Chapter Eleven

130 2 0
                                    

UNEDITED VERSION!
---

It took an hour to reach the port where they can ride a ferry to reach the province. Hinayaan niya lamang si Kaiser na asikasuhin ang mga kailangan para makasakay ng barko.

Hindi naman kasi siya pamilyar sa mga ganoong bagay dahil hindi niya alam ang paba-biyahe through sea.

Nang matapos ang pagaasikaso nang binata ay itinaas na nang nagbabantay sa pagpasok ng barko ang harang para makadaan ang sasakyan.

“Pwede kang lumabas ng sasakyan habang nagbi-biyahe. Maiinip ka diyan sa loob ng van.” Anang binata nang mag-settle na ang van sa loob ng barko.

“Totoo? Pwede?”

“Oo naman. Basta tandaan mo lang kung saan naka-park ang sasakyan natin.”

Kinunutan niya ng noo ang binata. “Teka! Bakit parang hindi mo ako sasamahan?”

“Sasamahan syempre! Sinasabi ko lang incase na magbiyahe ka mag-isa or mahiwalay ka sa akin habang nandito tayo sa barko.”

She never plan on traveling alone riding this kind of thing. Kung kailangan tumawid ng dagat ay mayroon naman siyang chopper for that.

But wait matagal ba ang biyahe? Bakit kung makapag-salita ito ay tatagal ng maghapon ang pagsakay sa barko na ito?

This is her first time riding a boat or is it a ferry? Kaya hindi talaga siya pamilyar. Sumunod siya kay Kaiser ng bumaba ito nang sasakyan. Nagtungo sila sa gilid na bahagi ng barko at tinanaw ang papalayong tabi. Habang lumalayo ang barko ay pinagmamasdan niya ang alon na nililikha nang sasakyang pandagat.

Nagkakaroon pa nang kulay puting bula ang alon na nagpapatingkad sa kulay ng dagat.

Malayang inililipad ng hangin ang kaniyang may kahabaang buhok.

Agad niya itong hinagilap kaya lamang sa lakas ng hangin ay hindi siya magtagumpay kaya nang mapansin iyon nang kaniyang katabi ay tinulungan siya nang lalaki at ito na ang humawak ng buhok niya habang ini-akbay nito sa kaniya ang kanang braso.

Humilig siya sa kasintahan. “This is awesome!”

“Hmm, yeah! Kaya nga gustong-gusto ko ang magbiyahe sakay ng barko kahit na maari naman ang eroplano patungo sa probinsiya.” Ipinatong nang binata ang ulo sa dalaga. “Maganda kasing pagmasdan ang tanawin, lalo na iyong mga isla na iyon!” anito habang itinuturo ang mga isla na nadadaanan ng barko.

Natatanaw ni Shamia ang mga nagtataasang bundok kahit na nasa kalagitnaan na sila ng dagat. “Totoo? Pwede magbiyahe via plane? Why didn’t you tell me that?”

“Ahm... gusto ko kasing makita mo rin ang ganitong mga tanawin habang naglalakbay sa karagatan hindi iyong puro himpapawid lamang ang alam mong lakbayin.”

Asar ‘to ah! Umalis siya sa pagkakasandal sa binata kaya bahagyang nahulog ang ulo nito sa kaniyang balikat. Natawa ang binata dahil doon.

“Tatawa ka pa? E malay ko bang maganda rin mag-biyahe through sea?”

“Kaya nga! Experience yan Ms. Sandler.”

Nagtagal pa sila ng ilang sandali sa gilid ng barko bago nagpasiyang magikot-ikot. Napunta ang mag-kapareha sa top deck kung nasaan ang kapitan nang barko. Hinarang pa ang dalawa nang ilang crew dahil bawal daw roon ang mga pasahero.

“Ma’am, Sir bawal na po dito!” anang crew na nakaharang sa hagdan na patungo sa taas.

“This is Miss Shamia Sandler!” pakilala ni Kaiser sa kaniya sa mga naroroon. At hindi na siya nagulat pa na agad tinawag nang mga ito ang head crew nang nasabing barko. Natataranta naman na nagbigay ng daan ang mga kaninang nakaharang.

“Perks of being in a business world.” Bulong pa sa kaniya ng lalaki.

Talaga naman kasing kilala ang Sandler sa mundo nang negosyo maging sa ibang bansa.

Natatawa niya itong kinurot sa tagiliran.

“Loko ka tala ---” hindi niya naituloy ang dapat na paratang sa binata nang lumapit ang medyo may katandaan nang lalaki.

“Good morning Miss Sandler. Sorry for the inconvenience. Ahm... ano pong maipaglilingkod namin sa iyo Ma’am?” natataranta pa na anito.

Nginitian nang dalaga ang matanda. “Wala naman po. We’re just looking for the nice view kaya napunta kami dito pero hindi pala pwede so don’t worry guys bababa na lang kami.”

“Ay hindi Ma’am, okay lang po! You can roam around po.”

“Okay, thank you.” She said dismissing the conversation.

Nilibot nila nang binata ang buong barko dahil na rin sa kagustuhan nang dalaga at kung minsan ay kumukuha rin sila ng mga larawan.

Pabalik na sila sa van para makapag-pahinga ay hindi pa rin tapos sa pagtawa si Kaiser dahil sa nangyari kanina. Hanggang sa paglilibot kasi nila ay may nakasunod sa kanila na crew to do their bidding.

My Beloved Bodyguard (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora