Chapter Eight

132 5 0
                                    

UNEDITED VERSION!
---

MUNTIK nang mahulog sa silya at mabilaukan sa kinakain si Shamia dahil sa ginawa ng lalaki. Malakas ang topak!

Mabilis niyang inabot ang tubig at uminom. Ano bang pumasok sa isip nito at may pakindat-kindat pang nalalaman? Masiyado na yata itong at ease sa pakikitungo sa dalaga?

Mabilis na tinapos ni Shamia ang pagkain at nagpaalam na babalik sa kaniyang silid para ituloy na ang pagpapahinga.

“Ang konti ng kinain mo, Shamia.”

“Okay na po ako Manang, lalabas na lamang po ako ng silid kapag nagutom ako.”

Tumango si Manang bilang pagsang-ayon. Siguro ay naisip na hindi talaga siya mapipigilan sa gusto niya. Nagtuloy lumabas ng kusina ang dalaga pero hindi pa man siya nakakalayo ay narinig na rin niya ang pagkaskas ng upuan sa sahig indikasyon na may tumayo saka niya narinig ang boses ng kaniyang bodyguard.

“Tapos na rin po ako, Manang.”

Paakyat na siya sa hagdan nang marinig niya ang yabag sa kaniyang likuran. Hindi niya na iyon nilingon dahil alam naman niya kung kaninong mga yabag iyon.

Nagdiretso si Shamia sa veranda ng kaniyang silid at tinanaw ang ilaw nang syudad. Iba’t iba ang kulay nang mga ito animo mga bituin na nakakalat sa lupa at hindi sa kalawakan.

Malalim siyang humugot ng buntong-hininga upang malanghap ang malamig na hangin na agad pumuno sa kaniyang baga.

“Lalim!”

Napatalon ang dalaga dahil sa nagsalita sa bandang likuran niya.
Agad niyang nilingon ang nagsalita at natagpuan niya si Kaiser na prenteng nakasandal sa railings nang veranda. Nakahalukipkip ito kaya nadepina ng husto ang muscles nito sa braso.

“The fuck you’re doing here...?”

“Nauna ako sa’yo dito.” Huh? Ang bilis ah!

“What I mean is anong ginagawa mo dito sa veranda ng kwarto ko? You have your own naman!” turan niya sabay turo sa veranda nang sarili nitong silid na katabi lamang nang sa kaniya.

Nagkibit-balikat lamang si Kaiser na parang sinasabing ‘magkatabi, kaya siguro tumawid ako’.

Muli na lamang siyang bumaling sa ilaw ng syudad at ninamnam ang kagandahan ng tanawin nang gabi. Muli rin siyang lumanghap ng malamig na hangin at ipinikit ang mga mata.

Payapa na ang kaniyang isip ng maramdaman niya ang maiinit na bisig na pumulupot at sumakop sa kaniyang katawan. Hindi siya makakilos dahil alam niya kung kaninong bisig iyon. Sa isang banda, sinadya rin niyang hindi kumilos para pigilan ang binata sa ginagawa.

Just this time, she just wants to savor the moment of his arms surrounding her whole body. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya, hindi sa kaba kundi sa excitement na nararamdaman lalo na nang ibaon nang binata ang mukha nito sa kaniyang batok inhaling her scent. At maya-maya pa ay ang tuktok naman nang kaniyang ulo ang paulit-ulit nitong hinahalikan.

Hanggang sa lumalim ang gabi ay ganoon ang kanilang pwesto. Hindi niya maramdaman ang pagod at lamig ng simoy ng pang-gabing simoy ng hangin dahil sa pagkakayakap nito sa kaniya mula sa likuran.

Ang tanging alam lamang niya sa mga oras na iyon ay ang masarap na pakiramdam ng mga bisig nito na nakapulupot sa kaniya at ang paminsan-minsang paghalik nito sa tuktok ng kaniyang ulo.

And that night was the most memorable night for Shamia. Walang usapang nangyari sa pagitan nilang dalawa pero iyon ang naging daan nang pagiging malapit nila sa isa’t-isa. Na maging ang mga taong nakapaligid sa kanila ay napapansin ang kaganapan.

My Beloved Bodyguard (COMPLETED)Where stories live. Discover now