Chapter Sixteen

127 2 0
                                    

SHE was in her office when her friends arrived. Sunod-sunod dumating ang mga ito at isa-isa siyang niyakap. Maliban kay Ysabell.

“Oh my god! Are you okay?” agad na usisa ni Krysta na sinusuri pa siya.

“Kumusta ka?” tanong naman ni Lourine na nakaupo na sa harap ng kaniyang table.

“I’m fine.” Sagot ni Shamia saka isa-isa ang mga itong nginitian. “OA niyo lang. Halos isang buwan na akong nakalabas ng ospital ngayon lang kayo nag-pakita sa akin tapos kung maka-tanong kayo diyan!”

“Sorry! Na-busy kami eh. At saka nagvi-video call naman tayo, kaya okay na iyon.” Nagsisimula na naman si Krysta sa pagtatalak. And as usual tahimik naman si Lourine and si Ysabell tahimik din na hindi naman nito ugali.

“Alam namin na okay ka physically but how ‘bout emotionally, Mia?” maya-maya ay muling tanong ni Lourine na nagpatahimik sa dalaga.

Hindi niya maapuhap ang dapat na isagot. Dahil alam niya sa sarili na hindi pa din siya okay.

Nang makausap niya si Kaiser noong nakaraan sa CR hindi na muli ito nagpakita. Iniisip niya na siguro sumuko na ito at bumalik na sa pamilya nito sa probinsiya.

Ganoon ba ito kadaling sumuko sa pagsuyo sa kaniya? Pakiramdam tuloy niya totoo iyong sinabi sa kaniya ng babae sa probinsiya nang mga ito.

Siguro hinabol siya nito dito para makipag-ayos at magawa nito ang balak na sinasabi nang babae pero hindi siya pumayag na makipag-ayos kaya siguro sumuko na ito.

Kaunting suyo pa sana nito sa kaniya ay bibigay na siya. Pero nasaan ito, sumuko na at hindi na muling nagpakita. Dahil doon ay lalong nagatungan ang galit niya sa lalaki and theirs an idea pop in her head.

“Shamia?”

“Huh!?”

Nakita niya si ni Krysta na naka-dukwang na sa mesa niya, si Lourine at Ysabell ay nag-aalala na nakatingin din sa kaniya.

May inabot si Krysta sa mukha ni Shamia at pinahid iyon.
Luha.

“Are you okay?”

Hindi niya alam na sa kakaisip ay nag-aaksaya na naman siya ng luha para sa lalaking iyon. “Okay lang ako.”

Napatingin siya kay Ysabell ng bumuntong-hininga ito. At tila may nais sabihin.

“What is it, Ysa? May sasabihin ka? Kanina ka pa tahimik diyan?” wika niya.

“A-ahm! Kasi...”

Si Krysta naman ang nag-usisa dahil inaayos pa niya ang sarili. Ganoon din ang kaniyang mga gamit. Hindi siya pwedeng magtagal sa opisina dahil tumakas lamang siya.

Kapag nalaman nang mga magulang niya na nagpunta siya sa opisina pagagalitan na naman siya tulad ng nangyari ng lumabas siya nang walang paalam.

“Ano Ysa?”

“Sa amin tumutuloy si Kai.” Anitong nakayuko. “This past month sa bahay siya tumutuloy. But I swear kahapon ko lang nalaman kasi kakauwi ko lang from business trip.”

Ang dalaga ang palaging pinapadala nang pamilya sa mga out of town business.

“What do you mean?” kunot-noo kong tanong. Anong sa kanila tumutuloy?

“Kwento kasi ni Daddy may tumawag daw sa kaniya sinasabi na paki-tingnan si Kai kasi nga sumunod daw sa’yo and mag-kaaway nga daw kayo, pero hindi naman sumunod si Dad kasi nga... Hello! Di naman daw niya kilala, at nung nagpakilala daw iyong tumawag it turns out na iyong kapatid daw nila dad na itinakwil iyon, si Tita Belinda, kaya hinanap nila si Kai at sa bahay pinatuloy kasi ayaw na daw umalis sa harap ng hacienda niyo at ng bahay mo.”

My Beloved Bodyguard (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora