Chapter 19

4K 189 5
                                    

One side of me wanted to avoid her. It's telling me that this feeling isn't supposed to grow more and I need to stop it.

'Avoid and forget her.'

Pero nang tumingin muli sa natutulog na si Leora ay nawala ang pag iisip na iyon. How could I avoid her? Iniisip ko palang ay nananakit na ang puso ko.

Tumayo ako para hubarin ang sapatos niya. I want to change her clothes but I know she won't like it. Baka sampalin ako pagkagising. Worst situation, ibagsak ako nito sa subject niya. Kaya nilagyan ko nalang siya ng silk robe na nakita ko sa cabinet niya.

Tumingin pa ako ng isang beses sakanya bago lumabas ng kwarto. I look around. Her condo is big pero siya lang ang nakatira. I guess we have similarities afterall.

Isinuot ko ang tinanggal na sapatos at bubuksan sana ang pinto nang biglang may yumakap mula sa likuran ko. Nagsitaasan ang balahibo ko.

"Don't go." Ma'am Dawson uttered. Her voice is a little quiet.

"It's late, I need to go home. May pasok pa bukas."Kalmado kong sabi. I remove her arms around me and turned around to look at her. Her eyes red at parang maiiyak. Kinabahan ako.

"What's wrong?"I asked worriedly.

She sniffs. Tumulo ang luha sa mga mata at nagpapaawa ang tingin saakin.

"I know that y-you'll go to that girl in the bar or the girl that's been bothering you at school."

Kanina si Bea lang tapos ngayon nadamay pati si Sonya? Ang sakit sa ulo ng lasing na si Leora. A drunk Leora is very different from the usual cold one. Nakakapanibago.

Hindi ko tuloy alam kung anong mas gusto ko. Ang malamig at seryosong professor or ang Leora na nasa harapan ko ngayon?

"I will not go anywhere, Leora. Uuwi ako sa bahay at hindi sa kung sino." Paliwanag ko at lumapit para punasan ang luha niya. Akala ko titigil na siya sa pero hindi.

"You'll go back to the bar and party with that girl..."

"She's just a friend, Leora. Bea is only a friend."

Hindi ko alam pero napangisi ako sa itsura niya. Who would have thought na ganto malasing ang malamig kong professor? Umiiyak at parang batang tanong nang tanong. Damn!

"Then what about the girl in the university? She's always trying to talk to you. You were smiling and talking to her before class started..."hikbi niyang sabi.

Iniisip niya bang may relasyon kami ni Sonya dahil lang nakita niyang nag uusap kami bago ang klase niya? Is she jealous? But why would she get jealous? Napabuntong hininga ako sa naisip.

"She's just my blockmate, Leora." Masuyo kong sabi.

Tinatagan ko ang loob at inilagay ang kamay sa bewang niya. Hinila ko siya palapit at yakap gamit ang isang kamay habang ang isa ay pinupunasan ang luha niya.

I shivered at the contact. Her warm skin on my cold skin is making my stomach flutter. Sobrang lambot ng balat niya.

Bahala na bukas!

"Stop crying. I won't go anywhere, alright? I'll stay here with you."I said softly and she surprisingly stopped crying.

Pero mas nagulat ako nang gumanti siya ng yakap at mas mahigpit pa. Dahil mas matangkad ako ay malaya niyang mailalagay ang ulo sa leeg ko. Napailing nalang ako.

What the hell is happening? I didn't expect any of these at all!

"Then let's go to bed."Utos niya.

Magkahawak kamay kaming dumiretso sa kwarto niya. Her eyes are closed when she smiled at me. Pinigilan ko ang ngiti nang makita iyon.

CurseOnde histórias criam vida. Descubra agora