Chapter Twenty

165 1 0
                                    

“ARAY... aray... w-wait! Pakibitiwan ang buhok ko! Masakit!”

“Talagang masasaktan ka!”

“Magpapaliwanag ako, Shamia!”

“Magpapaliwanag? Ano pang kailangan mong ipaliwanang na gaga ka!?”

Kahit gigil na gigil pa rin dahil sa ginawa nang mga ito binitiwan na rin niya ang buhok nang mahaderang babae.

Kita pa niya ang pagkalaki-laking ngisi ni Kaiser na nakasandal sa pader malapit sa kinaroroonan nila ng magaling na babae. Napansin na rin niya ang paglabas ng dalawa pang babae sa silid ng babaeng sinabunutan niya kanina.

“Chill baby...” lumapit na sa kaniya si Kaiser para pigilan siya sa akmang pagsugod pa sa dalawa. Naka-ngisi pa ang mga ito na tila hindi takot sa anuman ang kaya niyang gawin sa mga ito.

“Mga bruha kayo! Nakakatuwa bang paglaruan ako?” singhal ni Shamia sa tatlo.

“Yeah! Lalo nang pumayag kang magsama kayo ni Kaiser sa iisang silid.” Halata pa talaga ang pang-aasar sa mukha at sa tono ng boses ni Krystaleen.

Yes! Ang mga bruha niyang kaibigan ang lumabas sa silid na katabi ng hotel suite na inu-okupa niya. Ang lakas ng loob nang mga ito na sabihing may kaniya-kaniyang emergency kaya hindi makakapunta at makakasama sa outing nila, iyon pala nasa kabilang silid lamang at naghihintay nang resulta sa mga plano nang mga ito na talaga namang gumana at nag-tagumpay.

Walang pakundangan na yumakap sa dalaga si Lourine na may malisosyang mga tingin.

“Masarap ba?” agad niyang nabatukan ang babae dahil sa klase ng tanong nito.

Mangisay-ngisay naman sa kilig si Krysta at Ysa na narinig ang tanong ni Lourine. Nagkukurutan pa ang mga ito at may pahampas pa sa kaniyang balikat.

Narinig niya ang tawa ni Kaiser na nahalo sa malakas na halakhak ni Ysa at Krysta. “Guys! Kain na tayo.

Nagugutom na iyan kanina pa baka tayo na ang kainin niyan pag hindi pa siya na-bigyan ng pagkain. Alam niyo na... pagod!”

“Akala ko ba ‘insan pinakain mo na iyan?” ani Ysa.

Tumawa muna si Kaiser bago sumagot. “Yes. Kaya lang hindi yata na-kontento.”

Buwisit na mga ‘to. Kung makapag-usap akala mo wala siya sa harap nang mga ito at hindi siya kasabay na naglalakad para humanap ng restaurant na maka-kainan.

“Ano ba yan? Sabik na sabik?” patuloy na pang-aasar ni Krysta. “Can’t wait?”

“What do you mean, Krysta?” usisa ni Lourine na animo walang alam.

Ang galing talaga magkunwari nang mga kaibigan niya. Ang galing manloko, heto nga siya at nagsilbing halimbawa nang mga ito sa galing magplano at manloko ng tao.

“You know what I mean,” Anito na bahagya siyang inginuso. Agad naman itong nasundan nang halakhakan sa kanilang mga kasama.

Siya nama’y hindi na malaman ang gagawin, tatakbo ba siya palayo sa mga ito o huwag na lang pansinin ang kwela niyang mga kaibigan?

Ngunit sigurado niyang hindi naman niya iyon magagawa dahil sa higpit nang akbay ni Kaiser sa balikat niya at kapit pa nito ang kaliwang kamay nang dalaga. Animo natutunugan ang kaniyang planong gawin.

“Mga buwisit talaga kayo! Pinagtutulungan niyo na ako!” hindi na niya napigilang singhal sa mga kasama.

Ilang beses pa niyang pinagha-hampas ang binata na sinasalag lamang nito at sinisiguro na hindi siya makakalayo. Kaya inirapan niya na lamang ang lalaki.

My Beloved Bodyguard (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن