Chapter 25

4K 186 10
                                    

"Class dismissed."

Nanatili akong nakaupo at tinignan si Ma'am Dawson na seryosong nag aayos ng mga gamit niya.

"Am I not allowed to go there today?"tanong ko nang makalabas na ang lahat ng estudyante.

"After exams, Mariano. You're so annoying." Salubong ang kilay niyang sabi.

Napabuntong hininga ako. Hindi niya ako pinapapasok sa office niya simula nung Monday. Gumagawa daw kasi siya ng exam paper namin kaya bawal ako. Kaya nagrereview ako sa bahay.

"Okay. I'll see you tomorrow Ma'am." Paalam ko. I want to kiss her. Kahit sa cheeks lang pero pinigilan ko ang sarili.

Salubong ang kilay siyang tumingin saakin. Hinintay ko ang sasabihin niya pero umiwas nalang siya ng tingin. What's wrong with her?

Lumabas ako ng room pero sumilip din agad ulit ako. "I'll help you carry your things, Ma'am."

"Go home." Poker face niyang sabi.

"Kahit sa labas lang ng office-"

She gave me a death glare. Natahimik ako at napakamot sa sentido bago bagsak ang balikat na umalis.

Dumiretso nalang ako sa bahay at nag review. Tumawag din ako kina Butler Ray at nangamusta na ikinagulat niya.

[You look happy.]

Damn right. "I am."

[This is the first time I saw you smile brightly ever since...]

Umiling ako. "I have someone I like, Ray."

Kita ko ang pagkagulat niya sa kabilang linya. Mahina siyang tumawa.

[I hope I'll meet that person when we go home, Cipher.]

Napangiti nalang ako. Kinabukasan ay nag exam kami sa dalawang subject.

"Hindi ka ba nahirapan?" Tanong ni Sonya na parang lugong lugo pagkalabas ng classroom.

"A little. I reviewed everything so it's fine."

Mukha siyang namangha. "Ang talino mo talaga. Everyone's right about you!"

"Everyone's right about me?" Taka kong tanong.

"Hindi mo ba alam na madaming namamangha sa katalinuhan mo?"

Umiling ako. Weirdo niya akong tinignan.

"You were the only one who perfected the entrance exam. You have good- not just good but outstanding! Everyone's calling you a genius." Mahaba niyang sabi at parang exaggerated pa.

Hindi nalang ako sumagot. Nagpaalam ako sakanya at dumiretso sa building nila Bea tutal meron pa akong tatlong oras bago ang next class.

"Cipher!"

"Bea."

Ngumiti ako. Nagkunware siyang nahimatay. Sinalo ko siya at mahinang tumawa.

"Alam ko ang dahilan ng pagngiti mo!"

"Shut up."

Tumawa siya bago ako inakbayan. Nagkwentuhan lang kami at maagang nag lunch. Binilihan ko din ng lunch si Ma'am Dawson para ibigay sakanya mamaya.

"After exam na tayo magkita. Nagseselos yung bebe ko sayo." Sabi ni Bea pagdating namin sa harap ng office ni Ma'am.

"May bebe ka?" Gulat kong tanong.

"Oo. Anong akala mo saakin?"

Inilingan ko nalang siya at tinulak palayo pero pilit siyang bumabalik.

"Pa kiss nga, kahit sa cheeks lang." Nguso niya at inaambaan akong halikan. Lumayo ako at tumawa.

CurseWhere stories live. Discover now