Chapter Four

170 2 0
                                    

UNEDITED VERSION!
---

PAPASOK pa lamang siya sa loob ng bar ay rinig na rinig na niya ang malakas na tugtugan.

Kung hindi lamang siya napilit nang mga bruhang kaibigan ay hindi na siya mag-aaksaya pa ng panahon at oras para sumunod sa kapritso nang mga ito.

Hindi siya tuluyang makapasok at hindi din niya maaninag man lang ang tatlong bruha dahil sa dami ng tao na nakaharang sa daan. Meron pa ngang hindi sinasadya na nababangga siya pero mabuti na lamang at todo alalay sa kaniya ang bodyguard.

At kahit hindi man niya aminin, kinikilig siya sa mga hawak at haplos na kapit ni Kaiser sa kaniyang baywang. Halos magkadikit na magkadikit na nga sila dahil sa siksikan sa loob ng bar.

“Okay ka lang, Sham?” Tanong sa kaniya ni Kaiser, dinudungaw siya nito habang naglalakad sila at hinahanap ang pwesto nang mga kaibigan niya.

Ngumiti siya saka sumagot. “Yes! Don’t worry about me.”

“Oh, nakita ko na ang mga kaibigan mo, Sham.”

“Where? Kanina pa tayo naghahanap sa mga bruhang yan!” Kunwaring nanggagalaiting aniya.

Ngumiti ito na nagpakabog na naman ng husto sa kaniyang dibdib. Halos hindi siya makahinga dahil sa kabog nito. Lalo na ng maramdaman pa niya ang paghapit nang binata sa kaniya na halos dikit na dikit na ang kanilang mga katawan.

Inakay siya nito palapit sa couch na napili ng mga kaibigan. Medyo malayo sa karamihan ang napiling pwesto ng mga ito.

At malayo pa ay kita na niya ang mapanuri at malisosyang mga tingin ng mga ito sa kanilang dalawa ng binata. Nagtungo pa ang mata ng mga ito sa brasong nakapalibot sa baywang niya.

Naupo ang dalaga sa tabi ni Lourine dahil ito ang medyo matino sa tatlong kaibigan. Nang makaupo ay napansin niya na tumayo lamang sa gilid si Kaiser. Hindi niya napigilan na hilahin ito para maka-upo sa kaniyang tabi.

“Ehem!”

“Ano ba Bella ‘yaan mo siya. Wag kang KJ diyan, huh!”

Narinig niyang usapan ng dalawa dahil busy pa rin siya sa pagpapa-upo kay Kaiser na ayaw naman sumunod sa gusto niya. Kaya nakisali na rin sa pangungumbinsi si Lourine. Hindi nila pinansin ang dalawa na nagkakagulo na sa harap.

“C’mon Kai upo ka na. We’re here to enjoy! Forget your job for a while.”

Mayamaya pa ay napapayag na nila ni Lourine ang binata na mag-enjoy. Maingay na ang dalawa sa harap at maging si Lourine na katabi ni Shamia kanina lang ay naroon na sa dalawa at nakikisama na rin sa ingay.

“Hindi ka umiinom?” Nagtatakang tanong niya sa katabi  dahil napansin nang dalaga na panay lamang ang pagmamasid nito sa paligid.

“C’mon Kaiser loosen up!” Sabi ni Shamia saka tumawag ng waiter at um-order ng brandy para sa binata.

“Hindi ako pwedeng malasing Sham, sige ka! Ikaw ang magda-drive pauwe.” Sabi nang binata na tumatawa-tawa pa kaya natawa na rin ang dalaga sa sinabi nito.

“Why not? I know how to drive naman!” Sakay niya sa biro nito.

Nagtatawanan na sila nang mapansin ni Shamia na parang hindi mapakali sa upuan si Ysabell. At si Krysta naman ay may kung anong ibinubulong saka titili kasama si Lourine.

“Oh my god! Andito ang paborito kong band... Omo!!” Hindi na rin mapakali sa upuan si Krysta. “Jusko! ‘Rine kurutin mo nga ako—oh my god nananaginip ba ako?”

Mabilis namang tumalima si Lourine at malakas na kinurot si Krysta. “Gaga! Hindi yan panaginip. At saka totoong papalapit dito sa pwesto natin si Emman or was it Jared?”

My Beloved Bodyguard (COMPLETED)Where stories live. Discover now