Chapter 5

4.2K 190 4
                                    

"Sanchez, come to my office."

Matamlay na sumunod ako kay Sir pagkatapos niya akong tawagin. Mukhang alam ko ang dahilan kung bakit niya ako pinapasunod sakanya. Sinumbong ako ni Aiko.

"Sit down." He ordered when we reached his office. I looked around to see if she's here but unluckily she's not.

"Wala siya. It's Monday and she has exams."

Napatingin ako kay Sir Aki sa sinabi niya. Paano niya nalamang hinahanap ko siya?

"Kung ako sayo mag move on ka sa pagka crush mo sa kapatid ko. Walang kang chance doon, aside from being straight hindi din siya pumapatol sa bata." Sabi niya at inemphasize pa ang 'bata'.

"So? Kelan mo ko uumpisahang pagalitan?" Irap kong tanong at hindi pinansin ang sinabi niya. Hinanda ko nalang ang sarili ko sa mahaba niyang sasabihin tungkol sa pagpunta ko sa bar kagabi.

"Buti naman at alam mo ang rason kung bakit ka andito." Seryoso niyang sabi. Napabuntong hininga nalang ako at umiwas ng tingin pero nagulat ako nang ibagsak niya ang makapal na libro ng Science at PE sa harapan ko.

"Huh? What the-"

Binuklat niya ang Science book at cinlip ang ilang pages. "Ito ang kailangan mong ireview para pumasa ka!" Ginawa niya din yun sa PE book sabay inilapag sa harapan ko.

"May libro ako tsaka may pointers kang binigay kanina ah? I don't need that."

"Sige nga. Nasaan ang libro mo?"Hamon niya. Weird na napatingin ako sakanya at binuksan ang bag ko. Tsk, malapit ng mag end ang school year impossible namang wala akong libro?

Napaawang ang labi ko nang makita kong notebooks lang ang dala ko. The rest are just food and thrash.

"It's not here. But alam kong nasa bahay ang mga libro ko."

Pinaningkita niya ako ng mata kaya pinaningkitan ko din siya ng mata. I could see Aiko's face, naalala ko nanaman tuloy ang itsura niya kagabi.

Wait. Walang science at PE book sa bahay. I suddenly remember what happened. Nahulog ko iyon sa kanal habang tinatakbuhan ang mga SSG Officers!

"Over the bakod pa ha? Mag review ka ng mabuti, sige alis!"

Nakanguso kong binitbit ang librong binigay saakin. Hindi ko man lang naalala na wala na pala ang dalawa kong libro. Kaya siguro bagsak ako nung 3rd quarter.

Wala pa si Butler Ray kaya umupo muna ako sa waiting area. Nabo boring ako kahihintay kaya binuksan ko ang Science book. Kahit alam ko ang context binasa ko parin. I actually know all of these info, pati yung sa PE but since I'm bored might as well review it for our exams tomorrow.

It was dark when Butler Ray came. Binati ko siya pagkapasok ng kotse.

"Good evening too, young lady."

Natahimik kami. Pinanood kong malagpasan namin ang naglalakihang building sa daan. Ganito din ba kalaki ang building ng business ni Dad? Or maybe even bigger?

"Ray, anong business ang hinahandle ni Dad?"

Tumingin siya saakin bago sumagot. "Ships."

Does that mean that Dad own a shipping line? Malalaki kaya ang mga barko? I've never seen a ship, I wonder what it looks like. A thought came into my mind kaya agad kong tinanong si Butler.

"Ray... do you know my Mom?"

Mukha siyang natigilan sa tanong ko. Instead of answering my question he ask a different one.

"Exams tomorrow?"

"Yeah..."

I licked my lip and smiled bitterly. As expected. They never answer questions when it concerns my mother.

CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon