Chapter 11

4K 191 10
                                    

I arrived at the classroom 20 minutes early. Siguro ay hindi niya ako papagalitan nito?

I sat in the same chair and browsed my book. Ilang minuto palang akong nagbabasa nang may marinig akong pumasok.

"Good afternoon, Miss."Bati ko sa professor naming malamig lang akong tinignan. Napakunot noo ako at hindi nalang pinansin ang pangi-snob niya.

Minutes later I heard something fell. I look in front and saw our professor trying to erase the board. Nag isip ako saglit bago tumayo.

"Let me help po."

Saglit niya lang akong tinignan at muling bumalik sa pangi erase. Uh? Tinignan ko ang gamit niya para maghanap pa ng isang eraser. Hindi ako nabigo dahil may nakita ako sa gilid. Kinuha ko ito at ginamit sa board.

"Just sit down, Mariano."malamig niyang sabi.

Hindi ko siya pinansin at inerase ang nasa itaas para hindi niya na abutin.

"Tsk."asik niya nang medyo napalapit ako sakanya. Gumilid ako at umatras ng kaunti.

"Now, you're ignoring me."

Narinig ko pang may binulong siya kaso hindi ko narinig kaya isinawalang bahala ko nalang.

Tumigil siya sa pangi erase at hinarap ang laptop. Sisilipin ko sana ang laptop niya pero nakatingin pala siya saakin kaya itinuon ko nalang ang atensyon sa board.

"Good afternoon po Miss Dawson."

"Good afternoon Miss!"

"Good afternoon po."

Rinig ko ang sunod sunod na bati kaya minadali ako ang pag ie erase at umupo nang matapos.

"Good afternoon everyone."She seriously greeted everyone. Ramdam ko ang takot ng iba kaya napangiwi ako. Terror professor pala siya? Well, ine expect ko na yun.

Gaya ng nangyari kahapon ay nagturo siya ang kaibahan lang ay nagtatawag siya ngayon gamit ang nabubunot niyang index na ipinasa namin kahapon.

"Gomez."

Tumayo ang tinawag niya. Kita ko pa nga ang takot at paglunok ng estudyante na ikinangiwi ko.

"M-Miss I-"

"Aquino."

"T-Taxation is u-uh."

I voluntarily raised my hand. Nakaka awa ang itsura ng mga ka block mates ko. Halos lahat sila ay nakatayo dahil walang may alam ng sagot.

Tinaasan lang ako ng kilay ni Miss Dawson at hindi pinansin kaya tulala akong tumingin sakanya. What the fuck?

Ibinaba ko ang kamay ko at naghintay. Ako nalang ang hindi pa niya tinatawag at lahat ng kaklase ko ay nakatayo na.

Napabuntong hininga ito at tumingin saakin. "Mariano."

"The Tax Code states that..."Kunot noo akong nag explain dahil sa tingin niya. Bakit parang ayaw niya akong sumagot? Mukha siyang napipilitan.

Umupo ako nang matapos. She continued discussing then she gave us quiz afterwards. Habang nagsusulat ay ramdam ko ang presensya niya sa gilid ko. Umiling ako at nagpatuloy sa pagsusulat. I am the first one to finish kaya naghintay muna ako.

The bell rang so I stood up carrying my bag. Nasa pintuan ako nang magsalita siya.

"Mariano, stay. The rest of you can leave."

Dahan dahan akong lumapit sakanya. Nalilito dahil hindi naman ako late ngayon? "Did I do something wrong po, Miss Dawson?"

Tinignan niya ako. "Carry my things."

CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon