KABANATA XLVI: THE DAWN OF WAR

126 11 8
                                    

ILUMIN'S POINT OF VIEW

"D*mn! The officers of the academy decided to declare war against us by throwing us out of the academy. We let our guard down by trusting your sister, Saint!" Sigaw ko habang dinuduro ang Reyna ng Angeles Race. Narito kami ngayon sa Hexagon - isang napakalaking building na may six side na nag-rerepresesnta sa mga anim na race na pumuksa sa dalawang sumpang race. Ang tanging laman ng building na ito ay isang napakahabang lamesa na may anim na upuan para sa aming anim na Hari at Reyna.

"Hindi ko kasalanan iyon, Ilumin. Alam mong hindi ko siya pinagkakatiwalaan, pero anong ginawa mo? Ikaw pa ang nagluklok sakanya para lang sa isang gabi ng kaligayahan mo!" Galit na sigaw ni Saint. Tumayo naman ako at kinalampag ang lamesa na naging dahilan para magpawis sila sa takot.

"Sinong mali samin ni Saint, ako o siya?!" Sigaw ko. Nanginig naman silang lahat.

"S-Siya, mahal na hari," Sabay-sabay na sabi nila. Tumawa na man ako ng malakas tinignan ng masama si Saint.

"Ano kayang pwede kong gawin saiyo bilang parusa, paano kaya kung patayin kita?" Tanong ko. Bigla naman itong nanginig at tumulo ang luha.

"I-Ilumin, m-marami na akong ginawa para lang hindi ka magalit sakin. May mga anak ako na gusto ko pang makasama, huwag mo naman akong patayin," Pagmamaka-awa ni Saint. Tumawa naman ako ng malakas at nag-teleport sa tabi niya. Katapos ay sinampal siya ng malakas na nagpatumba sakanya sa sahig.

"Sige, palalampasin kita ngayon, tutal ikaw ang ina ni Beatriz," Sabi ko. Naglakad naman na ako papunta sa upuan ko.

"I think we need to create a plan now to attack and reclaim the academy," Sabi ni Avery, reyna ng Vampire Race. Hinawakan ko naman ang baba ko at tumango-tango.

"That's a bright idea, Avery. Dalhin natin lahat ng hukbo natin sa harap ng academy at babtaan silang sisirain ang lugar kung hindi sila susuko, how about that?" Tanong ko. Kita ko namang umiling-iling si Lovelace, Alpha ng mga Werewolves.

"I think the dog has an idea," Sabi naman ni Avery. Kaya nag-growl bigla si Lovelace at kinabog ang lamesa.

"Anong sabi mo, daga?!" Sigaw nito. Kinabog rin naman ni Avery ang lamesa at nag-hiss ito. Tumayo naman ako at tinignan sila ng masama.

"Stop or you two will die?!" Sigaw ko sabay labas ng curse hex effect ko. Natakot naman sila at nanginginig na umupo, "Very good. So, parang may gusto kang sabihin, Lovelace, ano iyon?" Tanong ko. Klinaro muna ni Lovelace ang kanyang ngala-ngala at tumindig ng diretso.

"Alam naman nating pinoprotektahan pa ni Nuerbo Vista ang paaralan at hindi natin basta-basta masisira ang shield na kayang gawin ng isang Draco. Alam kong alam mo gaano tayo nahirapan sa pagsira ng shield nila na kung hindi pa natin ginamit noon ang Utility Hex: Forbidden Slepping ay hindi natin sila mauubos," Sabi ni Lovelace. Tumango-tango naman ako habang hawak ang aking baba.

"Dad! Nasan ka, dad?!" Dinig kong sigaw ni Beatriz sa labas ng Hexagon. Kaya naman na-distract ako at may naisip na idea.

"Dalhin niyo lahat ng batalyon niyo sa harap ng academy, akong nang bahala sa lahat!" Sigaw ko at naglakad papunta sa pinto para buksan ito. Tumambad naman sakin ang napakaganda kong bunsong anak na may pares ng puting pakpak at puting pares ng sungay. Binuhat ko ito at hinalikan sa noo.

"Dad, nasan si Kuya?" Tanong niya na nagpangisi sakin.

"Nasa paaralan pa siya anak. May favor pala si papa sa iyo, kaya mo ba akong tulungan?" Tanong ko. Tinanguan naman ako nito na nagpahagikgik sakin...

...

MISTRESS EVALYN'S POINT OF VIEW

Kasalukuyan akong nakatayo ngayon sa stage ng Hall ng academy para kausapin ang mga students.

"My beloved students, I know this is a hard time for us. We need to stop the academic year, and we don't have a clear date when we can start again, as we declared war on the Kings and Queens of this Sphere-your kings and queens. We will now ask all of you to fight for the academy, but we will respect whoever wants to leave the academy, as we all have reasons. Please raise your hands to anyone who wants to leave. So that we can teleport you outside the academy and face your own life there," Sabi ko. Lahat naman ng Angeles students, pwera sa mga professors nila ay nagtaas. Sumunod naman ang mga Vampires na halos kalahati ay nagtaas. Sumunod naman ang mga Elvis na halos lahat din ay nagtaas. Wala namang nagtaas sa mga Fishmen, Demonoids, at Werewolves na nagpabigla samin. Sa mga Royalties naman ay nagtaas ng kamay si Princess Claire, Princess Grazilda, at Princess Serenity. Ang tatlong lalaki naman ay nanatiling nakababa ang kamay.

"I need to do my duty now," Sabi ni Priest. Nuerbo Vista. Kaya tinaas na niya ang tungkod niya at lumitaw ang napakalaking kulay brown na magic circle sa taas ng academy at nawala na lang bigla ang mga nagtaas ng kamay at napunta sila sa labas. Katapos ay hinarap ko ang mga nagpaiwan.

"Why did you decide to stay and fight by our side?" Tanong ko. Humarap naman si Prof. Selene.

"Kaming mga Demonoids ay pagod na sa makasarili at malupit na pamamalagad ng aming hari, gusto na namin siyang ibaba sa trono at paluklukin naman si Prince Devon na mas karapat-dapat sa trono!" Sigaw naman niya. Ganon din naman ang sigaw ng mga estudyanteng Demonoids.

"Ganon din ang nais namin, paluklukin na ang mga bagong henerasyon at ibaba na ang mga malulupit na hari at reyna!" Sigaw naman ng iba pang mga lahi.

"Kung ganon ay magpakatatag kayo at magpalakas, dahil hindi biro ang magiging lagay natin sa digmaang ito!" Sigaw ko. Bigla namang may mga iba't ibang klase ng mga missiles at iba't ibang offense hexes ang tumama sa shield ng academy na nagpabahala samin.

"Nagpaparamdam na sila, Mistress Evalyn at kasalukuyan silang nasa labas ngayon, bihag ang mga estudyanteng piniling hindi lumaban para sa atin." Sabi ni Geor na nagpabahala sakin.

"Tara, punatahan natin sila," Sabi ko. Kaya nag-teleport kami sa harap ng gate ng Akadimía Evlogías Tou Theoú at nakita ang daang-daan na batalyon na nagpapakawala ngayon ng offensive hexes nila. Nakita ko namang papalakad na papunta dito si Haring Ilumin na may ngisi sa labi niya.

"You want war, Eva? I'll give you war!" Sigaw niya at seryosong tumingin sakin.

"Free the students that we put outside. They don't want to be part of this war, Illumin." Sabi ko. Napataas naman ang kilay nito at tumawa ng malakas.

"No, I won't. Also, it's KING Ilumin," Sabi niya pa. Tinaas niya naman ang kamay niya. Inilapit ng mga kawal ang mga bihag, katapos ay timingin siya sa mga ito at itinutok ang kanyang kaliwang kamay.

"A-Anong gagawin mo?" Tanong ko na nagpatawa sakanya.

"Listen well, all of you; all of you will be blessed by my curse. You will serve me and fight by my side, and if ever you refuse or betray me, you will die and pass the curse until the tenth generation of your families!" Sigaw niya. Bigla namang may lumabas na itim na usok sa kamay niya na bumalot sa lahat ng mga students...

...

Finally done, grabe daming details ng mga chapters na na-update ko. Also, nag-eedit kase ako bago ako mag-publish ngayon. Please follow me, so that I can see that someone appreciates my efforts. Enjoy reading, thank you!

Don't forget to vote, comment, and share my story (These three things matter for the growth of my story and of myself personally.)

THE OMEN OF THE FORBIDDEN RACE Where stories live. Discover now