Chapter Three

202 4 0
                                    

UNEDITED VERSION!
---

TAPOS na siyang mag-ayos nang sarili ng may kumatok sa pinto ng kaniyang silid. Siguro ay si Pia iyon. Ito kasi ang palaging gumigising sa kaniya, maging sa mansion ay ang babae ang gumigising sa dalaga, nakasanayan na rin ito ni Pia.

Maaga itong pumupunta sa mansion para lamang siya’y gisingin. Masiyadong dedicated sa trabaho si Pia, siguro dahil dalaga pa naman ito. Hindi nga rin niya alam kung mayroon ba itong kasintahan.

“Come in.” aniya. Hindi na siya nag-abala pang tumayo para pagbuksan ito ng pinto.

“Good morning.” Natigilan si Shamia dahil sa boses na narinig. “Ipinatatawag ka na po sa hapag kainan Ms. Sandler.”

Nalingunan niya si Kaiser na nakasandal sa hamba ng pinto ng kwarto. Basa pa ang buhok nito, marahil ay katatapos lamang nitong maligo. Nakasuot ang binata ng puting t-shirt at maong pants.

“G-good m-morning. Ahm—sige susunod na ako.” Nauutal na wika niya saka mabilis itong tinalikuran.

Hindi niya matagalan ang titig nang binata. Animo binabasa ni Kaiser ang nararamdaman at iniisip niya. Baka mahalata nito ang kabang nadarama niya dahil sa klase ng tingin nito. Animo tumatagos sa kailaliman ng pagkatao niya.

“I’ll wait for you, then.”

Lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya dahil sa sinabi ng binata. Bakit ba hindi na lang ito mauna sa baba? Hindi na niya tuloy mailagay ng maayos ang mga gamit sa bag.

Nanginginig na ipinagpatuloy ni Shamia ang pagliligpit kahit na hindi maayos. Hindi niya alam kung paano siya muling haharap sa binata lalo na at pumasok sa isip niya ang nangyari sa hapag kainan kagabi.

“Tapos ka na, Ms. Shamia?” Muling tanong nang kaniyang bodyguard.
Nilingon niya ito at halos mabuwal siya dahil nasa likuran na pala niya ang binata.

“Okay. L-let’s go.” Mabilis siyang lumayo kay Kaiser saka nagmamadaling nagtungo sa pinto ng silid. Baka kasi marinig nito ang mabilis na tibok ng puso niya.

Natatakot si Shamia sa nararamdaman. Hindi niya mapangalanan kung ano ba talaga ito.

Mabilis siyang nagtungo sa dining area. Nadatnan niya na kompleto na ang pamilya doon.

“Good morning, guys.” Bati nang dalaga sa mga ito. Lumapit siya sa mommy at daddy niya saka nagmano at humalik. Ganoon din ang ginawa niya sa kuya at sa asawa nito.

“Good morning din sa’yo Mia.” Sagot ni Mr. Sandler.

Naupo si Shamia sa tabi nang ina. Mabilis naman siyang ipinaghila ng silya ni Kaiser saka ito nagpaalam at lumabas na ng hapag kainan.

“Ikaw Shamia, huh! Hinintay mo pa talagang si Kaiser ang sumundo sa iyo sa kwarto mo ah.” Tudyo naman ni Misis Sandler na sinakyan nang kaniyang kuya.

“Ang tagal niyo din ah!”

Inirapan niya ang kapatid saka sumandok ng kanin at ulam. “Teka nga pala–asan si Pia?” Tanong ni Shamia ng hindi mapansin ang secretary.

“Nauna ng umalis. May aasikasuhin pa daw na papeles sa opisina na kailangan mong mabasa at mapirmahan. Ire-review daw muna nya!” Ang mommy niya ang sumagot.

Hindi na sumagot pa ang dalaga at nagpatuloy na lamang sa pagkain. Nagku-kwentuhan ang mga ito pero hindi na siya nakisabat pa baka ma-hot seat na naman siya ng pamilya.

Nang matapos siyang kumain, hinintay niya lamang na matapos din ang mga ito saka nagpaalam na aalis na.

“Say Hi to Kaiser for me!” Saad nang mommy niya na itinataas-taas pa ang mga kilay. Hindi na ata nila nakausap pa ang lalaki kanina dahil nag stay na ito sa labas kasama ang iba pang tauhan. Marahil ay umiiwas na din na matukso ng pamilya niya.

My Beloved Bodyguard (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora