Chapter Nineteen

155 2 0
                                    

TODAY is Saturday so it means its friends bonding day.

Naglalaan ang magkakaibigan ng oras upang magkasama-sama. Maliban na lamang kung may mga emergency sa trabaho o di kaya ay nasa ibang bansa for business matters.

Maaga siyang nagising dahil napag-usapan nila na ang venue sa today’s bonding ay sa beach resort nang kaibigang si Ysabell sa Batangas.

Naka-reserve na raw ang buong resort para sa kanilang magkakaibigan.

Ganoon talaga ang ginagawa nila kapag gusto nang buong barkada ng out of town trip. Noong nakaraan ay sa Hacienda Sandler nila napiling mag-bakasyon.

Mayroon pang isang rest house doon na ginagamit lamang kapag bumibisita ang mga kamag-anak nang mga Sandler. Doon nais nang mga ito na maglagi kapag umuuwi ng bansa.

Maagang umalis ang dalaga para sa mahaba-habang biyahe. Hindi na rin niya isinama ang mga bodyguards.

Nagpaalam naman siya sa magulang and thankfully pumayag ang mag ito ng walang pagdadalawang isip. Weird!

Malayo-layo rin ang biyahe kaya nag-stop over muna ang dalaga sa isang restaurant na nadaanan upang kumain. Tinawagan niya na rin sina Ysa at sinabing nasa biyahe na siya. Ganoon din naman ang sagot nang mag ito.

Muli siyang nagmaneho at bumiyahe patungong Batangas kung saan ang lokasyon ng resort.

Malapit na siya sa resort ng mapansin niya ang isang sasakyan na nakasunod sa kaniya. Kanina  pa niya napapansin na nakabuntot lamang sa hulihan ng sasakyan niya ito.

Binibigyan niya ito ng space at pinababagal rin ang pagmamaneho para maka-over take pero nanatili itong nasa hulihan lamang nang kaniyang sasakyan.

Maging sa pagliko nang dalaga sa daan na patungo sa resort ay nakasunod ito. Maari kayang isa sa mga bakasyunista sa resort nila Ysa?

Pero naka-reserve iyon. Sino naman kaya ang isang ito? Pero ang ipinagtataka niya hindi man lang siya nakararamdam ng takot at kaba na maaring masamang loob ang nakasunod sa kaniya.

Pero in fairness sa masamang loob na ito ang ganda ng sasakyan. Black Sedan.

Papasok na ang sasakyan nang dalaga sa beach resort ng matigilan at muling sinulyapan ang sasakyan na nasa hulihan pa rin na akmang papasok rin.

Black Sedan? She looked at the plate number and viola she’s right. Isa ito sa sasakyan ni Ysa. Posible bang si Ysa ito? Pero ang sabi nang dalaga ay nauna na ito.

Posible kayang...? Nagoyo siya? Hindi naman siguro.

Ipinark niya ang sasakyan sa entrance ng villa saka bumaba at kinuha ang mga gamit niya. Tinulungan naman siya ng isang staff ng hotel at ang isa ay kinuha ang susi ng sasakyan para i-park sa parking lot ang sasakyan.

Hindi niya na nalingon pa kung sino nga ba ang sakay ng Black Sedan ni Ysa dahil agad na naglakad papasok ang staff na may dala ng kaniyang mga gamit. Ihinatid siya nang staff sa isang silid.

Agad niyang hinagilap ang phone ng makapasok. Una niyang tinawagan si Lourine.

[“Yes? Nandiyan ka na?”] Nangunot ang noo niya sa bungad nang babae.

“Oo. Nasaan ka na? Akala ko ba nasa biyahe ka na ng tawagan kita kanina?”

[“Oo nga. E kaya lang nasiraan ako ng sasakyan. Kaya tumawag pa ako ng maaring mag-ayos, hindi naman ako marunong nito. Wait ka lang diyan!”]

Tinapos ni Shamia ang tawag at si Krysta naman ang isinunod.
[“Yes darling? Something came up, kaya hindi ako makakasama sa outing. Enjoy!”]

My Beloved Bodyguard (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن