Chapter Seven

152 3 0
                                    

UNEDITED VERSION!
---

MATAPOS ang stressful na problema sa Shamia’s Magazine ay agad na ring nakauwi ng Pilipinas sina Shamia.

Nahuli na ang salarin sa pagkawala nang 100 million pesos sa kompaniya. Ang CFO ng kompaniya.

Inimbestigahan ito dahil ito lamang ang maaring maging suspek dahil ito ang humahawak ng pera ng kompanya. At napatunayan nga na totoo.

At sa kasalukuyan ay sakay na sila ng private plane pabalik ng Pilipinas.

Matapos ang problema ay napagpasyahan niyang agad ang bumalik. Ang sekretarya naman niyang si Pia Alvaro ay nagpa-iwan sa LA dahil may aasikasuhin daw, kaya’t si Kaiser lamang ang kasama niya sa plane. At ang piloto at ang private attendant.

Hindi niya na inusisa ang babae kung ano ang gagawin kung bakit nagpaiwan dahil hindi naman niya iyon gawain. Nagbibigay siya nang privacy sa mga tauhan niya so she can have it also.

Hindi pa man sila nakakatagal sa himpapawid ay nakaramdam na agad ng antok si Shamia. Marahil ay sa pagod sa pag-aasikaso ng problemang nangyari sa kompaniya.

Nagising lamang ang dalaga dahil sa pagkilos sa kaniyang harapan. Agad siyang nagmulat ng mga mata only to find out her bodyguard so close to her.

Napatitig siya sa maamong mukha nang binata. Bakit ba ang gwapo nang lalaking ito? Agad naghuramentado ang kaniyang puso ng magtama ang kanilang mga paningin lalo na nang ito ngumiti sa kaniya.

“We’re about to land.” Anito na ipinagpatuloy ang pagkakabit sa kaniyang seatbelt. Agad din itong lumayo ng matapos. Kinastigo ni Shamia ang aking sarili ng maramdaman ang panghihinayang sa pagbibigay distansiya nito.

Hindi niya pinansin ang binata hanggang sa pagbaba nang eroplano at sa pagsakay sa sasakyan na sumundo sa kanila.

“Diretso sa kompaniya, Manong.” Wika nang dalaga sa driver dahil tanghali pa lamang naman ng makalapag ang eroplano sa Pilipinas kaya naiisip niyang sa opisina magtuloy. Agad naman itong tumango nang hindi tumitingin sa dalaga.

“Sa mansion, Mang Ton-ton.” Narinig niyang kontra ni Kaiser.

“Aba’t ---”

“Hindi ka pa nakakapag pahinga ng maayos. Bukas ka na magtungo sa SM.”

Inirapan niya na lamang ito at hindi na nakipag-argumento pa. Alam naman kasi niya na hindi siya mananalo sa binata. Ipinikit niya na lamang ang mga mata hanggang sa pumarada ang sasakyan sa front door ng mansion.

Agad siyang bumaba at nagtungo sa silid saka nagmamadaling humilata sa kama. Tama si Kaiser hindi siya nakapagpapahinga ng maayos dahil sa problema. Kaya ngayong araw ay susulitin na niya ang pahinga at bukas ay saka na babalik sa trabaho.

HINDI alam ni Shamia kung ilang oras na siyang natutulog ng may maulinigang mga boses sa loob ng kaniyang silid.

Si Manang Leny at Kaiser. Nag-uusap sa mababang boses pero rinig pa rin niya.

“Hindi po siya nakapagpahinga doon ng maayos Manang. Inasikaso po niya ang problema sa kompaniya doon pero ng maayos na ay agad naman na nag-ayang umuwi dito kaya hindi man lang siya nakatulog nang matagal-tagal.” Anito habang tumutulong kay Manang sa pag-a-unpack ng gamit niya sa maleta.

“Ganiyan talaga iyang batang ‘yan Hijo, hindi nakikinig sa mga payo ko kahit na nang magulang niya at kapatid... ang katwiran e, kaya pa naman daw niya at titigil siya kapag hindi na.” paliwanag ni Manang saka nagtungo sa banyo upang ilagay doon ang ibang gamit nang dalaga  na para doon. At nang makabalik ay nagpatuloy sa pagku-kwento. “Mabuti nga at sumusunod sa iyo ang batang iyan.”

My Beloved Bodyguard (COMPLETED)Where stories live. Discover now