Chapter Ten

129 2 0
                                    

UNEDITED VERSION!
---

“MISS Alvaro can you call my bodyguard? Papasukin mo siya dito sa opisina ko.” Wika ni Shamia kay Pia gamit ang intercom.

“On it Ma’am.”

Hindi naman nagtagal at pumasok ang binata. “Yes Sweetheart? Miss me?”

“I need to talk to you about something.”

Lumapit ang binata sa kaniya at hinalikan siya sa tuktok nang kaniyang ulo. And she find that gesture sweet.

“About what? Hmm?”

“Naisip ko kasi na ---” Hindi niya maituloy ang sasabihin dahil may binabasa pa siyang mga papeles at pinipirmahan.

“Na?” nahimigan niya ang bahagyang pagka-irita sa boses ni Kaiser. “If you’re busy, talk to me later I’m just outside.”

“Ah no!” Pigil niya sa boyfriend niyang mainit ata ang ulo ngayon.
“We can talk now, Babe.”

Tumayo ang dalaga saka nagpatiuna nang maglakad patungo sa sofa na nasa loob din ng opisina.

Umupo siya sa single sofa pero hinila siya nang binata patungo sa mahabang sofa at pinaupo sa tabi nito saka siya niyakap. “Tungkol ba saan ang pag-uusapan natin, Sham?”

“Teka nga! Bakit parang mainit ang ulo mo? Kanina pang umalis tayo sa bahay yan, ah!” Hindi ko na naiwasan pang punahin ang pagka-irita niya.

“Panung hindi ako maiirita? Pinagsarhan mo ako ng pinto nang silid mo kagabi? Tapos dumaan ako sa veranda naka-lock din ang pinto? Fuck!” Anito pero kahit naiirita na ay hindi pa rin siya pinapakawalan sa yakap nito bagkus ay mas lalo pa iyong humigpit.

Natawa si Shamia. “Yun lang galit ka na diyan?”

“Hindi ako galit! Naiirita lang ako. You promise me that we’re going to sleep together but you lock your doors.”

“Hindi ko alam na nai-lock ko pala. And for the veranda door, palagi ko namang inila-lock iyon kada aalis ako, nakalimutan ko lang buksan pagdating ko.”

“Ugh, excuses!”

Tinawanan lamang niya ang lalaki saka gumanti nang mahigpit na yakap.

“Ano na nga yung sasabihin mo?”

“Ah naalala ko kasi yung napag-usapan kahapon sa hacienda. And I want to do something about it.”

Naalala niya kasi ang sinabi nang kaniyang ina na hindi magandang tingnan na until now bodyguard niya ang lalaki and at the same time boyfriend. Kinausap siya nang Mom and Dad niya nang sarilinan tungkol doon.

Pero kasi, hindi siya kumportable para sa binata especially when she needs to attend on some meetings and social gatherings. Kapag ipinapakilala niyang boyfriend niya ito ay hindi maiiwasan ang mga tinging mapanghusga na nakukuha ni Kaiser.

Dahil nga he looks like a bodyguard because he’s wearing a uniform and all, kahit na ayaw niyang pagsuutin ang binata nang ganoon ay kailangan raw because it was their protocol.

Kaya naisipan niyang tanggalin na lang ito pero baka naman bigyan ito nang ibang employer. Baka hindi rin pumayag ang binata if she will ask him to quit on his agency. But she want to try, she need to try.

“What about it?”

“K-kase ---” nag-aalinlangan siya kung sasabihin niya ba or what? “A-ah!”

“Ano nga?”

“Ah, kasi kahapon nag-usap kami kahapon nila mommy and it’s about our relationship.” Hindi ito nagkomento pero ramdam nang dalaga ang pag-luwag nang yakap nito sa kaniya. “It’s not what you think, babe!” agad na apela ni Shamia. “Sabi kasi ni Mommy – a-ah hindi daw magandang tingnan na bodyguard kita and boyfriend din.”

“So what do you want?” tuluyan na itong bumitiw sa kaniya at dumistansya.

“I-i’m firing you as my bodyguard ---”

“—the fuck!!—”

“And hiring you as my boyfriend.”

Tingnan siya nito nang may nanlalaki mga mata at nang maintindihan ang sinabi nang dalaga agad siya nitong dinamba ng mahigpit na yakap.

“Shit! Damn it! Pinakaba mo ako dun, ah.”

Tinawanan niya ang lalaki dahil sa naging reaksyon nito. Kaya agad din itong bumitaw at lumayo sa kaniya, kaya lalo siyang natawa sa inasta nito.

“Wag mo’kong tawanan. Hindi nakakatuwa yung ginawa mo, ah!” singhal nito.

“Kaya lang di ba may agency ka? Baka bigyan ka naman nila nang ibang employer, babe!”

“Don’t worry I file a resignation tomorrow if that’s what’s worrying you.”

“Paano naman ang family mo?” pag-aalala ni Shamia sa pamilya nito dahil ayon sa kaniyang nalaman, ang lalaki ang nagtutustos sa pamilya. At nagpapa-aral sa dalawa pa nitong bunsong kapatid.

“Okay lang. I’ll try to find a job na hindi hassle para lagi pa rin tayong magkikita.”

“I have an offer Kai’babe.”

“What is it?” muli itong lumapit at umakbay naman sa dalaga.

“May bakante kasing posisyon dito sa company, and if you want I’ll hire you for that position.” Turan ni Shamia kahit na ang totoo ay wala naman. Kapag pumayag ang binata saka siya hahanap ng paraan.

“I have no experience, babe!”

“E, pwede naman mag-training di ba?”

Tila napipilitan naman itong sumang-ayon. “Okay.”

NAPAG-DESISYUNAN nila ni Kaiser na umuwi matapos nitong mag-file ng resignation letter sa agency nito. At pagbalik nila saka ito magsisimula nang training sa Shamia’s Magazine.
Nais niyang siya mismo ang maga-assist at magtuturo sa lalaki.

At sa kasalukuyang nga’y nasa kwarto ang magkasintahan, nag-iimpake nang mga gamit na dadalhin nang dalaga sa pag-uwi nang probinsiya kasama ni Kaiser. At sabi nito mayroon din itong importanteng sasabihin pagdating nila sa probinsiya. And it kinda bothers me a bit.

Sabi ni Shamia sa binata gamitin na lamang nila sa pag-biyahe ang helicopter nang kompaniya but he declined, masyado raw agaw-pansin.

Kaya magta-travel na lang ang magkasintahan by land at ito ang nagboluntaryong magda-drive. Ang dadalhin nilang sasakyan ay ang Lexus mini-van para kumportable sa biyahe.

“Ingat kayo Shamia, Kaiser mag-ingat sa pagmamaneho!” bilin ni Manang Leny. Kanina pa nagbibilin ang matanda habang papalabas sila ng mansion at papasakay na lamang sila sa van ay panay pa rin ang bilin nito.

Mag-ingat sa pagmamaneho, tumigil sandali para magpahinga kung nakakaramdam ng pagod, huwag magpapalipas ng gutom sa biyahe, and many more. Sabi ni Kaiser makaka-pagpahinga naman raw ito sa pag-mamaneho dahil sasakay pa raw nang barko para makarating sa probinsiya nang binata pagkatapos, saka ulit magmamaneho nang mga two hours.

Tumawag lamang ang dalaga kanina sa magulang para magpaalam.

At walang awat na bilin din ang inaabot niya sa mga ito. Magpakabait raw doon at huwag pairalin ang pagka-masungit dahil hindi empleyado ang haharapin.

Tinawanan pa nga siya ni Kaiser because of that. At nagbilin din ang magulang to buy pasalubong for Kaiser’s family.

Pero hindi na sinabi pa ni Shamia na nakabili na sila kahapon kaya nga van ang dala sa biyahe para hindi hassle.

And here we are, ready to go!

August

My Beloved Bodyguard (COMPLETED)Where stories live. Discover now