Chapter Six

153 2 0
                                    

UNEDITED VERSION!
---

NAGISING si Shamia Gyllette sa mararahang katok sa pinto ng kaniyang silid. Nakatulog siya dahil sa labis na pag-iyak. Masyado siyang naapektuhan sa kaniyang mga narinig kanina, masyado niyang dinibdib ang mga narinig na animo kasintahan niya ito na nahuling nagtataksil.

Apektadong-apektado siya pero kahit ganoon ay kailangan niyang i-tago ang nararamdamn dahil anumang oras ay maari nilang mabunyag ang nararamdaman niya.

Dahan-dahang bumangon ang dalaga, nahagip ng kaniyang paningin  ang orasan na nasa side table. Alas nueve na nang gabi. Nangunot ang noo niya nang mapagtanto na gabi na nga pero bakit may kumakatok pa rin sa kaniyang silid.

Binuksan niya ang pinto. “What? Hindi mo ba naisip na nakakaistorbo k—”

Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil sa nabungaran niya. Si Kaiser na may hawak na tray nang pagkain.

“Kanina pa ako kumakatok, naka-dalawang palit na nga ako nang pagkain dahil lumamig na.” paliwanag nito.

Hindi siya makatingin sa binata dahil naalala niya ang kaniyang narinig habang may kausap ang binata.

“Ayokong kumain.”

Pagsasarhan niya na sana ito nang pinto nang iharang nito ang kaliwa paa dahilan ng pagkaipit nito sa pinto. Sigurado ang dalaga na masakit iyon pero hindi niya nakita sa binata ang sakit.

“Kailangan mong kumain, Sham, dahil simula daw nang pumasok ka kanina nang silid ay hindi ka na muling lumabas pa. Kaya naisip ko na hindi ka pa kumakain.” Paliwanag ni Kaiser na tuluyan ng pumasok sa silid kahit hindi niya pa ito sinasabihan.

Nakairap na sumunod siya sa binata. Mabait siya sa lahat nang mga tauhan niya pero bakit napa-sobra naman ata pagdating sa lalaki. Hindi siya maka-angal kapag ito na ang nag-uutos sa kaniya, hindi tulad sa iba na hindi naman niya pinapakinggan ang mga suggestion.

Inayos nito ang pagkain saka siya hinila para maupo sa gilid nang kama.

“Kain na Ms. Sandler, huwag matigas ang ulo.”

Inirapan niya ito. “Labas na! Kakain ako paglabas mo.”

Tinawanan lamang naman siya nang damuho. “I don’t believe in you. Hindi ka kakain pag iniwan kita. Babantayan kita!” Pinal na anito na animo wala nang makakabali pa nang sinabi.

“Kakain ako. Labas na! Matulog ka na at maghahating-gabi na!”

“Maghahating-gabi na nga kaya kumain ka na nang makapag-pahinga ka na din.”

Hindi na siya nakipagtalo pa sa binata. Nakakainis! Hindi siya maka-angal sa lalaki. Mataman na nakatingin sa kaniya ang binata habang siya’y kumakain.

Pasulyap-sulyap siya sa lalaki habang kumakain.

Napansin nito marahil iyon kaya natawa ang lalaki. “Huwag kang mag-alala hindi kita sasaluhan.” Anito

“Pero kung papayag ka naman—”

Napasimangot si Shamia. Idinadaan na lamang niya sa pagsimangot at pagsusungit ang nararamdaman niyang kaba.

Nasa kalagitnaan na siya nang pagkain nang mag-ring ang cellphone niyang nasa ibabaw ng kama.

Tumatawag ang pinagkakatiwalaan niyang tao sa kompaniya na nakabase sa Los Angeles. Ano kayang problema? Hindi naman ito basta tumatawag, nagse-send lamang ito nang update tungkol sa kompaniya gamit ang email.

Agad niya itong sinagot na nagpakunot ng noo nang binata.

“You’re not yet done eating.”

Inilagay nang dalaga ang hintuturo sa tapat nang kaniyang labi senyales na manahimik ito. Agad naman nitong nakuha ang ibig niyang sabihin.

My Beloved Bodyguard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon