Chapter Seventeen

130 2 0
                                    

"MISS Shamia dumating na po iyong titulo ng hacienda na binili niyo sa probinsya." Salubong ni Pia sa dalagang amo nang makapasok ito sa opisina.

After another week pinayagan na rin si Shamia nang magulang na pumasok sa trabaho. Siguro'y naingayan na rin ito dahil sa loob ng isang linggo ay wala siyang ibang ginawa kundi ang ngawaan ang ina dahil sobrang tigas ng ulo.

Sinabing huwag ng mag-gagalaw dahil bawal dito. Binawalan na rin kasi ito nang doktor dahil sa sobrang maselan na pagbubuntis nang mommy niya dahil na rin sa katandaan.

"Kailan pa dumating?"

"Kanina lang po. Nasa table niyo na po. May kailangan pa raw po kayong pirmahan para sa pagtitibay."

"Thanks." Tinanguan niya ang sekretarya saka nagtungo sa loob ng opisina. She found the paper above her table so she signed it immediately.

Tanghali na nang bulabugin siya ng tawag mula sa reception area.

Naikonekta na siguro agad ni Pia sa telepono dito sa loob ng kaniyang opisina, so she answer it immediately dahil baka importante. Hindi naman basta-basta nagkokonekta agad ito ng tawag mula sa baba.

"Yes?"

"Ma'am, may naghahanap po sa inyo dito sa lobby."

"Who?"

"Kaiser Pineda po, yung dati niyong bodyguard. Nagpipilit po siyang umakyat diyan, ang sabi ko po busy pa po kayo tapos sabi niya maghihintay na lamang raw po siya dito sa lobby hanggang sa hindi ka na busy."

Napahilot na lamang sa noo ang dalaga dahil sa biglaang pagkirot niyon. Ilang araw lamang siya nitong tinigilan. Akala niya umuwi na ang lalaki sa kanila?

Sa hindi malamang dahilan ay tila may kung anong mabigat sa dibdib niya ang nawala dahil sa kaalamang hinahanap na naman siya nang lalaki.

Shit! Ano ba itong nararamdaman ko?

"Hayaan niyo siya. Bantayan niyo lang na hindi maka-akyat dito yan,"

Sigurado naman siyang hindi rin ito magtatagal sa paghihintay sa kaniya. Kaya hahayaan niya na lamang ito sa paghihintay sa wala.

"Yes Ma'am. Understood po."

Muli bumalik sa pagta-trabaho ang dalaga nang matapos ang tawag. Kailangan niyang mabawasan man lang ang trabaho dahil may importante siyang pupuntahan mamaya.

"Ma'am, may nagpa-deliver po ng pagkain para sa'yo." Ani Pia na pumasok sa silid.

"Pakilagay na lang diyan."


Akmang tatalikod na ito ng biglang bumalik. "Ah, naipakuha ko na rin po kayo ng gamit sa mansion Ma'am. At iyong mga tauhan na ipinadala niyo sa binili niyong hacienda ay nakarating na raw po."

"Okay good. How 'bout your things?"

"Okay na po."

"Good. You may go! Ayusin mo na ang trabaho para makaalis na tayo."


ALAS dos ng hapon ay muling pumasok sa opisina ang kaniyang secretary. "Nasa helipad na po ang chopper Ma'am."

"Good. Let's go!" sabi niya saka nagpatiuna nang lumabas at sumakay ng elevator patungong helipad ng kompaniya.

Hindi pa man tuluyang sumasara ang elevator nakita niya ang isang lalaking humahabol sa pagsasara nito. Sa gulat niya ay napaatras pa siya pero sa kabutihang palad ay hindi naman ito nakaabot pa.

Anong ginagawa nito sa itaas?

Natakasan ba nito ang bantay sa ibaba? Eksaktong pagsakay ni Shamia sa chopper ay ang paglabas din nito sa pinto ng rooftop.

My Beloved Bodyguard (COMPLETED)Where stories live. Discover now