Chapter 15

4.1K 202 7
                                    

"Good afternoon, ma'am."I greeted the woman in front of me. I expected it to be a man pero buti naman at babae ito.

"Good afternoon, Ray told me that I will be meeting a trusted employee of E.V.E."

"Ah yes. I'm Cipher, shall we get to business?" I said and smiled a little. I was planning on appearing as a CEO but in the end I appeared as a 'trusted employee' of Ray.

After going home earlier ay naalala kong may meeting pala si Ray sa isang partner in business at dahil nasa ibang bansa siya ay ako ang umattend. Now, we're in a cafe seriously talking about business.

"By the way, I've never seen you in the company and you look quite young." Miss Perez said after she read the papers in front of her.

I fixed my glasses before answering. "The truth is I work in a different field. I only appear in meetings if Ray is busy."

"Oh really?" Miss Perez smiled. She glanced at her phone before looking around.

"I suppose we'll have another success in this project?" Saad ko dahil tapos na din naman ang pinag uusapan namin.

Sabay kaming tumayo at nagkamay. She smiled at me that made me smile too. Wow, she's so nice.

"Yes. Nice doing business with you Miss Cipher."She said, still smiling. Sumulpot ang isang babae sa gilid niya at pinulupot pa ang braso sa bewang ni Miss Perez. The woman look serious and cold, pero nang tumingin kay Miss Perez ay lumambot ang tingin nito.

I nodded at the woman and smiled at both of them. "Same here."

Pinanood ko ang dalawa na umalis. Pagkatapos ay inilabas ko nalang ang mga school work at ilang papeles na kailangan kong pirmahan para matapos ko ang mga ito pero sa ilang minuto ay hindi ako makapag focus dahil feeling ko may nakatingin saakin.

"Ah."I groaned and remove my eyeglasses. Pasandal palang sana ako nang biglang may tumigil na babae sa harap ko.

"Sonya?" Nakakunot noong tawag ko.

Namula ang mukha niya bago ngumiti saakin. "C-Cipher."

Tumayo ako at tipid siyang nginitian. Lumingon lingon ako para tignan ang mga kaibigan na madalas niyang kasama na napansin niya ata dahil mahina siyang tumawa.

"I'm here alone. I-Ikaw? May kasama ka ba?"

Umiling ako at dahil wala naman akong kasama sa table ay inoffer kong umupo siya na tinanggap niya naman.

"Thank you. Madalas ka ba rito?"

"Minsan lang."Tipid kong sagot. I look at her and she immediately looked away. Napangiti tuloy ako dahil pamilyar ang ekspresyon na 'to saakin.

Tumikhim siya at nagsalita nang nakayuko. "Sorry nga pala kung naistorbo kita. I suddenly saw you and thought that I should greet you..."

"Ayos lang. By the way, may sasabihin ka dapat nung nakaraan diba? You can tell me now."

Nahihiya itong tumingin saakin at mukhang kinabahan. Hmm?

"Well uhm..."

Inantay ko ang sasabihin niya.

"Uh before I say it, may kaibigan ka pala sa psychology students?"

Napakunot noo ko at nagtaka hindi dahil sa bigla niyang iniba ang usapan kundi dahil may "kaibigan" daw ako sa psychology department. I never had any friends in the university for the last two years so sino kaya ang kaibigan na sinasabi niya?

"I think you're mistaken. I don't have any friends."

Napahawi siya ng buho at kahit namumula ang mukha ay nagawang tumingin saakin.

CurseWhere stories live. Discover now