Chapter Nine

138 2 0
                                    

UNEDITED VERSION!
---

HINDI pa rin siya tinitigilan ni Krysta sa pangungulit. Panay pa rin ang usisa nito sa kaniya tungkol sa nasaksihan nito kanina.

Si Kaiser ay agad ding lumabas matapos i-abot sa kaniya ang miryenda. Kaya naiwan siya sa mangulit na kaibigan. Agad din nitong ibinalita sa dalawa pa nilang kaibigan ang nakita.

“Yung totoo? Wala kayong label? Pero may kiss na agad na nagaganap, huh?”

“Wala kasi siyang sinasabi. Alangan naman tanungin ko, ano?”

“Gaga! Babae ka, syempre kailangan mong linawin ang namamagitan sa inyong dalawa. Ano yan? Niyakap at hinalikan ka lang, tapos wala pang label, tabi na agad kayo matulog?” litanya nang kaibigan. “Hindi sa lahat ng oras ginagamit ang ‘action speaks louder than words’.”

Napaisip siya sa sinabi ni Krysta. Ano nga ba ang meron sila nang binata?

“Oh ano? Napaisip ka di ba? Tanungin mo kasi, hindi yung kuntento ka sa ganyan lang.”

Tumango si Shamia bilang pagsang-ayon sa sinabi nito. Naisip rin niya ang sitwasyon nila nang binata! Mamaya tatanungin na niya ito kung ano ba talaga ang meron sila para hindi siya nangangapa at nahihirapan mag-paliwanag sa mga nakakapansin.

Masyado mang agresibo tingnan at pakinggan pero hindi naman maganda kung ganito lang sila.

“Oh sige tinatawagan na naman ako ni mommy... hmm kakainis! Nabuburo ako sa apat na sulok ng opisina!” anito saka tumayo at bago nagpaalam ay may pahabol pa. “Yung sinasabi ko ah! Tanungin mo!”

“I will.”

TINAPOS niya ang maghapon sa pagpirma sa mga papeles na nakatambak sa kaniyang mesa. Pero maya’t-maya ay may dumarating na mga papeles mula sa iba’t ibang departamento para daw i-check o kaya ay pirmahan o i-approve. Kaya hindi niya namalayan ang oras. Alas nueve na pala ng gabi. At halos hindi na siya makakilos ng maayos dahil sa pagod.

Inaayos niya ang mga gamit ng pumasok ang bodyguard. “Done?”

Ngumiti siya sa binata. “Yeah! Hindi mo sinabi sa akin ang oras?”

Lumapit ang binata sa kaniya at nagtungo sa likurang bahagi saka marahang minasahe ang kaniyang nananakit na balikat. “Bakit pa e hindi naman kita mapipigilan sa ginagawa mo, sasabihin mo lang kabawasan iyon sa gagawin mo bukas.”

Tama ang sinasabi nito. Kailangan lahat ng mga gawain na nasa harap niya ay matapos  kahit na mag-gagabi na. Hindi na kasi iyon gagawin pa sa kinabukasan. So, bagong gawain na pag dating ng bukas.

“Let’s go home babe, para makapag-pahinga ka na!”

Babe? Naisip niya na tanungin na ang binata ngayon habang may lakas pa siya ng loob kahit na pagod na ang katawan.

“Kaiser? Ahm---”

“Yes babe?” sagot nito na naka-yakap na naman sa kaniya at ang mga braso naman niya ang minamasahe.

“A-anong meron t-tayo Kaiser? I mean, yes! We k-kiss, we ahm--hug, pero hindi ko alam kung anong mayroon tayo?” kumawala si Shamia sa yakap nang binata. “I know I’m too demanding pero hindi ako pumapasok sa isang relasyon ng walang kasiguruhan.”

Seryoso niyang hinarap at tinitigan ang binata ngunit agad niya ding iniiwas ang tingin pero agad din nitong hinuli ang kaniyang baba para magtama ang paningin nilang dalawa.
“Shamia Gyllette! I’m courting you!”

“H-huh?” Yeah! Everyday he’s giving her flowers at ihinahatid, natural bodyguard niya ito, pero mas extra sweet na ang lalaki hindi tulad noong una na civil lamang ito sa pakikitungo. At ito na rin ang nagluluto ng pagkain ni Shamia sa maghapon, maging ang miryenda.

My Beloved Bodyguard (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt