Chapter 34

3.7K 164 1
                                    

"Cipher." Ray called me as I stared at my father in a hospital bed. Madaming nakasaksak sakanya. I don't even know if he's dead or what.

"Aizel." He called me in a different name. Napalingon ako sakanya.

He's staring at me seriously habang hawak ang isang folder at usb.

"Someone caused the fire." He said.

Agad kong kinuha ang hawak niyang folder. I rummaged to see who did it and my heart was immediately filled with anger and regret.

"He and his grandson found out na ikaw ang dahilan kung bakit gumuho ang kompanya nila. Ang Dad mo ang umako nang minsa'y kinompronta siya ng mag lolo."

Napahawak ako sa sentido. So it's my fault. I remember it very well. Nang umalis ako sa puder ni Dad at namahala sa kompanya ni Mom ay inutusan kong tanggalin ang connection sakanila kaya gumuho ang kompanya nila.

Benjamin and his grandfather. Ilang taon na ang lumipas bakit ngayon lang nila nalaman? So this is their revenge.

Everything that happened now is my fault.

"Hindi mo kasalanan ang nangyari-"

"I know it's my fault, Ray!" I almost yelled. Huminga ako ng malalim. "Sorry."

Ngumiti ito saakin na parang sinasabing okay lang.

"Do you still want to watch the video inside this usb?"

Tumango ako. Tinapik ako nito sa braso bago umalis. I stared at my father. He was in my room when I saw him. I wonder kung anong ginagawa niya doon. Dahil ba inaakala niyang kung maliligtas niya ang ilang gamit ko ay babalik ako sa puder niya? Or nandoon siya dahil nami miss na niya ang nag iisang anak?

Mapakla akong ngumiti. That's impossible. He hates me. He despised my existence. And I grew to hate him too because he almost destroyed me.

My very own father.

Tumalikod ako at dumiretso sa kotse. Sinaksak ko ang usb sa laptop at pinindot ang isa sa mga file doon.

Kita ko sa screen ang pagdating ni Benjamin at ang lolo niya sa office ni Dad. May ibinato silang mga papel sa lamesa ni Dad.

"Your daughter was the reason our company fell."They accused.

Nakita kong tinignan ni Dad ang mga papeles na itinapon sa lamesa niya bago niya hinarap ng kalmado ang maglolo na mukhang galit na galit.

"It was me who did it. Not my daughter. How could she possibly do that? She doesn't live with me anymore. She has no power to do that."

Nakita kong kwinelyuhan siya agad ni Benjamin. Kalmado lang ang itsura ni Dad.

"Tangina mo! Ikaw ang may kagagawan?! Alam mo ba kung anong dinanas namin!?"

"You deserved it. Kung sana inako mo ang katotohanang binintang sayo ng anak ko hindi sana 'to mangyayari. You almost rape someone in that party! I was a fool to not believe my daughter!"My father shouted.

He's pertaining to the party we attended years ago. Yung party na ginanap mismo nung birthday ko. Ang party kung saan huli kong nakasama si Dad. The party that ended every connection we have.

Biglang sinuntok ni Benjamin si Dad. Dad's bodyguard emerged from the door. Kinaladkad si Benjamin at ang Lolo niya palabas ng opisina.

"Pagbabayaran mo ang ginawa mo saamin! Tangina mo!"Sigaw pa ni Benjamin habang papalayo.

Doon natapos ang video. Pinindot ko ang isa at doon ko nakita ang isang lalaki na nilalagyan ng gas ang likuran ng bahay. He started the fire and left in a hurry.

CurseWhere stories live. Discover now