Chapter Fourteen

131 2 0
                                    

UNEDITED VERSION!
---

IT’S already four days since Shamia and Kaiser went to vacation. And she noticed something on Kaiser’s action.

On there first day, ihinatid nila ang mga kapatid nang lalaki sa eskwelahan at saka sila namasyal pagkatapos. Pero ng mga sumunod na araw umaalis ang lalaki ng maaga at gabi na umuuwi. Ang sabi naman nang magulang nang lalaki ay may inaasikaso itong importante. Maging ang dalawa nitong kapatid ay ganoon din ang sinasabi sa dalaga.

Tinatanong niya ito kung anong importante ang inaasikaso nito para sana malaman niya if she can help pero hindi naman nito sinasabi. Kaya siya, kung hindi sa bahay lamang ay namamasyal na mag-isa sa hacienda ang dalaga at minsan ay sa palayan o di kaya ay ihahatid niyang muli ang mag-kapatid para naman may mapag-libangan siya dahil ang magaling niyang kasintahan iniiwanan siya to do something she don’t know.

Kung minsan naiirita na siya pero pilit pa rin niya itong iniintindi dahil mahal niya ang lalaki at iintindihin niya ito sa abot ng kaniyang makakaya.

Isa ang gabing ito sa mga araw at gabi na gabing-gabi na umuuwi ang lalaki.

Muli ay pumasok ito sa silid na inu-okupa niya kung saan kasama niya ang kapatid nitong babae. Lumapit ito sa kaniya at dahan-dahang hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa kaniyang mukha. At tulad ng mga nagdaang gabi, hinalikan siya nito sa noo, sa tuktok ng kaniyang ilong at nagtagal ang halik nito sa kaniyang labi.

“I love you.” He murmured then went out of the room.

Ang buong akala nito ay hindi niya alam ang palihim nitong pagpasok sa silid. Nagpapanggap siyang tulog na sa tuwing ginagawa ni Kaiser iyon at paglabas nito saka lamang niya iminulat ang mga mata at iisipin kung saan ba talaga ito nanggagaling.

But this night Shamia decided to confront her boyfriend. Dahan-dahan siyang bumangon sa kama, ngunit hindi pa man siya tuluyang nakakalabas ng silid ay nakarinig na siya ng mga boses na nag-uusap. It’s Kaiser and his parents on the sala.

Nagpasya ang dalaga na hintayin na lamang na matapos ang pag-uusap ng mga ito ngunit hindi na niya napigilan ang makinig lalo na ng marinig nang dalaga ang pangalan niya.

“Kailan mo pa asabihin kay Shamia ‘to?”

“Hindi ko po alam ‘Nay, hindi ako makahanap ng tiyempo na magsabi sa kaniya.”

Paano ka makapagsasabi kung palagi ka namang wala?

“Ay naku mahirap na usapin yang inagawa mo Kaiser. Maigi pa ay sabihin mo na yan hangga’t hindi pa naparito ang mag-i---”

Naparito?

“Tay, I know what I’m doing. Sadyang hindi pa lang ako makahanap ng oras. Asabihin ko naman ay kaya laang ay natatakot rin ako.”

“Mas mabuti anak ay sabihin mo na bukas yan! Hindi mare-resolba ng takot yang problema mo. Baka malaman pa ni Shamia sa iba ay naku mas nakakatakot yan.”

Hindi na narinig pa ni Shamia na sumagot si Kaiser hanggang sa mag-paalam ang magulang niya na matutulog na. Hindi na rin siya naglakas-loob pa na kausapin ang binata. Ang nasa isip niya ng mga oras na iyon ay ano ang sinasabi nang mga itong problema?

Nagbalik sa kama ang dalaga saka pinilit ang sariling matulog kahit na umu-ukilkil sa utak niya ang mga narinig. Ngunit magmamadaling-araw na siya dinalaw ng antok.


NAGISING si Shamia kinabukasan na mabigat ang pakiramdam. Parang may mabigat na nakadagan sa kaniyang katawan. Naisip niyang baka ang katabi niyang matulog na si Kharis iyon, ngunit nitong mga nakaraan naman ay hindi ganoon at hindi naman yumayakap sa kaniya ang babae.

Pinilit niyang imulat ang mga mata para makita kung sino ang salarin and it’s no other than Kaiser Pineda, himself. Anong ginagawa nang binata roon? Napatingin tuloy siya sa orasan na nasa tapat ng pinto ng silid. 11:30? Panibago naman yata na hindi umalis ang lalaki at nagawa pa siya nitong tabihan sa kama.

Akmang babangon na siya ng humigpit ang yakap nang lalaki sa kaniyang bewang.

“Good morning, baby...”

Hmm. “Good morning. Wala kang lakad ngayon?”

“Wala. I want to stay here with you.”

“Hindi mo ako ginising nakakahiya naman kina Nanay at Tatay! At saka hindi ko naihatid sa school iyong dalawa.” Wika ni Shamia habang sinusubukang makawala sa mahigpit na yakap nang lalaki kahit na ang totoo ay miss na miss na niya ang mga yakap at haplos nito sa kaniya.

“Ihinatid ko sila tapos bumalik ako agad para makatabi ka sa pagtulog.” Ani Kaiser na wala talaga atang balak na pakawalan siya. “I miss you!”

“I miss you too, Babe!” sagot niya na hindi na pumalag at yumakap na rin sa kasintahan.

“I have something to tell you, sana ma----”

Naputol ang sasabihin nito sana ng mag-ring ang cellphone nang dalaga na nakapatong sa mesita sa tabi ng kama.

“Wait baby! Baka importante, sasagutin ko lang!”

Nagmamadali siyang bumaba sa kama at kinuha ang telepono saka sinagot iyon ng makitang ang sekretary niya ang tumatawag.

“Yes?”

“Ma’am? Hindi pa kayo uuwi? Tambak na trabaho niyo.”

“Sapak you want?” Tatawag lang para ipaalala ang trabahong sandali niyang tinakasan.

“Joke lang Ma’am. Just want to inform you po na malapit na ang publishing ng mga bagong magazine nad it needs your full attention and may mga kailangan ka pong pirmahan para sa production.”

Napabuntong-hininga ang dalaga. Oo nga pala! Muntik na niyang makalimutan iyon. “Okay! Next week na ang uwi namin so maaasikaso ko na iyan. Though, nandiyan ka naman.”

“Opo. Pero kailangan po ng sign niyo e!”

“Okay, okay.”

“Sige Ma’am. Bye. Enjoy!”

Hindi na siya nakapag-paalam sa kausap dahil hinila na naman siya nang lalaki patungo sa kama at ngayon naman ay naka-kandong siya dito.

“Ano daw?”

“Malapit na publishing.”

Bumuntong-hininga si Kaiser saka siya hinalikan sa leeg. Umiwas siya agad dahil sa naramdamang kiliti pero sadyang makulit ang lalaki at humahabol. “We’re alone here, babe. Walang iba!”

Nakakapang-hibo ang tinig nito. Nakaka-akit. “And...?”

“Hmm... baka naman?”

“Baliw! Bawal pa.”

Parang bata naman itong nagmamaktol at humiga sa kama saka nagpagulong-gulong. At dahil kandong siya nang lalaki, napasama siya. Muntikan pa silang mahulog sa kawayang sahig.

“But why?”

Natawa ang dalaga sa hitsura nang kasintahan. Parang batang hindi napagbigyan sa gusto. “Red days.”

“Last day mo na di ba?”

Tumango ang dalaga. “Hmm.”

“Tomorrow, then.”

It’s not even a question. Talagang sigurado ang mokong na papayag siya? Hmm well, why not naman di ba?

Nanatiling nakahiga ang mag-kasintahan hanggang sa mag-tanghali at napag-pasiyahan na nilang magluto na ng panghalian.

My Beloved Bodyguard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon