Chapter Twelve

141 2 0
                                    

UNEDITED VERSION!
---

“NAY... Tay si Shamia Sandler po girlfriend ko! Babe, si Nanay Belinda at Tatay Karlito.”

“Hello po sa inyo! Ma’am, Sir!”

“Jusmiyong bata ari ee! Tatay at Nanay na lamang daw naman ang tawagan sa amin ening ay!” litanya ni Tatay Karlito na hindi mapigilang mapakamot sa ulo. Natatawa naman si Nanay Belinda dahil sa reaksyon ng asawa.

“Ah opo... Nanay hmm—Tatay!”

Lalong natawa si Kaiser at ang mga kapatid. “Babe? Don’t be nervous hindi sila nangangain.”

“Ngani naman ening! Ay anung trabaho ngani nang magulang mo ay? Hindi ko na naitanong nung tumawag kayo.” Tanong ni Tatay Karlito.

“Sa Hotel and Restaurant po sila. And my kuya is the one handling our Construction Firm po.” Napahawak sa puso si Tatay Karlito dahil sa sinabi ni Shamia, si Nanay Belinda naman ay kaswal lamang na nakikinig na animo sanay ito sa mga ganoong usapan.

Tahimik lamang din ito at nakikinig lamang, Tatay Karlito is the one who did the interview.

“Ay hindi baga alangan si Utoy namin sa iyo? Ano ang sabi nang pamilya mo sa binata namin?” tila alangan na ani Tay Karlito.

“Okay lang naman po sa kanila. And hindi naman po matapobre ang pamilya ko ‘tay! Hindi po nila pinangungunahan ang mga desisyon ko sa buhay.”

Tiningnan nang dalaga si Kaiser na nasa kaniyang tabi saka ito nginitian. Umakbay naman ang binata sa kaniya at bahagyang hinalikan ang tuktok ng kaniyang ulo. Namumungay ang mata nito na bahagyang humilig sa dalaga.

“Are you tired?” bulong ni Shamia sa kasintahan.

“Nah! It’s okay. Tuloy lang kayo sa kwentuhan niyo.” Anito saka ngumiti kaya bumaling na muli siya sa mag-asawa sa kanilang harapan na mataman silang pinagmamasdan.

“Ano naman ang inapagkaabalahan mo sa buhay, hija?” sa wakas ay ang nanay naman nila Kaiser ang nagtanong.

Sasagot na sana ang dalaga nang biglang sumulpot si Kharis mula sa kusina at siyang sumagot sa tanong nang sariling ina. “Naku Nanay! Baka mabigla ka sa trabaho ni Ate Shamia ay... may-ari nang Shamia’s Magazine ‘yan ‘Nay, na maraming branches all over the Asia. At saka model din yan!”

“Paano mo nalaman iyan, Kharis?” naka-kunot na ang noo ni Kaiser nang bumaling sa kapatid na may pagmamayabang sa boses.

“Sorry, ate Sham.” Anito saka tumawa. “Nag-research ako tungkol sa iyo ay!” saad nito na nag-peace sign pa.

“Totoo ba hija? Naku! Talagang bigatin ang girlfriend nang anak ko, ah!” puri ni Nay Belinda.

“Hindi naman po.”

“Sus! Pa-humble ‘Nay itong girlfriend ko.” Sabat ni Kaiser na malaki ang ngisi kaya hindi niya napigilang kurutin sa balikat. Umarte naman itong nasasaktan.

Hindi maiwasang isipin ni Shamia na may ganito palang side si Kaiser kapag kasama ang pamilya. She have never imagine na iba pala ang Kaiser na kasama niya noon sa trabaho, at ang Kaiser na kasama ang pamilya nito. Masyado itong seryoso pagdating sa trabaho nito kaya hindi niya maiisip na may pagka-pilyo at maloko pala ang binata.

“Hindi naman po nasusukat ang pagmamahal sa estado ng buhay! Hindi naman po kasi natuturuan ang puso na magmahal lamang nang kapantay sa estado nang buhay.” Mataman niyang saad sa mga kaharap.

Nakita ni Shamia ang panandaliang pagkatigagal ni Nanay Belinda at Tatay Karlito. She doesn’t know if what was that for. Narinig rin niya ang tila kinikilig na hagikhik ni Kharis na nakasilip na rin sa pinto nang kusina kasama si Kobe.

My Beloved Bodyguard (COMPLETED)Where stories live. Discover now