Chapter Fifteen

129 2 0
                                    

ISANG buwan na matapos ma-discharge sa hospital si Shamia. At hindi siya hinahayaan na magbalik na kaagad sa trabaho.

Kung lalabas naman siya para mag-ikot-ikot at mamasyal, hindi siya hinahayaan na walang kasamang pamilya bukod pa sa limang bodyguard na itinalaga nang ama sa dalaga.

Ayon sa mga ito ay kailangan niya iyon para sa safety purposes. Naalala niya tuloy ang nangyari ng magising siya.

***

Nagising si Shamia sa isang puting silid. Hospital. Dahil sa sinag ng ilaw sa loob ng silid ay hindi niya masyadong ma-imulat ng maayos ang kaniyang mga mata. Pero laking pasalamat niya  ng may magpatay niyon.

“Salamat naman at gising ka na.” Saad ng Kuya niya na agad na lumapit sa kaniyang kinaroroonan ng makita siyang nagmulat ng mga mata.

“Kuya?”

“Masyado mo kaming pinag-alala Shamia! Mabuti na lamang napuntahan ka agad ni Pia. Diyos ko! Sana naman kung may problema ka sinasabi mo sa amin at hindi iyang sinasarili mo, iyan tuloy napapahamak ka!”

“I’m okay now, Kuya!” pagpapalubag niya ng loob nang mga kasama sa silid. “Where’s mommy and daddy?”

“Lumabas sandali para bumili ng pagkain... Okay ka na ba? Wala nang masakit sa’yo? Oh wait I shall call the doctor, wait here okay!”

Tumango si Shamia bilang pagsang-ayon. Maya-maya pa ay dumating na ang doctor kasama ang ilang mga nurses. Chineck kung ayos na ba siya, and thanks ‘god na walang malaking pinsala sa kaniyang katawan.

Nang makaalis ang doctor agad siyang nagtanong sa kapatid. “Ilang araw akong walang malay Kuya?”

“Isang linggo,” Bumuntong-hininga ito. “Hindi kita tatanungin kung ano ba ang nangyari before the accident. I’ll leave that to mom and dad.”

Maya-maya pa pabalyang bumukas ang pinto ng silid at humahangos na pumasok doon ang mga magulang.

“Oh my god! Mabuti naman at gising ka na, baby! Diyos ko! Pinag-alala mo kami Shamia.” Wika nang mommy niya na agad siyang dinamba ng yakap. Umiiyak nitong isiniksik ang mukha sa kaniyang leeg at doon umiyak ng umiyak.

“Mom, nababasa ang leeg ko.” Pagbibiro ni Shamia sa ina. “Hi dad.” Bati niya sa daddy niya na nakamasid lamang sa gilid ng kama.

“Ikaw na bata ka bakit ba hindi ka nagsasabi sa amin, huh? Pamilya mo kami. Kung may problema ka hindi pagpapakamatay ang solusyon!”

“Mommy wala akong balak magpakamatay.” Irap ni Shamia.

“May problema kayo ni Kaiser, right?”

“Dad, not now please!” pakiusap niya dahil muli na namang bumalik sa kaniya ang sakit. Ayaw muna niyang maalala o marinig manlang ang pangalan nang lalaki.

Tahimik naman ang Kuya niya at ang kaniyang Mommy ay nanatiling nasa tabi nang dalaga habang  sinusuri ang mga galos sa katawan niya.

“Alam ko! Pero isang linggo na rin siyang nasa labas. At kung hindi pa lagyan ng mga guwardiya ang labas ng kwarto mo ay hindi titigil sa kakapumilit na pumasok at makita ka,” Mapanuri siyang tiningnan ng ina. “At minsan ay lasing na pumupunta dito at kapag hindi payagan na pumasok ay nagwawala. Ano bang nangyari sa inyo? Wala namang maisagot ang sekretarya mo.”

“Ayoko siyang makita at makausap, kung nandiyan pa siya paalisin niyo na, please!”

“Anak...”

“Please mom, dad.” At muling tumulo ang traydor niyang mga luha.

Kakagising pa lamang niya pero heto na naman siya iiyak dahil lang sa narinig niya ang pangalan nito.

My Beloved Bodyguard (COMPLETED)Where stories live. Discover now