Chapter Two

261 4 0
                                    

UNEDITED VERSION!
---

Name: Kaiser del Mar Pineda
Age: 30
Gender: Male
Parents: Karlito Pineda / Belinda del Mar

----

DEL MAR? Kaanu-ano ito ni Ysabella? Naitanong ni Shamia sa sarili ng mabasa ang kabuuan nang information pero ang middle initial lamang nito ang nakakuha nang atensyon niya. At ang isa pa ay isa pala itong retired army commander. Pero bakit ito umalis sa serbisyo at nanatili na lamang sa pagiging bodyguard?

Agad niyang isinarado ang files nito nang may kumatok sa pinto ng kaniyang opisina at pumasok doon ang kaniyang secretary.

“Ma’am, andito po ang mga kaibigan niyo.”

Napabuntong-hininga siya. “Papasukin mo,”

Madali naman itong tumalima.

“Ano na naman ang kailangan niyo? As you can see busy po ako.” Nanggigigil na angil niya sa mga ito na hindi naman siya pinansin instead they sit on the chair in front of her table.

“Taray mo ah! May ginagawa din naman kami uh, kaya lang hindi talaga pwede ipagpaliban ang girls bonding.” Wika ni Ysabella na nilalaro-laro ang sariling buhok habang umiikot ang mata sa kabuuan ng opisina.

“By the way, where is your bodyguard Shamia? I’m so excited to meet him na.” Conyo naman na ani Lourine. At sinegundahan naman ng pangungulit ni Krystaleen na siyang pinaka makulit sa kanilang magkakaibigan.

“He’s outside.” Simpleng ani Shamia at itinabi sa gilid ang files ng bodyguard. Saka kumuha doon nang papeles na kailangan ng pirma niya.

“Ang hot talaga niya kahit sa picture lang ‘no?”

“Oo nga. And Oh my god! Military graduate siya? And oh, he’s a former battalion commander?”

“Teka nga, kaanu-ano niyo siya Bella? Del Mar ang middle initial niya eh.”

Nabaling ang atensiyon nang dalaga mula sa binabasang papeles sa mga kaibigan na pinagkakaguluhan na pala ang files ni Kaiser. At nakuha nang mga ito ang atensiyon niya dahil sa tanong nang ususerang si Krysta. Kaya’t kahit di niya sabihin ay naging interesado din siya sa maari nitong i-sagot.

“I don’t know, maybe just pure coincidence.”

Medyo na-disappoint siya sa sagot ni Bella pero hindi niya ipinahalata.

“Baka anak siya nang Tita mo na hindi mo nakilala?”

Nangunot ang noo ni Shamia dahil sa sinabi ni Lourine. Anong ibig nitong sabihin?

“I’m not sure. Kasi di ba nga hindi ko na naabutan yung kapatid ni daddy na yun?”

“What happen to your Tita?” Hindi na napigilan na sabat nang dalaga.

“Oh! On your 25th year of existence ngayon ka lang sumabat sa usapan namin.” Nakakunot noo na usisa ni Lourine. “Uy, your interested to your bodyguard ‘no?” Tukso pa nito.

“Of course not! Na-curious lang ako sa Tita mo, Bella.” Tanggi nang dalaga.

“Eh maaga daw nag-asawa si Tita kaya hindi nakapagtapos ng pag-aaral, tapos kaya daw nagalit ng husto sina Lolo at Lola e hindi na nga daw nakatapos tapos yung lalaking kinuha pa e  mahirap– I’m not discriminating mahihirap ha, sinasabi ko lang iyong ikinwento nila lolo at lola sa amin...” Sandali itong tumahimik saka nagpatuloy.

My Beloved Bodyguard (COMPLETED)Where stories live. Discover now