and her radiance

1.6K 36 21
                                    

━━━━━━━━━━━━━━━━
CHAPTER TWO
and her radiance
━━━━━━━━━━━━━━━━

"You're not qualified enough for the position lent. I'm sorry, Miss, but you lack the criteria needed." Bungad na tawag sa'kin ng secretary ng publishing company na papasukan ko sana.

This is like the seventh company I reviewed as well that has good statistics in wages and probabilities in efficient work, pero lahat sila ay agarang nag-deny all for the same reason na I'm not qualified enough as an editor or contract manager despite of my clean resume and background.

Aalma pa nga sana ako pero agaran niya ring pinatay ang tawag na siya namang ikinainit lalo ng ulo ko.

Nasa kalagitnaan kasi ako ng pagv-visualize ng book cover sana ng librong sinulat ko na hindi ko naman pinublish, pero dahil sa tawag niyang halos hindi pang-professional ay naputol ang ayos ng art ko, dagdag mo pa na wala man lang siyang kahit na anong "hi" or kahit isang bati man lang bago tumawag.

"Kainis." Bulyaw ko sa sarili bago na lang napaupo sa swivel chair ko.

It's been almost a week ever since I left Tiya's karinderya at hindi na ko nakabisita pa roon kasi naabala ako sa paghahanap ng trabaho pero kahit sa paghahanap ng trabaho ay na-stress din ako.

Seven companies are no joke. I had to prepare my documents and resume one by one to pass onto them pero lahat 'yun ay denied matapos lang ng ilang araw. Doon pa nga 'ata mauubos ang sweldong binigay sa'kin ni Tiya.

Napahilamos ako ng mukha bago hinarap ulit ang laptop ko at binuksan ang google. Wala akong wifi and I'm just using the pocket wifi na binili ko noon para magamit ko kapag brownout. Sobrang luma na rin niya pero maayos pa rin naman.

I started searching for other publishing companies na hiring this year and even though lahat sila ay may mababang criteria at pasok naman ako kung ako lang pagbabasehan ay nakapagtatakang hindi raw ako qualified

'Yun lang rason nilang lahat tapos sent via email at call pa siya, not personally even though I passed my resume in person sa mismong kompanya nila. It's annoying enough.

"Fuck." Mahina kong bulong ng wala akong makita na magandang kompanya atsaka pinusod ang buhok ko kasi halos mamaluktot na ako sa inis.

Dalawang kompanya na lang hinihintay ko at 'yun na lang din ang huling pag-asa ko dahil kapag hindi ako nakapasok doon ay baka mas lalo lang akong mabaliw kasi wala na kong pera.

I can go freelance pero limitado lang kikitain ko roon at mahirap din maghanap ng kliyente minsan.

Pwede rin ako magsimula ng bagong business but it might take me tens and tons to finish it, dagdag pa ang pera ko ngayon na halos hindi na 'ata kakasya ng isang buwan sa'kin pa lang.

Wala na talaga akong pag-asa.

Ting!

Napakunot ako ng noo ng dumapo ang mata ko sa notification na lumabas sa gilid ng laptop ko. Daglian ko rin itong binuksan at nagsalubong ang kilay ko ng makakita ako ng email from the second to the last publishing company that I applied for.

At nang mabasa ko pa ang laman ng email ay halos maiyak na ko ng makita na hindi ako tanggap pero agad kong tinibayan ang loob ko atsaka tumayo para maligo.

I can't lose hope now. I'm a Madrigal and a Madrigal never loses hope.

Hindi pwedeng hindi rin ako matanggap sa huling kompanya na inapplyan ko kaya ako na lang mismo pupunta roon to check.

If I have to go there daily to make sure then I will. I just have to look presentable and majestic.

I quickly took a bath, put on a sleeved coat and a formal skirt at sinuot ko na rin 'yung cigarette heels na pagmamay-ari ko pa when I was a chief of my own publishing company.

Boulevard to Polaris (Virago Series #1)Where stories live. Discover now