found at last

1K 21 9
                                    

━━━━━━━━━━━━━━━━
EPILOGUE
found at last
━━━━━━━━━━━━━━━━

THIRD PERSON'S POV
one month later

Sometimes, being lost or nowhere to be found is a choice. A choice not to be seen, a choice to isolate, a choice not to move forward, and a choice to indulge yourself in a world where nobody can ever enter.

After being in years of peace, Aster once entered that time of her life. Chaos struck like lightning that she chose to divert herself in a new life rather than face the truth. Trust became a hard thing for her to give, doubts started sprouting inside her every time she chooses another path or meets someone new, and love withered in her heart as brisk as every second flies.

And that is until he made a path for her. Out of love and devotion, he conquered all odds in order for her to come back with no hindrance. All for love, and all for her to take him back.

"You managed to trick me. Ni hindi ko alam na kinasal na kayo." Natatawang saad ng nakakatandang Vuerrero habang nakatingin sa likod ng anak niyang nakatayo lang sa terasa ng mansyon.

Ilang taon itong nasa puder niya pero kahit minsan ay hindi niya naisipang maaari siyang balikuin ng sarili niyang anak pagkatapos ng ilang taon.

Nakuha siya nitong mabitag sa sarili niyang patibong. Ginawa ng anak niya ang lahat para lang maliwanagan ang ama.

Gazer Hue Vuerrero, his own son, managed to find the woman his father bribed to steal Aster's framework. Ang mga panahong hindi nagpakita sakanya si Aster ay hindi niya sinayang. Naging pagkakataon 'yun sakanya para hanapin si Farrah at paaminin ito sa kasalanang ginawa, bagay na tinugunan din ng dalaga dahil sa konsensyang naramdaman.

"I didn't trick you, Pa. I kept no secrets from you aside from the fact that I love Aster. But I know that you've known it this whole time, kaya mo ako pinipilit kay Quince." Gazer's jaw clenched, bagay na ikinatawa ng ama niya.

"Right, son. Though, if Aster didn't exist, Quince will be a good match, right?"

Mas lalong nagbaga ang tingin ng binata sa narinig, "If Aster won't exist here, then neither do I want to."

Namutawi ang katahimikan sa pagitan nila. Hindi man inaasahan ng ama ang pagmamahal na mayroon ang anak niya sa dalaga ay alam niyang wala siyang magagawa para pigilan ito. Ginawa niya na pero walang naging bunga, walang hanggan pa rin ang pagmamahal nito sa dalaga.

Hindi rin ito makapaniwala sa balitang natanggap, ngunit sa loob-loob niya ay wala siyang may magagawa o masasabi. Alam niyang malaki ang naging kasalanan niya kaya tama lamang na ang kumpanyang inangkin niya mula sa isang inakala niyang Madrigal ay bumalik na sa kamay ng taong 'yun. Ang hindi niya lang maatim maisip ay ang nag-iisang taong nagpatuloy ng planong 'yun ay ang mismong anak niya pa.

Mapaglaro ang tadhana. Naisip niya 'pagkat nakuha nitong paibigin ang anak niya sa anak ng babaeng minsan niya ring tinangi. Nakuha ni Aster paibigin ang anak niya pagkatapos niya itong pinagkaitan ng lahat sa paniniwalang anak siya ng lalaking kinamumuhian niya.

"Do you really love her, Gazer?" Kapagkuwa'y tanong niya pa nang wala siyang may nakuhang sagot kung hindi katahimikan mula sa anak.

"The real question is why shouldn't I, Pa?" Nang sandaling nilingon ni Gazer ang ama ay nawalan ng emosyon ang mata niya, "With all my heart and world, 'love' is an understatement to describe what I feel for her. And you wouldn't understand that. Not from you who's void of any affection and empathy."

Boulevard to Polaris (Virago Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon