Chapter One

587 7 0
                                    

UNEDITED VERSION!
---

Kasalukuyang nasa sasakyan si Shamia patungo sa opisina nang tumawag ang kaibigang si Krystaleen.

"Hello?"

"Ano Sham? Napuntahan mo na ba yung agency na ini-suggest ko sa'yo?"

"Not yet, maybe later."

"Why? Puntahan mo na agad Shamia. Sasamahan kita if you want?"

Humugot muna siya ng malalim na buntong-hininga saka muling sinagot ang makulit na kaibigan.

"Mamaya na. I have many things to do in the office and I have pending meetings to attend to." Saka mabilis na pinatayan ng telepono ang babae.

Ang agency na sinasabi nito ay ang kukuhanan niya nang bodyguard na kailangan niya na magbabantay sa kaniya sa araw-araw na lumalabas siya ng bahay.

Dahil kapag nasa bahay siya ay sigurado naman ang safety at hindi kailangan nang dalaga nang bodyguard because her house is heavily guarded. It has CCTVs and security guards roaming around.

"Ma'am, nandito na po tayo."

Agad siyang bumaba ng sasakyan saka nagdiretso sa elevator na siya lamang ang gumagamit. Shamia asks to build the elevator exclusively for her.

Nang makarating ang dalaga sa opisina agad siyang sinalubong nang sekrataryang si Pia Alvaro.

"Good morning Mam. Your 8:00 o'clock meeting is ready"

Tinanguan niya ang secretary saka nagtuloy sa conference room. Hindi na siya nag-abala pang silipin ang kaniyang opisina dahil maaring ma-late na siya sa meeting kung dadaan pa roon.

Medyo nalate kasi siya ng gising kaninang umaga dahil sa paghahanap nang security agency. At huli na nang sabihin sa kaniya ng kaibigan na mayroon itong edible agency na alam at pasok sa kagustuhan niya.

Agad na nagsimula ang nasabing meeting nang makapasok siya.

Nagreport ang isang team para sa progreso nang ilalabas na magazine tatlong buwan mula ngayon. At nagreport din ang CFO sa budgeting.

Nakinig lamang si Shamia buong duration ng meeting. Paminsan-minsa'y nagko-komento sa mga sinasabi nang board.

"That's all." The last reporter said.

Sinulyapan ni Shamia ang kaniyang wrist watch at nang makitang magtatanghali na ay agad siyang tumayo at lumabas ng conference room.

"Buy me foods for lunch." Wika niya sa kasunod na sekretarya na agad naman nitong tinugon at saka nagmamadaling umalis.

Habang naghihintay ang dalaga ng pananghalian ay nagbabasa at pumipirma siya ng mga papeles upang medyo mabawasan ang gawain niya sa sandaling magtungo na siya sa agency.

Hindi naman nagtagal ay dumating din ang pinabibili niya.

"Did you eat, Ms. Alvaro?" Baling niya sa babae habang kumakain na siya sa dining table na nasa loob lang din ng opisina.

"Yes Ma'am."

She nodded and continue eating, ito nama'y lumabas na ng opisina. Ngunit hindi pa man lang siya nangangalahati sa pagkain may tumatawag na naman sa cellphone niya. Tiningnan niya kung sino ang tumatawag at nais niya sanang huwag na lamang iyong sagutin ngunit kukulitin lamang siya nito ng husto.

"What?" Sikmat niya sa nasa kabilang linya.

"Ano? Bakit hindi ka pa daw pumupunta doon? Baka maubusan ka nang gwapo." Ani nang nasa kabilang linya na humagikhik pa na animo kinikiliti.

My Beloved Bodyguard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon