one filled with hatred

801 22 2
                                    

━━━━━━━━━━━━━━━━
CHAPTER TWENTY-THREE
one filled with hatred
━━━━━━━━━━━━━━━━

"Ate, sorryyyyyy! Iniwan mo na ba ako rito? Ano gagawin ko? Sorry naaaaaa!" 

Napangiwi ako pagkatapos marinig ang matinis na boses ni Aya sa kabilang linya ng aparato ko. Alas-kwatro pasado na kasi ng hapon, tapos na rin ako sa pags-sort, at ilang minuto mula ngayon ay bababa na ako kaya naisipan ko munang tawagan si Aya para tignan kung maayos ba ang kalagayan niya ro'n sa apartment.

"I accepted the job, Aya." Bumuntong-hininga ako, "Because I just can't let my pride take over when I need money para sustentuhan ka. Ni hindi pa natin alam kung safe ba tayo riyan sa apartment kasi baka sugurin tayo ng Papa-papahan mo. We all know he's violent. He won't even let you abort the baby you don't even want."

Nainis ulit ako nang maalala ko 'yun. Hindi ko pa rin kasi lubos maisip na talagang ang kitid ng utak ng lalaking 'yun. Pinabayaan niya si Aya sa kamay ng putanginang kamag-anak niya pagkatapos ay ipapaako niya kay sa pinsan ko ang ayaw niyang akuin? Gago. 

"Ate, magiging ayos ka lang ba riyan? Hindi ka naman nila pinagt-tripan 'di ba?" Nag-aalala niyang tanong.

"Hindi naman." Well, hindi pa siguro. 

"Basta tumawag ka kung may gagawin silang masama, ah? Kahit buntis ako, ibabaon ko sila nang buhay."

Tinawanan ko lang siya. Hindi naman nagtagal ang pag-uusap namin kasi mag-aalas-singko na ng hapon at kailangan ko ng bumaba sa conference room para salubungin si Gazer. Ilang beses pa ko bumuntong-hininga at uminat habang inaayos ang mga papel sa kanya-kanya nitong box.

Inayos ko na rin ang sarili at ang dala ko bag para pumanaog. Aalis na rin sana ako kung hindi tumunog ang elevator at lumabas do'n ang employee na kinausap ni Gazer kanina, sa likod niya ay iilang guards.

Napakunot ako ng noo. May mga dala silang paper bags mula sa mga mamahaling brands; Gianvito Rossi, Balmain, Roger Vivier, Yves Saint Laurent, Valentino, Hermes, A. Lange & Sohne,  at kung ano-ano pa.

All of the paper bags yelled luxury at hindi ko maiwasang hindi mapanguso nang palihim sa naisip na baka kay Gazer lahat ng 'yun. Namiss ko rin kasi ang karangyaan at ang sarap sa mata makita ang ibang paborito kong brands. 

Nilapag ng mga guards ang paper bags sa harap ng pintuan bago umalis pero sa pagtataka ko ay hindi gumalaw ang employee at namulsa lang bago iginala ang paningin sa buong floor. Tumigil lang ang tingin niya nang makita niya akong nakatayo sa may cubicle ko.

"Ma'am Madrigal?" Tawag niya.

Ma'am? Napakurap-kurap ako atsaka napatingin sa employee na ang laki ng ngisi sa'kin ngayon.

Nilapitan niya rin ako habang nakapamulsa pa rin kaya hindi ko maiwasang hindi mapakapit sa lamesa sa likod ko. Sikreto akong kumuha ng ballpen kasi kaming dalawa lang nandito sa floor at ang pangit ng ngisi niya kahit gwapo siya. Binabalak nito?

"I'm Laze Querencia. I'm managing both the Marketing, and Operations department downstairs, and I think you're Director Vuerrero's secretary?" Magiliw niyang bati bago nilahad ang kamay.

Nawala rin ang suspisyon ko sakanya dahil sa pormal niyang pakilala kaya tinanggap ko ang kamay niya at marahang tinango 'yun. Nakakabilib pakinggan na dalawang departamento ang pinagsasabay niyang i-head. 

"Aster Ray Madrigal, Director Vuerrero's secretary." Pormal kong pagbati bago pinakawalan ang kamay niya. Hindi rin ako nagtanong bakit siya nandito dahil lumanghap pa siya ng hangin bago ngumiti ulit, animo'y naghahanda ng sasabihin.

Boulevard to Polaris (Virago Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon