaga kayang ipagpalit ang buhay ng kapatid ko, patawad. Wei, gustong gusto kitang hagkan, nagsisisi akong noong mga panahong kasama kita ay hindi ko pa ibinigay ang lahat sayo. Patawad, sana hindi mo na lang ako nakilala para walang hayop at duwag ang pumatay sayo," Sabi ko. Gustong-gusto kong umiyak, pero dahil sa sumpa ng mga Demonoids ay wala ni isang patak ng luha ang pumapatak.

"You don't need to apologize, I understand," Dinig kong sabi ng isang pamilyar na boses na nagpabigla sakin...

...

BRIELLE'S POINT OF VIEW

"We are gathered here to witness the last forbidden race, the misfortune, the personification of bad luck to die!" Sigaw ni Ilumin na nagpa-ingay naman sa mga nilalang na nandito ngayon.

Dinala nila ako ngayon dito sa dating kinatatayuan ng academy na ngayon ay gumuho na. Bitbit ako ni Ilumin habang lumilipad siya dahil gusto niya ay makita lahat ng mga nilalang kung paano ako pugutan ng ulo.

"I will kill you, Ilumin. So, tighten your grasp on me, or else you will be the one who loses his head." Gigil na sabi ko sakanya habang nagngingit-ngit ang akong mga ngipin.

"Oh no, that's why I need to do this," Bulong niya sakin. At saka niya naman ako sinakal ng sobrang higpit na halos hindi na ako makahinga.

"Kill him! Kill the pest! Kill him!" Sigaw ng mga nilalang na nanonood ngayon. Kaya binwelo na ni Ilumin ang kanyang axe at mabilisan niya na itong pinabulusok sakin, ngunit bigla siyang napatigil nang may tumamang pana sakanyang likuran. Tumingin naman ako sa ibaba at kita ko ang galit na galit na itsura ni Elvin.

"Hands off to my lover!" Sigaw ni Elvin na halos pumutol sa ugat niya sa leeg...

...

PRINCE ELVIN'S POINT OF VIEW

(Thirty minutes ago...)

"Patatakasin namin kayo kung ituturo niyo sakin kung nasaan si Brielle?" Tanong ni Kuya Devon na nandito ngayon sa loob ng hideout ni Tieo.

THE OMEN OF THE FORBIDDEN RACE Där berättelser lever. Upptäck nu